Rose Andy P.O.V
Nandito ako ngayon sa mansion ng Mama ko, hindi ko alam kung anong napakain saakin ng nanay ko para mapapunta nya ako sa mansion nyang may malasademonyo na haligi ng tahanan.
"Ano ba kaseng kailangan mo? Kating-kati na ang paa ko na umalis rito" sabi ko sakanya habang nakaupo sa sofa nila. Tss diko akalain na makakaupo pa ako dito. Back to normal nanaman kami ni Mama. Yung tipong binabastos ko sya para makita nya kung anong ginawa nya sa 'dating prinsesa' na ngayon ay 'rebelde' na.
"Rose, aalis kami ni Renz. Gusto ko sana na bantayan mo ulit si Justine" what the----?!!! Pagbabantayin nya ako? Ulit?! Sinong kasama kong magbabantay, e, wala na si Luke. Tumayo nalang ako at bored syang tinignan
"Pwede ba hindi nyo ako babysitter dito. At isa pa, nasan ba yang si Mia?" tanong ko sakanya. Ako magbabantayin nila ng bata. Samantalang may ate sya. Like duh.
"Mia is busy, Rose" busy? Parehas lang kami ng grade level tapos busy sya? Ako nga nasa isang banda pa. Duh. Fvck her
"Nagdadahilan lang yun. Tinatamad yun panigurado kaya tigil-tigilan nya ako. Pagbantayin mo yung maarte mong anak-anakan" sabi ko tapos ay naglakad na palabas sa mansion nilang malasademonyo. Pero bago ako makalabas ay hinila ni mama ang siko ko. What now?
"Nagkakaganyan ka ba dahil kay Luke?" ano namang kinalaman ng lalakeng yun dito? Duh, nangiwan na sya kaya wala na akong pakielam sakanya. I begged to him, he walked away.
"Let go, old woman" sabay tabig ko sa kamay nya "At walang kinalaman si Luke dito. It's been 3 fvcking months. Ask yourself again, why I'm being like this" walang emosyong sabi ko sakanya. Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Kung bakit ako naging rebelde, kung bakit nawasak kami. Letche! Kasalanan nya lahat.... Nila ni Papa.
"Sorry.... Pero anak, tigilan mo na yung pagrerebelde mo. Tinigilan mo na dati, bakit ayan nanaman? Babalik rin si Luke" I laugh sarcastically. Babalik? May posibilidad pa bang bumalik ang mga umalis at ayaw ka ng makita pa? He left...... I don't care about him, anymore. He was once my world but not now. He was my bestfriend, but he left.
"Please, Ma. Bakit ba kase hindi mo nalang sya pabantayan kay Mia? Sa panlalandi lang ba magaling ang anak-anakan mo?" inis kong tanong sakanya. Siguro nagsasaya ang dalawang yun. Wala na ako sa buhay ni Luke at magkaaway na kami ngayon ni Mia. Malaya na silang magkaroon ng relasyon. Yup, I saw them twice, hugging and kissing each other. May pinagmanahan kase.
"Rose, just do my favor" seryosong sabi nya. Tss kakampihan nanaman nya yung anak-anakan nya. Duh. Ano pa nga ba.
"Ihatid mo sya mamaya sa bahay. May klase pa ako, istorbo ka masyado" sabi ko sakanya. Umalis na ako sa mansion nya at sumakay sa motor ko.
Mabilis ko lang itong pinaandar at wala akong pake kung may stop light basta dire-diretso lang ako. Nang makarating ako sa school ay nakita ko si Shantel at Mikaela na sabay na papasok. Hindi nila ako nakita kaya hindi ko nalang sila pinansin. Nagdiretso ako sa classroom ko at walang ganang nakinig.
Nang matapos na ang klase ko ay diretso ako sa parking lot at mabilis na pinatakbo ito papunta sa MC Park. Umupo sa dati naming pwesto ni Luke. Nung nalaman namin nasi Shantel at Mikaela na parang ayaw ko silang makitang magkasama. Ayaw ko nakakakita ng couple. Nung si Shane at Ken, natitiis ko pa pero yung dalawang couple na nakikita ko? Naiirita ako. Magiging kami narin ni Luke dati but Mia came in the picture. Luke suddenly left me. Ganun nya na ba kamahal yung babaeng yun?
"Sabi na, e. Bakit ka nandito?" tanong ni Axel. Tss bakit rin sya nandito? Napapansin ko na laging nandyan si Axel satuwing magsesenti ako.
"Nandito ka nanaman? Don't you know that you are now in danger?" sabi ko sakanya. Pero tumawa lang sya kaya inirapan ko naman sya. Akala nya ba nagbibiro ako? Isa rin sa mga dahilan ko kaya ko sila nilalayuan ay dahil sa binabalikan nanaman ako nung mga nakaaway ko. You know, some that belongs in mafia, fraternity, and some organization. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang mga yun at alam ko na aabot sila sa punto na pwede nilang saktan ang mga kaibigan ko. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko pero hindi ko sila kayang ipagtanggol lahat.

BINABASA MO ANG
Different Couples (COMPLETED)
Teen Fiction"I'm ending my relationship with you. There is no 'US' anymore. Wala nang tayo." -Rose Andy "Hindi ko akalain na hihiwalayan mo ako sa mababaw na dahilan. Sana sinabi mo para parehas tayong lumaban" -Mikaela "Hindi naman kita lolokohin habang nasa m...