Levi's PoV
HI, ako si Levi Monteclaro, 23 years old. Pa'no bigkasin ang name ko? Hindi as in Levi huh.. kundi Li-Vay ang pag-pronounce diyan. Isa akong sikat na tao, maraming camera ang laging nakaharap sa akin kapag nakikita ako ng mga tao. Maganda lagi ang suot kong damit, parang k-pop style 'daw'. Tapos napakagwapo ko pa kaya maraming babae ang nagkakandarapa kakahabol sa akin. Para silang walang kapagud-pagod na habulin ako. Pero sino nga naman ba ang babaeng hindi maghahangad ng katulad kong mayaman na, napakagwapo pa.. yung mala-nation's husband ang dating?
Kung ganoon nga lang sana ang buhay ko, no? Kaso panaginip ko lang 'yun lahat.
Ang totoo kasi niyan, mukhang mayaman lang pakinggan ang last name ko pero mahirap lang talaga ang buhay ko. Naghahanap lagi ako ng trabaho pero madalas nawawala din.. hindi lang dahil minsan sa palpak ang gawa ko o hindi ako pumasa sa kanila, kundi dahil din sa mga manyak na amo.
Oo, manyak nga! At nakakabwisit sila. Pero sa panaginip na sinabi ko kanina, ang totoo dun ay 'yung napakagwapo ko at habulin ako ng mga babae, pati 'yung mga.. hindi ko maintindihan kung bakla or naging bakla na nang makita ako. Kaya kapag may something na akong napapansin sa kanila, nagpapaalam na lang ako pero madalas tumatakas ako.
Gaya noong nangyare sa akin nang mag-apply ako sa isang company two months ago. Three weeks pa lang, napapansin ko si sir na panay ang tingin sa akin, nababakla na siguro. Nang time na nagdadala kami ng mabibigat na box sa loob ng truck, lumapit siya sa amin tapos sinabi niya na magpahinga muna daw kami. Sa tindi ng init, naghubad ang mga kasamahan ko ng kani-kanilang mga t-shirt, pero ako, hindi ko magawa dahil sa tingin ko ako talaga ang target nito.. Baka kasi sunggaban ako kapag hinubad ko pa 'yung t-shirt ko.
Kaya para hindi niya magawa ang anumang binabalak niya sa'ken, lagi akong pumupunta sa karamihan. "Bakit ba lagi kang nakasuot ng jacket, huh? Samantalang napakainit ng panahon ngayon.. teka, may sakit ka ba?" tanong sa'ken ng katrabaho ko nang makisawsaw ako sa kanilang usapan.
"Medyo.." sagot ko, pero tumingin na lang siya sa akin bago ulit nakipag-usap pa sa iba. Kalahating oras pa nang dumating na ulit ang manyak. Pagkatapos ay inutusan niya ang iba maliban sa'ken.
At ito 'yung time na nabibwisit ako.
"Levi, pwede bang kuhanin mo ang box na 'yun?" utos niya sa akin habang nakaupo sa kanyang office chair at nakadekwatro pa ang bwisit. "Ipatong mo iyan dito sa sofa tapos i-check mo kung kumpleto ang mga 'yan."
So ginawa ko kung ano ang iniutos niya pero habang nagche-check ako, naramdaman kong may kumapit sa puwet ko. Nakakabwisit talaga! Galit akong humarap sa kanya at sinuntok siya ng malakas. Bwisit na matandang 'yun! Sinabi pa niyang tataasan niya ang sahod ko kung sandali niyang mahawakan ang ilang parte ng katawan ko. Kaya sinuntok ko pa siya ng isa pa. Tama lang na dalawang beses ko siyang sinuntok, magkabilang pisngi 'yun.. dahil dalawang kamay rin ang ginamit niya para hawakan ang puwet ko.
Sa suntok na 'yun, napahiga siya sa sahig. "Bitiwan mo nga ako!" sabi ko sa kanya nang hawakan niya ako sa kabila kong paa. Hindi ko na masyadong pinakinggan ang sinabi niya dahil ang gusto ko lang ay makaalis sa lugar na iyon. Agad kong kinuha 'yung bag saka umalis kahit na pinagtitinginan ako ng mga kasamahan ko.
Iyon 'yung 'pogi problems' ko. Pero may isa pang katangian na meron ako.
Pangkaraniwang tao lang ako pero may hindi pangkaraniwang kakayahan -- at 'yun ay ang makabasa ng isip. Sabi sa'ken ng lola ko noong bata ako, pumunta daw sa isang temple sa bundok ang nanay ko noong pinagdadalang-tao palang niya ako. Humiling daw ito sa isang.. something na hindi ko maipaliwanag. Hiniling daw niya na sana magkaroon daw ako ng di-pangkaraniwang kakayanan kapag ipinanganak na ako. Natupad ang hiling niya para sa'ken, pero hindi niya na nalaman na ito 'yung kakayahan na binigay sa akin dahil namatay siya sa panganganak sa isa kong kapatid.

BINABASA MO ANG
The Mind Reader and the Negative Thinker
Teen FictionHe's a mind reader and She's a negative thinker. Hope you like this.. thank you!