抖阴社区

Chapter Four

519K 10.2K 1.1K
                                    

 SIGURO kung hindi siya isang majubis, hindi siya iiwan ni Danrick kahit nalaman nitong virgin siya. Siguro, ipinagpapatuloy lang nito.. Hahalikan siya nito, pagkatapos tuloy tuloy na siyang kakangkangin.

Siguro kung hindi siya majubis, sobrang magiging gentleman pa ito sa kanya na after the one night stand, eh magiging sobrang possessive na ito sa kanya. 'Yong tipong ayaw na siya nitong pakawalan tulad dun sa mga romance books na nababasa niya.

Kung hindi siguro siya majubis, mababawasan ang takot nito sa virginity niya.

And why would he be scared with her virginity by the way? Naniniwala ba ito na masyadong clingy ang mga virgin? Masyadong nagiging demanding after sex? Aasta na siyang jowa nito? O takot na magkaroon ng commitment sa isang majubis like her?

Naiintindihan niya ito kung ganoon at hindi rin naman siya nagagalit dito. Ngunit hindi niya mapigilan maghinanakit. At lalong hindi niya mapigilan na mag-isip sa mga posibleng nangyari kung hindi siya isang plus size woman at nagkataong kasing-sexy siya ni Megan Fox.

"Saan may lamay?" inosenteng tanong ni Cathy at luminga-linga sa paligid, tila ba may magtatangka talagang maglagay ng burol sa loob ng gym ng BBC. Nandun siya nakaupo sa sahig. Kakatapos lang ng zumba session nila at nagpapahinga kasama si Alicia at ang iba pa niyang BBC sisters tulad ni Tephany, ang kambal na si Jenn at Kenn, at ang isa sa founder ng Big Beauties Club na si Cristeta Mae. Kanina pa siya nakatulala. Parang wala sa sarili at aware siya na kanina pa din siyang napapansin ng mga ito, lalo na si Alicia.

Sa mga ito, ang kaibigang si Alicia lang ang nakakaalam kung anong nasa likod ng pananahimik niya. Ito ang unang una niyang tinawagan kagabi at pinapunta sa kinaroroonan niyang hotel. Nasaksihan nito ang itsura niya, tumutulo ang luha sa mata habang suot ang punit na halter dress niya. Natatandaan pa niya kung paano ito sinapian ni Ivy Aguas, at eksaheradang sumigaw ng, "SINONG GUMAWA SAYO NITO?!"

Ang gaga, ngali-ngali pa niya itong mabatukan. Kung maka-react, kala mo naman narape siya. Nagpapasalamat nga na hindi ito masyadong nag-usisa sa nangyari. Tinanong lang nito kung okay lang daw ba siya, kung masarap daw ba. Buti na lang talaga hurt siya kagabi kay Danrick, kung hindi ang kaibigan ang na-hurt niya.

"Ay, anong drama ito?" Nameywang sa kanila si Cathy. "May lamay ba? Ang tahimik ah. May ibuburol mga te?" Tumingin pa ito kay Alicia. At tumingin naman sa kanya si Alicia.

Bumuntong-hininga siya at tumayo. "Una na ako sa inyo, sis."

Nakaka-dalawang hakbang pa lang siya nang magsalita ulit si Cathy. "O, anyare naman sa 'yo?"

"Huh?"

"Bakit ganyan ka maglakad? Nadulas ka ba or something?"

Nakagat niya ang ibabang-labi. Sigurado siya, di maniniwala ang mga gaga kapag nalaman ng mga ito ang nangyari kagabi. Pero sa Big Beauties Club, magkakapatid sila doon. Nag-oopen sila sa isa't isa, at feeling kailangan niya rin mailabas 'yon.

Si Alicia halata na kagabi pa gusto mag-usisa sa kanya. Pero hinayaan lang siya.

"Ano ba kasi ang nangyayari sa 'yo, sis? Kanina ka pa tahimik." nagsalita si Cristeta, ang founder ng BBC. Ito at si Mary Jane ang nagtayo ng club na dedicated para sa mga plus size woman na tulad niya. Naniniwala kasi ang mga ito na hindi dapat ikinakahiya ang pagiging majubis. Dapat niyayayakap iyon at ipinagmamalaki.

"Kung may problema ka, you can share it with us. Malay mo makagaan kami sa pakiramdam mo. Promise, walang okray." Marahang ngumiti ito sa kanya.

She took a deep breath. Pagkatapos ay isa isang hinarap ang mga ito. "Okay, alam ko this is a shocking news.. I almost have sex with Danrick last night."

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon