抖阴社区

Kabanata 42

12 0 0
                                        


Flashback continues...

Nasa huling yugto na kami ng party kung saan may free dance. Parang sa JS Prom, ganun din dito. Ang sosyal nga eh kasi parang akong bumalik sa highschool.

Kinikilig naman ako habang pinagmamasdan ang mga couple na sumasayaw sa dance floor. Kinikilig ako sa twing magkakatitigan 'yong mga couple habang sumasayaw.

Gosh! Ang sweet nila panoorin.

Ako lang ang naiwan dito sa table namin dahil umalis si Theo kasama ang mga kaibigan nya na pumunta sa cr. Inilibot ko lang ang tingin ko sa buong paligid at may mga ilang kakilala ako na nandito din sa venue.

Siguro may nag-yaya din sa kanila dito.

Maya-maya napansin ko na lang na nasa harap ko na si Theo at inaalok ang mga kamay nya sa akin. Alam ko ang ibigsabihin nun pero hindi ko nagpahalata at nag-kunwari na wala akong alam.

Gusto nya ako isayawa.

"Bakit? Uwi na tayo?" tanong ko.

"Ano ka ba? Sayaw muna tayo." nakangiting sabi nya.

Sabi na nga ba gusto nya ako isayaw. Yeeee. Ang ganda ko talaga!

"Pwede ka bang isayaw?"

"Ayoko nakakahiya."

Syempre, pakipot muna konti.

"Wag kang mahiya, sila nga hindi nahiiya eh."

Tinignan ko lang sya.

"Oy ayaw mo sige di wa---" hindi ko na sya pinatapos at kinuha na ang kamay nya.

"Gusto mo din pala eh pakipot ka pa."

Hinampas ko nga sya sa balikat. Sobra kasi sya.

Pumunta na kami sa gitna at iginaya ang kamay ko sa baikat nya habang sya naman ay nakahawak sa beywang ko.

Gosh! Nakukuryente ako sa kiliting nararamdaman ko.

♫Time slows down whenever you're around

I can feel my heart

It's beating in my chest
Did you feel it?

I can't put this down♪

This is the first time na may sumayaw sa akinng lalaki kaya naman ubot ang saya ko dahil never ko na-experience ang ganito. Hindi ko makakalimutan ang gabing 'to. Napaka-swerte ko kasi ang taong nag-aya sa akin ng sayaw ay ang taong gustong-gusto ko.

Walang duda. Mahal na talaga kita Theo.

Fell in love when I saw you standing there
It must have been the way
Today was a fairytale
It must have been the way
Today was a fairytale

Natapos ang gabi na puno ng kaligayahan ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na mabibigyan ako ng pagkakataong maranasan ang isa sa mga pinapangarap ko.

****

Nag-end na ang class namin at bakasyon na ngayon dahil magki-Christmas na. Pagkatapos ng nangyari nung nakaraan gabi hindi na kami ulit nagkikita ni Theo. Hindi na din ako makalabas ng bahay dahil wala naman akong idadahilan kay mama.

Namimiss ko na nga si Theo makita pero wala akong magawa kundi pagtiisan ang calls at chats namin. Ilang araw na rin nya akong kinukulit na sagutin ko na daw sya pero syempre tumatanggi lang ako dahil may plano ako.

I Love You Over Him [On-going & Under Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon