Kira POV
I was slicing nung pumasok na si chef sa kitchen. I saw it, ah no! We saw it nakangiti siya. Kelan ko ba ulit siya nakitang ngumiti ng ganon? Yeah, ngumingiti naman siya but not that kind of smile. Madalas kasi pag ngumingiti siya ay halatang napipilitan lang. Though napapansin din namin na this past few months ay parang may nag iba sa kanya. Lagi siyang busy sa cellphone niya pero hindi ko alam kung ano o sino ang pinagkakabusyhan niya.
I know hindi niya namalayan na nakangiti pala siya kanina nung pumasok siya kaya lahat kami nagtaka. Sino ba naman ang hindi di ba? Madalas kaya na nakapoker face yan!
'Why?" pagtataray niya nung napansin niyang nakatingin kami lahat sa kanya. Hayan na naman po siya! Yung mga kasama namin yumuko nalang at pinagpatuloy ang ginagawa nila. Hindi na nila siya sinagot. Sanay naman na sila sa katarayan niya.
"Bes, sino nagpapangiti sa'yo?" biglang tanong ko sa kanya.
"Huh?" sagot niya at tinignan ako ng may pagtataka.
"It's been a long time bes since I saw that kind of smile in your face" sabi ko ulit.
"I don't know what you're talking about" sagot niya habang sinusuot yung hairnet niya at tinalikuran na ako.
"We'll talk later" bulong ko nalang. Hindi niya ako pinagkaabalahang tignan o sagutin. Nagluto nalang siya ng order.
There's really something in her right now and kung sino o ano man yung reason kung bakit siya nakangiti kanina sana magtuloy tuloy na. I don't want her to be devastated again.
But the heck? Nauna na siyang nag out. Kainis talaga yung babaeng yun!
_______________
A/N: Okay guys, meet Kira Saito. Ang nag-iisang bff ni Euri. Well, you'll get to know her more as the story continues.

YOU ARE READING
The Poser
RomancePaano kung naging poser ka dahil sa katuwaan lang? tapos may nainlove sayo. At nafall ka din sa kanya? Would you continue the romance that started with lies? Or you would choose to tell the truth? Lets all read the journey of a poser and lets all...