Levi's PoV
"Kuya, bakit hindi mo subukang mag-apply doon sa pinagtatrabahuhan ko. Sure ako, pasok ka kaagad doon.. madali pa ang trabaho." sabi sa'ken ng kapatid ko.
"Kaya nga doon ka nag-apply 'di ba? Kasi madali 'yung trabaho. At dahil maalwan ang trabaho, mababa ang sweldo doon. Bagay nga lang talaga 'yun sa'yo bilang part timer. Sa tingin mo, matustusan ko ang pag-aaral mo kung diyan din ako papasok?"
Tumango din naman siya, nakuha din ang punto. Eh kasi, nawalan na naman ako ng trabaho. Siguro pang-labing isa na itong beses na nawalan ako ng trabaho. Matino naman 'yung boss ko, strikto nga eh. Pero kasi.. ganito ang nangyare.
Mag-iisang buwan na ako sa company at hindi ko napansin na nagkagusto na pala sa akin ang anak ni boss. Nang una ko siyang makita sa company, may mga dala siyang box. Umaga kasi 'yun at kakarating ko lang din, kaya ang ginawa ko ay tinulungan siyang dalhin ang mga iyon sa storage. Nagka-usap kami sandali.. Pero ilang araw pa ang lumipas, lagi niya akong tinatawagan, sa trabaho man o kahit nasaan ako. Tapos pinipilit niya akong samahan siyang kumain sa labas at pumunta sa kung saan-saan.
May mga mahahalagang bagay akong ginagawa para sa sarili ko at sa trabaho. Kaya nang time na kinulit niya ako para lang masahaman ko siya, na sakto namang busy ako sa work, nainis ako sa kanya. "Pwede ba ma'am, sa iba ka na lang magpasama? Busy ako ngayon, eh."
Umaasta kasi siyang kala mo girlfriend ko siya. "Please, samahan mo na ako. Ikaw ang gusto kong kasama, sige na." sabi niya sa'ken. Ilang beses ko siyang tinanggihan pero parang hindi siya nakakaintindi. At ang nakakainis pa, pabebe siyang makipag-usap sa'ken.
"Bakit ba lagi mo na lang akong tinatawagan ma'am? Lagi ka pang nagpapasama sa akin, bakit hindi sa dad nyo? May gusto ka ba sa'ken?" direktang tanong ko sa kanya kahit alam ko naman talaga ang mga sagot diyan.
"Oo, at napi-feel kong may gusto ka rin sa'ken!" T-Teka, ano daw? "Kahit hindi mo pa sabihin, alam kong ako rin ang iniisip mo." Nahihibang na nga talaga!
Magsasalita pa lang ako, hinila niya ako papunta sa storage room. Tapos.. tapos..
"Alam kong mali pero, gusto kita! Kaya, kahit anong gawin mo sa'ken ngayon, kahit anong gusto mong gawin sa katawan ko, papayag ako.. dahil mahal kita! Okay lang kahit na hawakan mo itong---"
Muntik na! Sa mga sinasalita niya, para akong nahi-hypnotize. Nagsasalita kasi siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at ilalagay sana sa.. dibdib niya. Kaya nabasa ko rin ang iniisip niya at nadidiri ako. Grabe, muntik ko na talagang mahawakan, mabuti na lang bumitiw agad ako at napaatras.
Ang totoo, niyan, maganda naman siya at maputi. Aaminin ko rin na, nang sabihin niya na pwede kong gawin kung anong gusto ko sa kanya, napatingin ako sa kanyang katawan. Pero hindi siya ang type ng babaeng gusto ko, at hindi ko ibibigay ang katawan ko para lang sa babaeng NAHIHIBANG!
Maya-maya pa ay lumapit siya sa'ken. Nang mapansin niya siguro na hindi ako sang-ayon sa plano niya, galit siyang tumingin sa'ken. Hahawakan niya sana ang mukha ko pero pinigilan ko siya.
"Carla? Ang ginagawa.." natigilan si boss nang makita ako. "..at bakit kasama mo si Levi sa lugar na 'to??"
Haay!! Nakakainis talaga ang babaeng 'to! Gagawa-gawa ng ganitong aksyon, hindi man lang na-ilock ang pinto!
"Um, sir---"
"Binalak akong pagsamantalahan ni Levi!"
Binalak na ano? Pagsamantalahan ka? "Hindi totoo 'yun, sir. Hindi ko kayang gawin 'yun."

BINABASA MO ANG
The Mind Reader and the Negative Thinker
Teen FictionHe's a mind reader and She's a negative thinker. Hope you like this.. thank you!