抖阴社区

Chapter Forty Three

Magsimula sa umpisa
                                    

Walang kapares ang pakiramdam na makulong sa yakap nito. Ang init lang ng katawan nito ay hinahanap-hanap niya.. Walang iba na kayang pumantay. Sa paraan kung paano siya haplusin, paano siya yakapan.. Hindi kayang kumpetensyahin ang paraan ng pagtibok ng puso niya.

"I missed you, Belle. So much it hurts." nag-crack ang boses nito at napasinghap siya.

"Danrick.."

"Mahal na mahal kita. Kaya pinagsisisihan ko ang nagawa ko para umalis ka."

She cleared her throat. "T-that's not enough, Danrick."

Pinanlabanan niya ang pag-iinit ng mata niya. Konti na lang bababa na ang depensa niya laban sa lalaki. Ang malalaking batong binuo niya para ipangharang sa sarili ay nagsisimulang mayanig.

"I know."

"L-let me go."

Pinakawalan siya nito at agad siyang dumistansya. Nanginginig ang labi niya, ang mga daliri at pati ang tuhod niya nang hindi na maramdaman ang init nito. Pero ang nakakapasong titig nito sa likod niya ay sapat pa rin para hindi siya makapag-isip ng tuwid.

"Alam ko na hindi sapat na paulit-ulit kong sabihin na mahal kita. Nakatatak na sa 'yo na niloko kita. But the truth is, hindi kita kailanman niloko. Ikaw na ang mahal ko noong panahon na bumalik si Gianna.. Wala na akong balak na bumalik sa kanya."

"Alam kong ikakasal na si Gianna sa ibang lalaki, hindi mo na kailangan ungkatin ang nangyari para magpaliwanag pa."

"But I still need to explain. Gusto ko rin naman malaman mo na hindi talaga kita niloko."

"Kahit magpaliwanag ka, may magbabago pa ba?"

Nagbaba ito ng tingin. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi iyon. Maybe because she want him to stop from talking. Naguguluhan pa rin siya ngayon.

Pakiramdam niya kailangan muna nila bigyan ng space ang isa't isa.. Narealize din niya na sinasaktan nila ang isa't isa. Dahil hindi naman talaga nila alam kung ano ang nangyayari sa isa't isa.

Marami ang naging mali sa relasyon nila. Hindi lang dahil sa pagbalik ni Gianna. Kundi narealize niya na naging parang mga teenagers sila. Careless. Kinilala nila ang isa't isa sa loob ng relasyon nila, pero may mga kulang. Tulad na hindi nito ipinapakilala sa kanya ang parents nito at hindi ito nagkukwento tungkol sa pamilya nito.

Gusto niya na kapag bumalik siya dito, handa na siya ulit. She like the sex between them. But it's too much. Nakakalimot na sila punan ang ilang bahagi ng relasyon na meron sila.

If they want to make their relationship successful, then kailangan nila na maging open sa isa't isa.. No more secrets. No more lying.

"Nakita ko na ang wedding invitation ni Gianna at ni Wendell. So, he's the father, right?"

"He is. Nakikita ko na 'yon na kasa-kasama ni Gianna sa ilang endorsement niya noon. Nakilala niya sa pamamagitan ng mutual friend. Di ko pa alam noon na may nangyayari sa kanila bago pa makipag-break sa akin si Gianna."

"Nag-cheat siya?"

Tumango si Danrick. "At wala akong alam."

"Pagkatapos noong bumabalik siya sa 'yo, buntis na siya at si Wendell ang ama?"

Salubong ang kilay niya. Gusto nyang magalit sa babae. What a bitch!

"Hindi siya panagutan ni Wendell.. Akala sa akin pa rin ang dinadala ni Gianna. Pero hiwalay na kami at nagpi-pills si Gianna kapag may----"

Natigilan ito nang marealize ang sasabihin. Tumaas lang ang kilay ni Jeasabelle.

"Go on. Mas shocking at di kapani-paniwala kung sasabihin mo na sa loob ng relasyon n'yo, hindi mo ginagalaw si Gianna."

Nakita niya ang pagpula ng gwapong mukha ni Danrick. "Hindi mo na kailangan malaman 'yun."

Ngumisi siya. "I know, pero interesting din naman malaman. Good to know she's into pills noong kayo pa. Siguro kaya madali siyang nabuntis kay Wendell. Baka itinigil niya noong break na kayo."

"Ikaw ba itinigil mo?" tanong ng lalaki at kaswal lang na tumango siya.

Dumilim ang mga mata nito. "Then, don't stop."

"You don't own me, Danrick. Kaya wala kang karapatan utusan ako."

"I know you're dating that guy," sabi nito, ang tinutukoy ay si Gab.

"That's none of business."

"Alam ko, pero gusto ko lang malaman mo na hindi pa rin ako titigil na suyuin ka. Kahit na maging kayo pa ng lalaking 'yon."

Napakurap siya. Puno ng determinasyon ang gwapong mukha ni Danrick.

"You only belong to me, Belle. Remember that."

Itutuloy...



Follow me on IG: race.darwin

Seducing Danrick Hidalgo (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon