抖阴社区

Chapter 04

6.3K 97 2
                                    

Chapter 04.

Nagising na ako ng hapon kaya bumaba na saka ko nadatnan sila mama na nakabihis parang may importante silang lakad, ang formal kasi ng damit nila ngayon, iba kasi talaga

“Ma, Pa may pupuntahan kayo?” tanong ko sa kanila na parang nagtataka ako sa mga suot nila

“Oh Hija gising kana pala, mag bihis kana may pupuntahan tayo” sabi ni mama habang abala siyang tingnan ang suot niya sa salaminm may hindiba ako nalalaman?

“Uhm sige po, pero saan po ba tayo pupunta at bakit ganyan nalang yung suot niyo?” pagtataka kong tanong sa kanila, wala naman kasi silang nababanggit na lakad namin ngayon araw. hmm

  

“basta anak, oo nga pala suotin mo yung black sundaydress mo huh” tuloy na sagot ni mama na ngayo'y abala sa pa ayos ng damit ni daddy

“That dress? pero ma diba para sa graduation ko yun” totoo naman kasi eh, sabi kasi ni mama sakin yon daw yung isusuot ko sa graduation ko, pero bakit ngayon nag iba na?

“yon na isuot mo, ibibili nalang kita ng bago" sabi niya, kaya umaykat na ako wala din naman akong magagawa eh, pag sinabi ni mama' wala na talagang makakakontra, by the way 4th year high school ako kaya malapit na din ako gumraduate

inayos ko yung buhok ko into two low pig tails, tapos naglagay rin ako ng lip gloss and light blush, pagkatapos nun sinuot ko rin ang black dollshoes ko which is never ko pang nasusuot pero sinuot ko  padin yung glasses ko, Alam kong pag ganitong occasion importante kila mama kaya I'll make myself perfect..tapos bumaba na ako

“Princess your gorgeous” sabi ni daddy sakin sabay hinalikan ako sa pisngi, ang sweet talaga ni daddy, oo nga pala papa's girl ako. kaya spoiled ako kay daddy, kay mama medyo lang naman haha

Siguro masyadong special yung araw na to' kila mama kasi kitang kita ko sa mga mata nila ni daddy na masaya sila sa pupuntahan namin, ako naman ito nakatunganga sa side ng car tapos naka tingin sa langit, hmm ano na kaya ginagawa ng demonyong yon noh? haynako micheel wag mo ng pag aksayahan ng panahong isipin yon. natigilan ako sa pag iisip ng tumigil yung kotse sa mamahaling restaurant, seriously? ano meron? -.-

Masasabi kong maganda talaga itong restaurant na pinuntahan namin, teka sigurado ba sila mama na dito kami pupunta? mamaya nyan mapahiya pa kami dito.

"Whoa…ma sure kayo ito yung location ng pupuntahan natin?" panigurado kong tanong kay mama, nakakahiya kasi pag umasa kami na dito yung location

“Ou hija, ito yon" sabi ni mama 

“Mama close friend ba?” pangungulit ko sa kanya, wala pa kasing nababanggit sila mama sakin na close friend nilang mayayaman eh.

“Uhm....Oo anak” sagot sakin ni mama pero may nahalata ako sa sagot niya, parang may tinatago siya sakin, or baka feel ko lang yon?

“Ano, tara na?” pagyaya ni daddy samin para tuluyan na kaming pumasok sa loob

Bigla nalang akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.....

Mr. player and the NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon