"That's really rude."
Gulat na napaangat ang mukha niya. Nanlaki ang mata, parang nakakita ng multo. "Ano na namang ginagawa mo dito?"
Sa harap niya, nakatayo si Danrick. Naka-Ray Ban aviator pa ang lalaki at polo shirt. Nanuot agad sa ilong niya ang panlalaking pabango na gamit nito.
At ang traydor niyang keps, nagpapalakpak na naman sa tuwa sa presensya nito.
"You're not answering my calls. Tapos ngayon blinock mo pa ako. You can't avoid me, Jeasabelle." Tinanggal nito ang aviator at umupo ito sa upuan kung saan dapat si Alicia.
"I have the rights to avoid you. A no is a no. I get that. Kaya pinuputol ko na ang koneksyon natin kaya irespeto mo 'yon. So, stop stalking me."
Pinakatitigan lang siya ng lalaki. May maliit na ngisi sa labi nito. Nagpupuyos ang dibdib niya.
"Ano pa hinihintay mo? Leave. Para kay Alicia ang upuan na 'yan, at hindi ko gusto na maabutan ka pa dito nina Cathy."
"You sure? Mga kaibigan mo pa nga ang dahilan kung bakit kita nadala dito, eh."
Her eyes widened. Her friends!
"At tingin ko ipinapaubaya ka na nila sa 'kin."
Lumingon siya sa direksyong titingnan nito. At ang mga traydor niyang kaibigan, papalabas na ng coffee shop! Masayang nagtatawanan pa habang nakatingin sa kanila. Mga traydor!
Napatayo siya. He grabbed her arm. "Stay."
Inis na tingin siya sa lalaki. "Pati mga kaibigan ko kinutsaba mo pa?" pinukol pa niya ito ng nakamamatay na tingin.
Apologetic na ngumiti ito, at tangina, bes. Gusto na naman niyang madala sa ngiting iyon.
Magpakagaga. Magpakatanga. Magpakangkang.
Pero dapat ba niyang bigyan pa ito ng chance na makausap siya?
Yes, yes, yes! Sigaw ng keps niya.
Nanghihinang napaupo ulit siya.
"This is not a good idea," mahinang bulong niya sa sarili. Alam niyang narinig ni Danrick ang sinabi niya.
"Please," may pagsuyo sa tono nito. Napipilitang tumango siya. Sinadyang iwasan ang mga mata nito.
"Okay, I'm giving you ten minutes."
"Make it twenty minutes."
Inirapan niya ito. Kung jinowa mo sana ako, kahit buong magdamag pa iyong iyo ako. Unli sawa ka sana.
"So, what do you want this time, Danrick?"
"Umorder muna tayo ng maiinom." Tinawag nito ang barista. "What do you want? Coffee or... me?" Kinagat nito ang ibabang labi.
"Dun ako sa hindi ako sasaktan. Coffee."
"Hindi ba masakit kapag napaso ka?"
"May mas masakit pa ba sa pinaasa ka na nga, tinanggihan ka pa?" Pinandilatan niya ito.
Wala siyang pakialam kung mukha na siyang nagpaparinig at patay na patay dito. Tutal nagmo-move on na rin siya, ilalabas na niya lahat ng nararamdaman niya dito.
"Ayaw mo ng mocha?"
"Next question, please. Hindi ako nandito para makipag-argumento ng political views ko."
"Witty," napangiting komento nito. Lumarawan ang pagkaaliw sa mga mata nito. "Okay, so mocha or me?"
"Okay, i'll choose mocha na."

BINABASA MO ANG
Seducing Danrick Hidalgo (R-18)
General FictionCollege days pa lang si Jeasabelle, malaki na ang pagnanasa niya kay Danrick. Kulang na lang ay mag-split siya sa harap nito makuha lang ang atensyon ng gwapong adonis, pero wa epek ang beauty niya! Ano ba naman kasi ang laban niya sa mga babaeng um...
Chapter Twenty Three
Magsimula sa umpisa