抖阴社区

Chapter 02

8.1K 130 13
                                    

Chapter 02.

“I-Ikaw si Zane Monroe?!” gulat na sabi ko, grabe!!!!!!! gusto ko na maglaho ngayon, as in ngayon!

“So ngayon kilala mo na ako? Look If you don’t pay me back ipapahabol kita sa mga guards ko. Hindi ko pagbibigyan ang isang tulad mo” sabi ni Zane na mukhang naiinis na naman sakin dahil namumula yung ilong niya, siya ata yung long lost father ni honesto. 

At wow ah? isang tulad ko? angyabang talaga neto, di porke't mayaman na siya eh ang taas taas na tingin niya sa sarili niya, pigilan niyo ko mapapatay ko talaga to'

“Isang tulad ko? Filipino ka din naman ah, kung sinasabi mo na iba ako sayo, Oo nga magkaiba tayo dahil mayaman ka, ako hindi. ang yabang mo ah!”

 “Mayabang na ba tawag sa sinabi ko? nevermind, ayokong mag sayang ng oras sa taong hindi ko kaano ano” sabi ni Zane, at talagang maslalong lumakas yung hangin dito sa loob, wow ang hangin, ang hangin ng kausap ko ngayon sarap sapatusin!

"At talaga nga naman ah!" sabi ko, Chin magtiis ka..hayaan mo muna ang pesteng lalaking yan baka makulong kapa pag ginawa mo binabalak mo

"Itigil na natin itong walang kawenta kwentang usapan, so paano mo nga ako mababayaran?” sabi pa niya na parang amuse na amuse siya sa sarili niya, Arrrrrrrrg!

"Paano nga ba?" sabi ko na naka taas yung kabilang kilay ko sa kanya.

 “You’ll work for it.” sabi niya tapos may kinuha siya sa wallet niya na calling card saka sakin binigay

“Para saan naman to?” tama naman kasi para saan pa yung calling card at anong sinasabi niyang 'work for it'?. bwsit!

“This is the address, pumunta ka bukas sa residence ko and you’ll work as my slave” Sabi niya na parang wala lang sa kanya, pero teka SLAVE?! is he fucking serious? ako slave? sa kanya? anak ng pitong kalabaw naman oh parang yon lang!

“Slave?!” hindi ko na mapigilan hindi siya sigawan dahil sa slave na sinabi niya. Arg! he's really getting on my nerves!

“Yes, bakit may problema ba? And oh one more thing pag tapos kana jan sa card ibenta mo yan sa mga fans ko huh” sabi niya na parang wala lang talaga sa kanya. grabe anak ba siyang isang demonyo? at ano daw? FANS? FANS my ass dude! sa ugali nyang ganyan may fans pa siya, WOW!

Baka naman binabayaran nya yung SO CALLED FANS DAW NIYA. nakakainis kasi eh, ang yabang niya! andami kong nakilala na lalaking gwapo tulad niya pero hindi ganyan yung pag uugali nila. na sobrahan ata ng hangin si Zane nung pinanganak siya. 

Umalis na din siya, kaya naiwan ako dito na nakatunganga, na parang sasabog na sa sobrang galit at inis dun sa lalaking yon! inayos ko na din yung mga pinamili ko saka binayaran iyon, hays nakakabadtrip isipin na nakabuhos ka lang ng softdrink sa taong hindi mo kakilala tapos hindi mo pa sinasadya iyon, magiging slave ka ng wala sa oras.

Kinaumagahan imbes na nasa park ako ngayon nagbabasa, wala ito ako ngayon papunta sa residence nung mayabang na Zane na yon. ayos lang sana kung may bayad itong gagawin ko kaso wala eh! bwsit!

Pagdating ko sa bahay ni Zane, este Mansion grabe ang laki mas malaki pa yata yung mansion nila kesa dun sa mall sa street namin, kaya dirediretso akong pumunta sa may door and then nag doorbell

“Hello?” sabi ko, yung feeling na kinakabahan ka sa gagawin mong trabaho ngayon. hays 

“Who’s this?” sabi nung sumagot sakin, babae yung boses niya malamang hindi si Zane yun, kadiri naman kung bakla siya, siguro katulong din niya

“Um, it’s m-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil nagsalita sa kabilang line si Zane

“Let her off jade. She’s my slave, let her in" sabi ni Zane, at talagang pinanindigan yung pagtawag ng Slave sakin ah? malilintikan talaga siya sakin. maghintay lang siya. TSK

Pagkabukas ng pagkabukas ng door, susugurin ko na sana siya pero natigilan ako sa nakita ko. Si zane ang nakita ko, he was wearing a red dress shirt that was buttoned down WAY too low with the cuffs rolled up which made me start to gawk and black suit pants with black shiny loafers.

Everyday routine ba talaga ng lalaking to magsuot ng mga fancy clothes? ako kasi naka ponytail lang naman ako, tapos simpleng tshirt and jeans yon lang.

“Oh nandito kana pala, kala ko hindi ka dadating” sabi niya na hindi manlang nakatingin sa akin dahil inaayos niya yung damit niya

“Yeah whatever, ano ba kasi ipapagawa mo sakin?” naiirita na naman ako dahil naalala ko na naman yung dahilan kung bakit nagpunta ako dito

"Malamang ano paba trabaho ng slave kundi maglinis"sabi ni zane na parang wala na naman sa kanya yung sinasabi niya, ang tanga ko din kasi tinanong ko pa eh alam naman natin lahat kung bakit ako nandito diba? -.-

 "Take off your shoes" dagdag pa niya, napansin ko naman na sobrang linis ng bahay niya, grabe bigla nalang akong nahiya kasi mas malinis pa yata ito kesa sa kwarto ko

--

JOIN PO KAYO SA GROUP NAMIN PARA MAS MASAYA  NASA EXTERNAL LINK PO :)

Mr. player and the NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon