抖阴社区

When The Love Falls - Part 6

5.1K 184 9
                                        

NAPATINGIN sa wristwatch niya si Dillion habang naglalakad siya sa lobby ng building ng Smith Parmaceuticals. Mag-aalas sais na ng gabi at kababalik pa lamang niya roon. Sa loob ng isang linggo niya sa pamumuno sa security ng kumpanya ay nakita niya agad ang napakaraming butas sa seguridad nila. Hindi lamang sa main building nila kung hindi maging sa security ng mga branches nila. Kaya halos wala na siyang tulog sa pagsasaayos niyon sa loob ng isang linggo. Sa araw kasi ay lagi siyang nasa kung saan saang branches habang sa gabi naman ay nakabantay siya sa surveilance room kung saan niya napapanood ang mga nakukunan ng mga cctv camera sa buong building. Nawalan na siya ng panahon makapagrelax. And I haven't seen her since that day. Napailing siya sa bulong na iyon ng isang bahagi ng utak niya.

Patungo na siya sa may elevator nang bumukas iyon. Napahinto siya sa paglalakad nang agad na makita niya ang kani-kanina lamang ay nasa isip niya. Napatingin din ito sa kaniya at bumakas ang pagkabigla sa mga mata. He was about to grin at her when he noticed the man beside her. Napatiim bagang siya sa disgustong agad na nadama niya rito. Umibis sa elevator ang mga ito. Ang mga paa niya ay tila nagkaroon ng sariling isip na humakbang palapit sa mga ito.

"Miss Ambrosio," bati niya rito.

Halatang gulat pa rin na tumingala ito sa kaniya nang nasa harap na niya ito. "Mr. Smith," ganti nito kahit na bakas pa rin sa mukha ang pagkalito.

Bumaling siya sa lalaking katabi nito. Hindi ito nagsasalita ngunit bahagyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. He gave him a leveling gaze. Hindi niya ito kilala. Ibig sabihin ay hindi ito isa sa mga may posisyon sa kumpanya dahil kung oo ay dapat nakita niya ito sa meeting noong nakaraang linggo. "Going home?" tanong niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaki.

Tumikhim si Jem dahilan kaya nabaling rito ang tingin niya. "Not yet. I'm just taking a break. Kakain lang sana ako sa cafeteria and he wants to accompany me," sagot nito. Bahagya siyang napakunot noo nang mapansing tila naiilang ito. Dahil ba kaharap siya nito o dahil sa lalaking nasa tabi nito?

Nasagot ang tanong niya nang magtama ang mga mata nila at nabasa niya sa mga mata nito ang paghingi ng tulong. Hindi rin nakaligtas sa obserbayon niya ang kislap ng iritasyon at helplessness sa mga mata nito. Patunay na ayaw talaga nitong humingi ng tulong sa kaniya ngunit mukhang mas kaya siya nitong itolerate kaysa sa kasama nito. "Too bad. I don't think you have time for a break yet Miss Ambrosio because I have something to talk to you about. In fact, papunta ako sa opisina mo ngayon," aniya rito.

Bago pa ito makasagot ay tumikhim na ang lalaking katabi nito. Mukhang nahamig na ang sarili. "Hindi ba iyan pwedeng ipagmamaya na?" tanong nito.

Tiningnan niya ito. "No," tipid na sagot niya. Bago pa ito makapagsalitang muli ay itinuon na niya ang buong atensyon niya sa dalaga at hinawakan ito sa siko. He felt a knot on his stomach when he felt her smooth skin for the first time but he di his best to ignore it. Mas importanteng mailayo niya muna ito sa lalaking habang tumatagal ay lalo niyang hindi nagugustuhan. "Then let's go back to your office now Miss Ambrosio," aniya rito at inakay ito pabalik sa elevator. Bago pa makaporma ng sunod ang lalaking kasama nito ay naisara na niya ang pinto.

Ilang segundo nang umaangat ang elevator bago niya ito sinulyapan at nagsalita. "Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan sa pagliligtas ko sa iyo?" tanong niya rito.

Tumingin ito sa kaniya at muntik na siyang mapangiti nang mapansin niyang pinipigilan nitong tumalim ang tingin sa kaniya. Bumuga ito ng hangin at humalukipkip. "Thank you," tipid na sagot nito.

Tuluyan na siyang napangiti. Bigla ay nawala ang pagkapagal na kanina ay nararamdaman niya. "So you don't like to go to the cafeteria that bad?" tanong niya rito.

SINGLE LADIES' BUFFET seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon