抖阴社区

Chapter Twenty Eight

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakainom lang pero di ako lasing."

Umirap siya. Pero aalalahanin talaga niya iyon.

Though may hindi pa rin mawala sa isip niya. Itinaboy agad niya ang isipin na 'yon nang nagpaparking na ang lalaki.

"Wag ka na sumama sa loob," sabi niya agad kay Danrick. "Umalis ka muna. Balikan mo na lang ako after one hour."

Akala niya magpupumilit pa ito na sumama sa kanya sa loob. Nagulat na lang siya sa pagtugon nito. Matamis na ngumiti lang ito at hinalikan siya sa labi.

"Sure, babe."

Napatulala siya. Pero agad din bumawi. "S-Sige, baba na ako. See you later."

"Enjoy."


 ANG WEIRD ng lalaking 'yon, ha. Anong nakain nito-- bukod sa kanya-- at parang ang ganda bigla ng mood nito? Kanina lang warla sila. Wala naman siya balak suyuin ito kung hindi lang nito inamin na nagseselos ito.

Nagseselos pa rin ito kay Vin? At nagtatampo rin ito na hindi niya nilaan ang buong araw niya ngayon dito? Selfish nga ito. Wala naman silang label, pero kung maka-angkin sa kanya akala nito ay pag-aari siya.

Umismid siya, pero di rin napigilan mapangiti. Lalo na ang kiligin. Ayaw niyang mag-ilusyon.

But she's happy to know na hindi lang siya ang nakakaramdam ng ganoon. Ngayon, hindi na siya 'yong nagseselos, nagdadamdam..

Still she don't want to jump into a conclusion. Kung anuman ang nararamdaman niya ngayon na ginagawa ni Danrick para sa kanya, i-enjoy lang niya. Kahit nagseselos ito sa ibang lalaki dahil sa kanya, hindi pa siya aasa.

Hihintayin niya na ito mismo ang umamin at sa bibig nito manggaling.

"Wala naman sa mukha mo na nag-away kayo," sabi ni Vin. Dahilan para maglaho ang mga isipin sa utak niya. Kaharap niya ang lalaki at pinag-uusapan nila si Cathy. Wala pa rin si Teddy na siyang kanina pa daw nito hinihintay.

"'Yang ngiti mo ngayon, 'yan 'yung ngiting after sex eh." dagdag pa ng lalaki, at gumuhit ang mapanuksong ngiti sa labi nito. "Umamin ka, nakangkang ka no?"

"Tse. Anong tingin mo naman sa 'kin? Pakarat? Hindi ako nakikipag-sex kapag may lakad akong pupuntahan no. I just d-don't.." Naalala na naman niya ang biglang pagpasok ni Danrick sa kanya kanina sa shower room. It was unexpected. It was raw.. Hot and hard.

And she want it again.

"Uy, uy, nagb-blush siya. Ang landi. So masarap ba?"

"Hmm, it's a fat, huge yes for me."

Nagtawanan sila.

Mayamaya ay naging seryoso rin sila. Tungkol kay Cathy ang dahilan kung bakit ito nakipagkita sa kanya. Gusto makausap ni Vin and Teddy ang kaibigan niya. Pero panay daw ang iwas ni Cathy sa dalawa at hindi sinasagot ang paanyaya ng dalawa na makausap ito.

"Ano kasi, Vin. Wait, labas ako dito sa issue nyo ha?" Tumango ang lalaki. Ipinagpatuloy niya ang sasabihin. "Ang hirap magsalita. Kaibigan ko si Cathy. I can't blame her kung gusto niya na umiwas sa lahat ng 'to."

"Naiintindihan naman namin ni Ted 'yon. We just want to apologize to her."

"At tingin n'yo ba napapawi lang ng isang apology ang naranasan niya? Ilang beses na kasi sa kanya nangyari 'yon. We can't blame Cathy."

Bumuga ito ng hininga. "Alam ko rin 'yon, Jeasabelle."

"I have nothing against gay people. But hindi rin kasi maganda 'yong ginagamit n'yo 'yong mga babae para pagtakpan talaga kung ano talaga kayo. Kung mali na i-out 'yong mga tulad nyo na ayaw pa na mag-out. Mali rin naman na gamitin 'yong mga girls out there. Jojowain nyo tapos nakikipag-hook up pala kayo sa kapwa nyo paminta 'no? Cheating is cheating. Kahit ano pang rason 'yan. The mere fact na may jowa ka at nakipagsex ka sa iba, that's cheating and betrayal. Nakakaapak ka na ng iba tao. Hindi na mabuti 'yon."

Nakatango lang si Vin. Tahimik lang na pinaparinggan ang mga sinabi niya. Iniintindi. Sana nga naiintindihan rin nito kung bakit niya sinasabi 'yon.

"Pero hindi ako galit sa 'yo. I just want you to know that. Bigyan nyo ng time si Cathy. Hindi madali magmove on. Minsan may mga sugat na madaling maghilom, at merong mga sugat na hindi madaling gumaling."

Dumating si Teddy eksaktong tapos na sila mag-usap ni Vin. He was gorg as always. Hindi 'yong madaling maamoy na paminta.

Sabagay, hindi nga niya noon naamoy si Vin. Ano pa kaya si Teddy?

"Sorry, I'm late." sabi nito. Nakipagkamay ito sa kanya agad. "Jeasabelle, nice to you again."

She almost rolled her eyes. Wala naman siyang galit dito. Pero kapag alam mong ex ng friend mo at hindi maganda 'yong naging break up, magagalit ka doon sa ex kahit wala ka naman dapat say?

"Ang tagal mo dumating, Ted. Saan ka ba galing?" tanong ni Vin dito.

"Sorry, may meeting kasi kami. Pinaghintay ko ba kayo?"

"Ah, hindi naman." Si Jeasabelle na ang sumagot. "Pero aalis na din ako. May naghihintay pa din kasi sa 'kin. Sumaglit lang ako para kitain si Vin."

"Alis ka na agad agad?" Napamulagat sa kanya ang lalaki.

Tumango siya at pinilit iguhit ang matamis na ngiti sa labi niya. "Sorry, sabi ko saglit lang din ako. And don't worry, ipaapaabot ko kay Cathy ang concern n'yo."

Maayos na nagpaalam na siya sa dalawa.

🌹

Itutuloy..

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon