Chapter 13.
Pagdating ko sa school syempre kasama ko si zane, ito na naman yung masasamang titig nila sa akin, siguro kung nakakamatay lang yung mga titig nila malamang kanina pa ako patay dito. bakit ganun wala naman akong ginawa sa kanila eh its just happened na ako yung papakasalan ni zane may magagawa pa ba ako. napatingin ako kay jennifer na bigla nalang nagsalita
“Wow.. look who's here" see? ang init ng ulo niya sakin
“Look jennifer ayoko ng gulo so please could you just shut up and move” bungad ko sa kanya, totoo naman eh ayoko na naman gumawa ng eksena dito, maglalakad na ulet ako ng magsalita ulet siya
“Make me” nakataas pa talaga yung kilay niya habang nagsasalita kaya naman pagkatapos niya magsalita tinulak niya ako at akmang parang sasampalin kaya naman inunahan ko na siya
“Ayoko gumawa ng gulo jennifer” pagkatapos ko sabihin yun lalakad na sana ako ng bigla nalang akong sinubsob ni jennifer sa floor. aray
"Araay!" hindi ko na hinintay na may dumating pa kaya tumayo nalang ako at tiningnan si jennifer na ngayon ay naka ngisi
whole day akong nasa school hindi na ako umuwi at nag punta sa clinic, mga kaklase ko nag aalala kasi alam nila yung nangyari paano ba naman hanggang ngayon nag dudugo yung ilong ko
"okay ka lang?” tanong sakin ni eyann na kanina ko pa napapansin na panay yung tingin niya sakin at yung mukha nya nag aalala
“Ah oo ayos lang ako” tipid kong sagot sa kanya, tatayo na ako ng magsalita ulet siya
“No you’re not. tara na dadalhin kita sa clinic” hindi pa ako nakakasagot ng biglang binuhat niya ako na parang bagong kasal. shemay nahiya ako tuloy andaming naka tingin
“Eyann, seryoso hindi mo naman kailangan gawin t.." hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko bigla nalang siya sumagot
“ayos lang kesa naman nakikita kitang hindi okay” sabi nya kaya tumahimik nalang ako kaso ito na yung sinasabi ko pag uusapan na naman ako ng mga tao dito
“grabe bat siya buhat buhat ni eyann dba ikakasal na siya kay zane”
“What the hell is she doing, what a slut”
