抖阴社区

                                    

"AND?" sabay sabay pa na wika ng mga ito.

"Hindi maganda ang naging ending." Muli nakita niya sa isip ang galit na mukha ni Danrick, ang tingin nitong nang-aakusa at nanunumbat. She could still hear him cursing. Pero mas tumatak sa kanya ang pagmamadali nitong magbihis para makalabas na ng kwarto. Sa pagmamadali nga nito naiwanan pa nito brief nito. Dapat ba siyang matuwa na may iniwanan itong remembrance?

"Ha? Ano ba ang nangyari, sis?" inip na tanong na ni Cathy. "Bigla bang nagbago ba ang isip nung isusubo muna?" usisa ni Cathy.

"Cathy!" saway ni Cristeta at Alicia sa kaibigan.

"You're not helping!"

"Nagtatanong lang, bakit galit kayo?"

Maikli siyang tumawa. "Sana nga doon lang naisipan na niya mag-back out e. But no. Hindi 'yon.. He found out that I'm a virgin."

Kita niya ang pagrehistro ng gulat sa mukha ng mga kaibigan. Na parang may bomba siyang pinasabog sa harap ng mga ito.

"Okay, okay! Wag kayong tumingin ng ganyan sa akin! It's not my fault that I'm still a virgin noh?"

"You're still a virgin?" manghang tanong ni Tephany. "Oh My God. Don't get me wrong, babe, but men like Danrick hate virgins."

"Yes, and tingin nila trap iyon para makulong mo sila sa isang commitment." sabad ni Jenn.

"At tingin nila, porke sila nakakuha ng virginity mo magiging clingy ka na sa kanya, at sa kanila na iikot ang mundo mo na kinatatakutan nila dahil hindi na sila makakatikim ng ibang putahe! Nako, ganyan ang mga lalaking yan." sabi ng manhater na si Kenn.

Napailing siya. "Naiintindihan ko naman siya. I'm just.. just sad.. Iniisip ko, siguro kung sexy ako, keri lang kahit virgin ako no? Baka mag-enjoy pa siya. But since, majubis ako at magpapatanggal lang naman siya ng init, narealize siguro agad niya na hindi worth it. So, he left me."

"Aw, sis.."

Nilapitan siya ni Alicia at niyakap siya. "Wag kang ganyan. Huwag mo hayaang bumaba ang tingin mo sa sarili mo dahil sa isang lalaki? You're beautiful and sexy in your own way! Hindi isang lalaki ang magsasabi sa 'yo kung ano ang worth mo."

Niyakap din siya ni Cristeta. "Alicia's right. Hindi lang din si Danrick ang lalaki sa mundo, sis. Wag muna siya pag-aksayahan ng luha at emosyon. He's not worth it. Kung makaarte naman 'yun, kala mo daks talaga eh no?"

Kahit naiiyak na, di niya mapigilang matawa. "Daks naman talaga mga bes, kaya nga masakit eh."

"Gaga!" Nagtawanan ang mga ito. Biglang gumaan ang pakiramdam ni Jeasabelle. Tila nawala ang bigat sa dibdib niya.

"I just have one question, sis." Napatingin sila lahat kay Cathy. "Kung si Danrick mismo nakaalam na virgin ka, ibig ba sabihin naijosok niya sa 'yo?"

"Uhmmm. Oo?"

Nanlaki ang mata nito. "Like OMG? If that's the case, bakit hindi na niya sinagad-sagad pa? Pareho lang pala kayong nabitin. Sana dinaganan mo para di na nakapag-inarte noh?"

"Ay nako! Cathy, dun ka na nga!"

"Sabi ko nga."

 A VIRGIN. A fucking virgin.

What the hell is he thinking?

Marahas na sinuklay ng binata ang kanyang buhok at bumuga ng hangin. Tinanggal niya ang mata sa monitor at hinayaang lumipad ang tingin sa labas ng bintana. Hindi siya makapag-trabaho sa lalim ng iniisip niya. Kanina pa niyang pilit na itinututok ang utak sa trabaho, pero kusa iyong lumilipad sa eksenang sigurado siyang hindi niya malilimutan.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon