抖阴社区

Kabanata 2

16 4 2
                                    

Kyla's PoV

Hello. My name is Kyla Herrera, 21 years of age. May magandang bahay, magarang sasakyan, at.. um, may magandang mukha at katawan.. um.. ano pa ba..

Wala na pala.

Tama, isa nga akong mayamang babae, pero maraming bagay ang wala ako. Wala na akong mga magulang, namatay sila sa isang car accident noong bata pa lang ako. Wala akong mga kaibigan, at noong magkaroon naman ako dati, ginawa lang nila akong slave. Kaya siguro, ang gusto ko lagi ay mag-isa ako.. magmukmok sa kwarto, mamasyal mag-isa, kumain mag-isa, magtravel ng mag-isa, syempre maligong mag-isa. Lungkot ng buhay ko, no? Kaya halos ang utak ko, laging nag-iisip.

Buhay mapera, maligaya? Hindi! Ang mga bagay na gusto at hiling ko, hindi ko mabili! Kaya may isa rin na wala ako.. ang kumpiyansa sa sarili. Siguro, habang buhay na akong malungkot. Pero may isang tao na sinisikap akong pasayahin, kaso, hindi ko naman siya laging nakakasama. Siya si Uncle Haj.

May-ari siya ng isang sikat na company. Mabait siya, dahil 'yung mga materyal na bagay na gusto ko, binibigay niya. Kaya sandali niya akong napapasaya. Pero syempre, ang kasayahang 'yun, 'di naman nagtatagal.

Crushie? Meron din naman ako kahit ganito ako. Kasamahan siya ni Uncle sa work. Siguro mga apat na taon ang tanda niya sa akin. Gwapo, mayaman at mabait pa.. pero sa tingin ko, hindi niya ako gusto. Eh, kasi naman hindi niya ako pinapansin eh. Kapag bumabati ako sa kanya, titingin lang 'yun tapos aalis na. Kaya isa na rin 'yun sa mga nagpapalungkot sa buhay ko.

"Ah, Ms. Kyla.. sa KinSoft po ba talaga tayo pupunta?"      tanong sa akin ng driver ko nang makita ako, ang tawag ko nga pala sa kanya ay Pulut. Nag-umpisa iyon nang maamoy ko ang matamis na pabangong ginagamit niya hanggang ngayon.. na ang sabi pa niya ay bigay iyon ng girlfriend niya.. na sa tingin ko naman ay imagination lang niya.   "Oo, bibisitahin ko si Uncle."

Pero hindi niya agad ako pinagbuksan ng pinto. Nakatingin lang siya sa akin at sa suot ko.. anong bang problema niya? Sa tuwing aalis ako at kasama ko siya, laging ganito ang eksena bago ako sumakay ng sasakyan. Kaya mas gusto kong magdrive mag-isa eh.

"Kuya Pulut? Na-stock ka na naman diyan.. may problema ba sa suot ko, huh?"     naiinis kong tanong. Pero hindi na siya nagsalita, binuksan na lang niya ang pinto ng kotse kaya sumakay na ako.

Sa daan, tumingin ako sa labas at nakita ko ang ginagawa ng mga tao.. mga ginagawa nila na hindi ko pa nararanasan. At sa tingin ko, hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa nila.

"Ms. Kyla, parang malalim ang inyong iniisip, may problema po ba?"

Narinig ko si Pulut pero hindi ko siya sinagot. Inisip ko na lang kung anong magandang ibigay kay uncle kapag nakarating ako doon sa company niya.

Pagkain kaya, magustuhan kaya niya?    "Manong sandali, ihinto nyo muna ang sasakyan."

Napansin ko ang isang restaurant at ang katabi nitong building na I think mga sweets ang tinda. Lalabas na sana ako ng sasakyan para magtingin doon nang makita ko ang isang batang babae na binu-bully na ibang mga bata. Lahat sila may hawak na lollipop maliban doon sa isa na inaapi nila.

Parang ako lang noon.. ang batang laging umiiyak..

'Hoy, Kyla! Amin na 'yang baon mo!'

'Sa akin na 'yan! Ibigay nyo 'yan sa'ken!'

'Ayoko nga! Masarap ang baon mo at marami ka pang candy. Imported ba 'to? Ang sarap talaga!'

'Ibigay nyo 'yan sa'ken! Kapag hindi nyo iyan ibinalik sa akin, isusumbong ko kayo! Kayong lahat!'

The Mind Reader and the Negative ThinkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon