🍎
NABUBWISIT na naman ulit si Jeasabelle. "Ano, matagal ka pa ba? Sabihin mo lang kasi naghihintay ako dito." nawawalan ng pasensya na sabi niya.
"Malapit na. Two minutes."
"Hay naku, Danilo. Siguraduhin mo lang."
Tumawa lang ito. Inis na pinatay niya ang tawag. Saan pa ba ito pumunta?
Dapat siguro talaga pinasama na niya ito sa loob. Kaso ayaw naman niya na marinig nito ang pag-uusapan nila ni Vin. O kaya dapat pinaghintay na lang niya ito sa kotse tutal saglit lang naman naging pag-uusap nila ni Vin.
Baka naman may kinita pa itong iba? Naku, wag lang ito magtatangka. Kahit wala silang label, gegyerahin niya 'yong babae nito. Pero syempre, 'yong hindi nito alam.
Umabot pa ng three minutes at gusto na talaga niya ulit tawagan si Danrick. Kung hindi lang niya nakita ang paparating nitong kotse.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at sinalubong ito. Bumaba ang lalaki ng kotse. Handa na siyang singhalan ito kung hindi lang siya natigilan.
Bitbit nito ang isang bouquet ng mixed roses and sunflowers. Inabot ng binata iyon sa kanya.
Napipi na tinanggap niya iyon.
"Sasamahan ko sana ng chocolates kaso baka ibato mo lang sa 'kin. Kaya iba na lang ang binili ko para sa 'yo."
"W-wow. Thank you.." mangha na napatitig siya sa bigay nito.
"Did you like it?"
"Yes. O-Ofcourse! Ito ba dahilan kaya ka nagtagal?"
Tumango ito at napakamot sa batok. "I want to surprise you kaya di ko masabi sa 'yo sa tawag kanina kung nasaan ako."
"Well, you surprised me. Thank you." She kissed him in the check. Kumalat ang kulay sa pisngi nito. Ghad, he's blushing again. He was cute! Para tuloy gusto niya ito pugpugin ng halikan.
"Maliit na bagay lang 'yan. Lalo't may kasalanan din naman ako sa 'yo. I'm really sorry.. promise di na yun mauulit."
"Hmm.." Tatanggapin ba agad niya ang sorry nito? "Eh, paano ba 'yun ang dalagang Pilipina hindi agad nakukuha ng ganto lang."
Ulul, sabat ng keps niya.
Napangisi ito. "Handa naman ako suyuin ka, eh. Nandito pa sa kotse 'yong binili ko para sa 'yo. Alam ko naman na ayaw mo sa chocolates at baka ibato mo lang sa mukha ko."
Tumawa siya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at excited na sumakay siya. "Nasaan na?"
"Wait." Sumakay rin ito at kinuha ang isang basket. Naglalaman iyon ng apples. Inabot nito 'yon sa kanya na may maluwang na ngiti sa labi.
"Apples?" maang na napatitig siya dito. Nabura ang ngiti niya at walang reaksyon na tiningnan ito.
"What's wrong?"
"Apple talaga 'no? Di mo nga ako binigyan ng chocolates. Apples naman ibibigay mo.. Ano ako, lechon? Ilalagay mo ba 'yan sa bibig ko mamaya habang nakatali ang mga kamay ko mamaya?"
"Yeah, tapos ako tutuhog sa 'yo. How about that?"
Kinuha niya ang isang apple at akmang ibabato sa mukha nito.
"Hey! I'm just kidding!"
"Bastos ka rin 'no? May pa-flowers ka pa, mang-aasar ka lang pala." Inihagis niya dito ang boquet. "Ibaba mo na ako."
"Hindi kita inaasar. C'mon. Nag-effort ako, tapos ibabato mo lang sa 'kin."
"Ah, dapat ba itapon ko sa sarili ko?"
BINABASA MO ANG
Seducing Danrick Hidalgo (R-18)
General FictionCollege days pa lang si Jeasabelle, malaki na ang pagnanasa niya kay Danrick. Kulang na lang ay mag-split siya sa harap nito makuha lang ang atensyon ng gwapong adonis, pero wa epek ang beauty niya! Ano ba naman kasi ang laban niya sa mga babaeng um...
