SUMAPIT ang araw ng birthday ni Theo. Kinakabahan ako na pumunta sa bahay nila dahil balak ko nang sagutin sya sa gabing 'to. Kasama ko sila Maria dahil inimbitahan din sya nito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
Bahala na nga.
Pumasok na kami sa loob at nagmano sa mama nya bilang paggalang. Nakita ko naman sa loob ng sala nila ang mga kaibigan nyang mga babae at lalaki. Nasa kusina naman ang ibang nyang mga kamag-anak na nagluluto. Nakahain sa mahabang lamesa ang iba't-ibang klase ng alak.
Ang iba sa mga bisita nya ay nagsimula na sa inuman session nila. Samantala, nandito naman kami sa sala at nakatingin lang sa mga barkada ni Theo na feel at home na feel at home. Kita sa kanila na sanay na sanay na sila at mukhang madalas silang nandito sa bahay ni Theo.
Nakikipag-close lang si Maria sa iba habang ako naman ay naka-upo lang sa isang tabi. Maya-maya ay tinawag kami ni Theo at pinakilala sa mga kaibigan nya. Binati naman nila kami ng maayosy at feel naming welcome talaga kami sa grupo nila.
Iginaya naman ako ni Theo sa kusina at tinuro sa akin ang pinsan nyang nagluluto. Pinakilala nya ako sa pinsan nya at nalaman ko na mag-pinsan talaga sila at hindi nya nito girlfriend.
Hindi naman na kailangang ipakilala pa sa akin e naniniwala naman ako.
"Naniniwala ka na?" sambit nya. Naka-akbay naman sya sa akin kaya kitang-kita ko ang ngiti nya.
Ito na naman po kami sa ngiti nya. Pwede ba tigilan mo 'yan? Mamamatay ako sa kaba.
"Naniniwala naman ako e. Hindi na kailangang patunayan pa." nakangising sabi ko. Tumango naman sya at ngumiti ulit.
Bumalik na kami sa sala at kumain na ng handa nya. Nag-videoke kami at pumili ng mga kanta na gusto namin. Kanta lang ng kanta sila Maria at Dawna habang ako nanonood lang sa kanila. Napansin ko na mabilis nilang naging close ang mga barkada ni Theo. Nag-aasaran at nagbibiruan na kasi sila.
"Oy ikaw naman ang kumanta. Ang tahimik mo eh." dinig kong sabi ng lalaking katabi ko habang inaabot nya sa akin ang microphone at songbook.
Umiling naman ako. "Sige lang. Hindi ako kumakanta." ani ko. Tumatanggi na ako sa kanya pero pinipilit nya talaga ako hanggang sa makita ko na lang na nakatingin na din sila sa akin. Kaya napilitan akong tanggapin na lang. Ayoko din naman na madismaya sila.
Mapapasubo na naman ako ngayon. Gulay talaga!
Ano bang magandang kantahin?
Wala akong maisip.
Habang pumipili ako ng kanta. Nakita ko si Theo na kinuha ang isang microphone na hawak ng kaibigan nyang babae. Mabilis nya na kinuha ito at kumanta.
Ito ang unang beses na maririnig ko syang kumanta. Madalas kasi sa tawag ko lang sya naririnig na kumanta. Kaya naman natigilan ako sa ginagawa ko at pinanood sya habang kumakanta. Kumakabog na naman ang puso ko. Napapangiti ko na parang ewan. Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa kilig.
Yeeee.....
Nakakainlove talaga ang boses nya.
Kinakanta nya ngayon 'yong madalas nyang kinakanta sa akin na.
N/p: Sabihin mo na -♪
Hindi ko maiwasang bumalik sa panahon na kung paano kami nagkakilala ni Theo. Common na ang mga ganung paraan ng pagkakakilala namin ni Theo. Nakilala namin ang isa't-isa nang dahil lang sa social media. Naging magka-chat na umabot sa nagkatawagan na hindi naman nagtagal ay nagkabiruan na naging magkaibigan hanggang sa nagka-ligawan na.

BINABASA MO ANG
I Love You Over Him [On-going & Under Editing]
Teen FictionIt is a story of a girl who fell in love with a guy that she met in social media. She's a girl that you will not be fall in love in just one glance. She's just an ordinary college girl with a good heart. Her lovestory was like a roller-coaster ride...