抖阴社区

Chapter Twenty Two

499K 9.6K 1.1K
                                    

🍷

HUWAG kang susugod sa isang gyera kung ayaw mong maputukan.

Hindi tanda ni Jeasabelle kung saan niya iyon narinig. Pero malaman ang linyang 'yon. May aral.

At itinanim niya iyon sa isip bago pa niya gawin ang ginagawa niya nya ngayon.

Nakatingala siya kay Danrick. Pinapanood ang pagtingala nito at pagkagat nito sa labi. "Fvck, babe."

She could stare at his face forever. Hindi siya magsasawa paglandasin ang titig sa gwapong mukha nito. Hindi siya magsasawang titigan ang pamumula ng mukha nito tuwing gagawin niya ang bagay na 'yon.

He was just so beautiful. At kahit na gamitin niya dito ang salitang iyon, hindi pa sapat upang ilarawan ang nakakapasong titig nito, mapang-akit na labi..

Mariin siyang napahawak sa binti nito, at tumawa. "And you really think I'm going to give you a head?"

Napamulat si Danrick at salubong ang kilay na tumingin sa kanya. Bakas sa mukha nito ang pagkalito.

"W-What?"

Tumayo siya at binigyan ito ng isang nang-aasar na ngiti. Sinadya niya na paasahin ito. "Hindi porke pwede kang maging tanga, uulit-ulitin na. There's no excuse for being stupid over and over."

"Goddamn it, babe."

"Wag mo akong matawag tawag na babe! Alam kong mataba ako, di muna kailangan ulit-ulitin!"

"W-what?" Tumayo na rin ito at inayos ang pantalon. "I don't mean to offend you. I just don't understand... Why?"

"Alam mo kung ano 'yong nakaka-inis? 'Yong nagpapanggap pa 'yong isang tao na walang alam kahit aware siya sa kung ano 'yong nagiging epekto sa ibang tao."

Hindi nito masalubong ang mata niya.

"I don't wanna hate you, Danrick. But please, tigilan mo na lang ako kung wala ka namang balak na seryosohin ako. Sa iba mo na lang ibaling 'yong libog mo kung isa lang akong parausan sa 'yo."

Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Tinalikuran niya ito at nagmartsa palabas ng office ng lalaki.

 SHE SHOULD be proud of herself. Nakayanan niyang hindi magpadala sa tukso kanina kay Danrick. At ang mas importante nakayanan niya na mag-walk out dito.

Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya niyang gawin 'yon. Lalo na sa lalaking kayang magpahina sa kanya ng lubusan.

Pero nakayanan niya. Kaya nga heto siya, mag-isang isine-celebrate ang pagtanggi niya kay Danrick na para bang isang malaking event 'yon na nangyari sa buhay niya.

She should be proud, and happy.. But for some reasons, ang bigat ng dibdib niya. At ito nga siya oh, ang lakas maka-Angelina Jolie ng eksena niya.

May luhang kumawala sa gilid ng mata niya habang hawak ang baso ng wine. Very Mrs. Smith ang drama niya. Kulang na lang ay umeksena din si Danrick at nare-create na nila ang scene ni Brad Pitt at Angelina Jolie. 'Yong scene kung saan nagdadalamhati si Angelina nang akala nito wala na si Brad. Ang kaibahan lang ay ang setting.

Nasa Purple Haus siya at nakaupo sa may counter. Nagkakasiyahan ang mga tao sa paligid niya. Pero siya, parang nasampulan na naman ng heartbreak.
Arte.

But iyon na iyon talaga ang pakiramdam niya. Nakatitig siya sa kawalan. Parang may nawala sa kanya kahit ang ginawa lang naman niya ay unahin 'yong sarili.

"Ganto pala kapag nagmamahal ka ng totoo, mas gugustuhin mo na ikaw 'yong nagpapakatanga kesa sa ikaw 'yong nang-iiwan."

"Hindi mo naman ako iniwan, ah?"

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon