抖阴社区

Chapter Forty Three

Magsimula sa umpisa
                                    

Naningkit ang mata ni Jeasabelle, at lumingon. Nakatikom ang bibig ng mga walanghiya at tila pinipigilan ang tawa.

"Mga traydor." Pinandilatan niya ng mata ang dalawa at di na napigilang mapahalakhak.

"C'mon, pasasalamatan mo din kami." depensa ni Cathy.

"Isa pa, kailangan n'yo din mag-usap."

"So, kailangan n'yo ako pangunahan?" pabulong na sabi niya. Pero alam naman niya na kahit anong bulong pa niya, gets ni Danrick na ito ang pinag-uusapan nila.

"Life is so short, Belle. You should not waste time for being pabebe and dramatic. Tanda mo na girl para d'yan. Ano ka, high school student? Pahabol much? Walang nareresolba ang pagpapabebe."

Nag-init ang magkabilang pisngi ni Jeasabelle sa tinuran ni Alicia.

"And Danrick, umayos ka. Kausapin mo 'tong kaibigan namin. Kapag nagkamali ka ulit, di ka na namin talaga tutulungan."

And then, iniwanan na siya ng dalawa sa kusina kasama ang dating nobyo.

Spell awkward.

Hindi niya alam kung paano haharapin si Danrick. Dapat ba na batiin muna niya ito? Parang nagsisimula pa lang sila sa umpisa, 'yong stage na estranghero sila sa isa't isa.

Pero never naman naging stranger sa kanya si Danrick. Kilala na niya ito noon pa man.. Hinahangaan sa mula sa malayo at minamahal ng palihim.

She took a long deep breath, at saka ito hinarap. "So, paano mo na-brainwashed ang mga kaibigan ko?"

"Wala akong ginawa," sagot ng lalaki at humakbang palapit sa kanya. Dumistansya siya dito. Napatigil ito at parang sinampal niya na napatungo. "Ayaw mo na nga pala akong lumapit sa 'yo."

"Pwede ba, Dan? Huwag kang pa-victim. Huwag kang nagpapaawa. Is that your way to get me under my skin again?"

Napatiim-bagang ito. "Hindi ako nanlilimos ng awa mo, Belle. That's not my style. Kung babalik ka sa akin, ayaw ko na dahil lang 'yun sa awa."

"Okay, so why are you really here?"

"Mga kaibigan mo ang nag-imbita sa akin dito.. Sabi nila, okay lang naman na daw na pumunta ako."

"And you really think that's okay?"

Lumarawan ang hinanakit sa mukha nito, pero madali nitong ikinubli iyon sa matigas na ekspresyon. "Tell me you don't want me here and I'll leave right away."

Hinuli nito ang mga mata niya. Nanginginig na bumuntong-hininga si Jeasabelle. "Nandito ka na rin naman, may magagawa pa ba ako?"

"You can make me leave if you want to. Just tell me."

Nang sandaling iyon parang gusto na naman niyang singhalan ito at tingnan ng masama. Gustong gusto talaga nito na I-corner siya no? Gusto nitong makita ang paghihirap niya na itaboy ito at ignorahin ng tuluyan.

"Magiging bastos pa ako sa harap ng mga kaibigan ko kung gawin ko 'yun."

"Iyon ba talaga?" Tumaas ang sulok ng labi nito at naglakad papunta sa likod niya. "O gusto mo din talaga akong makita? Ayaw mo lang aminin."

Kumalat ang pamumula sa mukha niya. "Ang kapal mo naman!" gigil na sabi niya at akmang lilingunin ito nang hapitin ang beywang niya. "Danrick!"

"Just a minute," bulong nito. "Just let me do this for a minute.. Please, babe." Niyakap siya nito mula sa likod. Parang malakas na agos ng tubig sa ilog na rumagasa ang masisidhing damdamin niya. Nakagat niya ang ibabang-labi at napapikit sa init ng katawan nito.

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon