抖阴社区

Secretly In Love - Part 20

Magsimula sa umpisa
                                        

Saglit pa ay nagpaalam na siya rito. Nang makalabas siya ng opisina nito at magtungo sa sarili niyang opisina ay muli siyang napabuntong hininga at napahawak sa sintido niya. Masakit ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog kagabi. Paano siya makakatulog pagkatapos ng argumento nila ni Kendra? Iyon ang unang beses na nag ayaw sila ng ganoon at alam niyang kasalanan niya iyon. Ang kaso hindi na lang niya napigilan ang paghulagpos ng galit at sama ng loob niya rito. Just when he was about to tell her something important, something he should have told her more than fifteen years ago, she began to talk to him about her ex.

"Darren."

Napakurap siya at napabaling sa tumawag sa kaniya. Nakita niya si Divina na hindi niya namalayang nakapasok na pala sa opisina niya. Muntik na siyang mapaungol nang marealize niya na nawala ito sa isip niya nitong mga nakaraang araw dahil sa pagsulpot ng walanghiyang ex boyfriend ni Kendra. Nang ngumiti ito sa kaniya ay nakaramdam siya ng suntok ng konsiyensiya. Kailangan niya itong kausapin. Alam niya na masasaktan ito ngunit sa tingin niya, kahit anong gawin niya ay mangyayari pa rin iyon. Because just as he first thought, he could never love anyone else.

"Nakaleave ka ngayon hindi ba? Bakit ka pinatawag ni boss?" takang tanong nito na humawak pa sa braso niya.

Napahinga siya ng malalim at sinalubong ang mga mata nito. "Tungkol sa vacant position na inooffer sa akin sa main office. Tinanggihan ko na iyon the last time we talked about it pero gusto niyang pag-isipan ko ulit. Ang sabi pa niya, ipapadala niya ako roon two weeks from now para mafamiliarize ako sa lugar," sagot niya. Pasimple niyang inalis ang kamay nito sa braso niya at lumakad sa lamesa niya. Umupo siya sa hamba niyon.

"Sa Singapore? Itatransfer ka sa Singapore? Ang layo naman. Hindi na kita makikita palagi kung ganoon," sabi nito.

Napabuntong hininga siya. "Divina. I want to talk to you about something," seryosong umpisa niya. Natigilan ito. Pagkatapos ay bumakas ang takot sa mga mata. Nagpatuloy siya sa malumanay na tinig. "I don't think this will work out at all. You are a great person. Alam ko na makakakilala ka ng lalaking mamahalin ka ng higit pa sa akala mo. Alam ko rin na mamahalin mo rin siya ng higit pa sa kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin. So –

"Hindi ko gusto ang ipinupunto mo Darren," putol nito sa kaniya. Pilit itong tumawa at nag-iwas ng tingin. "Nakalimutan ko na may gagawin pa pala ako. Saka na tayo mag-usap." Napatayo siya ng akmang tatalikod na ito.

"I'm sorry," mabilis na usal niya.

Napahinto ito at muling pilit na tumawa. "Bakit ka nagsosorry?"

Nagsikip ang dibdib niya. "I'm sorry I don't feel the same way you feel. Kapag ipinagpatuloy pa natin ito lalo lang kitang masasaktan at ayokong mangyari iyon. You don't deserve that. Because... because I love Kendra." Nang lumabas sa lalamunan niya ang huling pangungusap na iyon ay tila may bumikig sa lalamunan niya. Iyon ang unang beses na isinatinig niya iyon.

Marahas siyang nilingon ni Divina. "Pero mahal ka ba niya?" malakas na asik nito.

He had a bitter taste in his mouth. Obviously ay alam na niya ang sagot doon. Hindi nga ba at umamin na ito kagabi na may nararamdaman pa rin ito sa ex nito? At nais na nitong patawarin ang gagong iyon pagkatapos ng lahat. Ngunit kahit ganoon ay hindi na niya kayang manakit ng iba para lamang mapagtakpan ang sarili niyang nararamdaman. "It doesn't matter," mapait na sagot niya.

Tumulo ang luha sa mga mata nito. "Pagsisisihan mo ang desisyon mong iwan ako at ipagpalit sa unrequited love na iyan Darren," garalgal ang tinig na sumbat nito.

Malungkot siyang ngumiti. "I know. But you deserve someone better than me."

Humikbi ito. "Kapag nakita ko ulit ang Kendra na iyan, I might slap her for being too stupid not to love you back."

His chest tightened. "Thank you and I'm sorry."

Hindi na ito nagsalita at pilit pinunasan ang mga luha sa mga mata nito. Hindi siya kumilos upang lumapit dito. Alam niya na hindi makakatulong ang unnecessary kindness na maari niyang ibigay dito. Saglit pa ay lumabas na ito ng opisina niya. Naiwan siyang nakatayo pa rin doon. Kung hindi pa tumunog ang cellphone niya at makitang nagtext ang kaniyang ina ay hindi pa siya kikilos. Wala pa rin sa huwisyong binasa niya ang mensahe nito. Kumabog ang dibdib niya ng mabasa iyon.

Nandito na si Kendra. Umuwi ka na.

Mapait siyang napangiti at napailing. Mukhang napansin ng mommy niya na may nangyaring kung ano sa pagitan nila ni Kendra para itext siya nito ng ganoon. Sabagay, alam naman niyang noon pa man ay aware na ito sa nararamdaman niya para sa dalaga. In fact, alam niya na alam rin iyon ng mga magulang nito at ng mga kaibigan nito. Kung sino pa ang dapat makaalam niyon ay iyon pa ang hindi iyon napapansin. "What do you expect man, she prefers someone else," mapait na nausal niya sa sarili.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon