抖阴社区

Kabanata 34

23 1 0
                                        

Nakarating na kami ni Jann sa lugar na kung saan nakaupo sila Maria. Nakapa-ikot sila sa maliit na bonfire na nasa gitna. Nakaupo naman sila sa mga putol na kahoy na pinabilog nila sa paligid ng bonfire. Magkakatabi sila Maria samantalang na sa kabila naman ang mga lalaki.

"Wow! Saan kayo galing?" saad ni Dawna na may tono ng pang-aasar. Tinuro nya pa kaming dalawa ni Jann.

"Dyan lang." maikling sagot ko.

"Dyan lang?" Pang-eechos nya pa ulit. Hindi kasi sya kumbinsido sa sinabi ko. Napansin ko naman na naningkit 'yong mga mata nya parang may hindi talaga sya sa akin naniniwala.

Tinignan ko sya ng seryoso. "Dyan lang nga kami! Akala mo niloloko!" ani ko. Hindi ko na sya pinansin at umupo nang padabog sa isang putol na kahoy dun sa tabi ni Chelle.

Umikot sya at sinundan ako ng tingin. "Defensive!" sambit nya ulit.

Pinandilatan ko lang sya ng mata sabay kuha ko ng isang crispy patata na nakalagay sa gilid kasama ng ibang foods na nakalagay dun at nilantakan ko 'yon. Nakita ko naman na wala sila Slay at Jacent dito.

Saan kaya sila?

"Nakapag-ligo na kayo sa dagat?" tanong ko kay Chelle na busy sa pagkalikot ng phone nya. Nakita ko dun 'yong mga litrato na kinunan nila kanina.

Sumulyap sya sa akin. "Hmp. Wala pa nga eh. Ito kasing sila Maria ang tagal matapos sa pictorial nila. Medyo nakarami din sila ng kuha." paliwanag nya sa akin.

"Ngekks. So ibigsabihin nakapag-libot na kayo dito?"

"Oo. Hanggang dun sa dulo napuntahan na namin kanina,"

Napalingon naman ako sa bandang likod ko na tinuro nya. Medyo malaya-layo din pala ang napuntahan nila kanina. Sayang wala ako dito. "Saan maganda I-Dp?" Pinakita nya sa akin 'yong litrato sa pictures nya saka nya iniscan isa-isa 'yong mga pictures.

"Ito!" turo ko dun sa litrato na naka-baba 'yong cardigan hanggang sa may braso nya. Ang sexy kasi nya dun tignan.

"Saan ba kasi nagpunta ni Jann? Bigla na lang kasi kayong nawala." tanong nya ulit habang sinusubo ang crispy patata na dinukot nya sya hawak ko at nakita ko din na ginawa na nyang profile 'yong tinuro kong litrato kanina..

"Sa bayan. Bigla lang din kasi ako hinila ni Jann. Pinilit nya ako na samahan sya. Bumili kasi sya ng mga damit nya. Paano walang mga dalang damit na pamalit ang loko kaya ayon 'sang kadirbang damit ang pinamili nya." paliwanag ko naman sa kanya.

Sumulyap syang muli sa akin. "Wala syang damit? Eh ano 'yong lamang ng bag nya na pagkalaki-laki?" tanong nya na may halong pagkagulat..

"Puro pagkain laman nun. Akala ko din nga damit, 'yon pala hindi."

"Loko talaga haha." Natawa na lang sya sa sinabi ko.

Tumingin ako kina Maria na busy sa paglalagay ng kahoy sa bonfire. Dumilim na rin ang paligid at wala pa rin dito sila Slay at Jacent. Maya-maya pa ay binuksan na ni Maria 'yong balot ng marsmallow at nilagay nila 'yon sa stick at sinalang sa apoy.

Hindi ko alam na may dala pala silang marsmallow. Gusto ko din itry 'yong ginagawa nila kasi sa mga movies ko lang nakikita 'yong mga ganito e. curious lang ako sa lasa ng marsmallow na niluluto sa apoy.

"Gusto mo Cai?" Pag-aalok ni Maria sa akin ng mallows at tinuhog nya 'yon sa patpat.

"Oo bes. Gusto ko!"

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at kinuha na 'yong patpat na may mallows at binarbeque ko sa apoy. Ginagaya ko lang kung ano 'yong ginagawa ni Maria. Iniikot-ikot nya 'yong patpat para daw di masunog 'yong kabilang parte.

I Love You Over Him [On-going & Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon