God, I'm going to be late. Frustrated na nausal ni Jemelyn sa isip habang mabilis ang mga hakbang na naglalakad siya sa ground floor lobby ng headquarters ng Smith Pharmaceuticals Corporation. Deretso ang tingin niya sa direksyon ng mga elevator. Kung bakit naman kasi patindi ng patindi ang traffic sa kamaynilaan. Mas maaga na nga siya ng isang oras kaysa sa nakasanayan niyang alis sa bahay ay ilang minuto bago ang dapat oras ng pasok niya pa rin siya nakarating. Sa tagal niya sa kumpanya ay hindi pa siya nalate kahit isang beses at ayaw niyang kung kailan siya napromote sa posisyong kalebel ng vice president nila ay saka siya magkakaroon ng record.
Nang matanaw niya ang elevator ay tumingin siya sa wristwatch niya. Limang minuto na lang. Halos takbuhin niya ang elevator at naipagpasalamat niyang agad na bumukas iyon. Mabilis na umibis siya roon at wala ng pakielam kung may iba pang balak sumakay na pinindot niya ang buton upang magsara kaagad ang pinto niyon.
Malapit na iyong sumara nang mapaigtad siya at mapaatras sa isang kamay na biglang pumigil sa pagsasara niyon. Nanlaki ang mga mata niya. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang naipit na ang kung sino mang malakas ang loob na iharang ang kamay nito sa ilang pulgada na lamang ay magsasara ng pinto ng elevator. Ngunit mukhang malakas ang pwersa ng pangahas dahil tila walang kahirap-hirap na naitulak nitong pabukas muli ang pinto.
Ang unang nasalubong ng mga mata niya ay ang malapad na katawan ng isang lalaki na ang suot ay tshirt na puti na halos masakop na ang bukana ng elevator. Bago pa niya magawang tumingala sa higanteng mama sa harap niya ay pumasok na ito sa elevator at awtomatiko siyang napatabi sa sulok. The man is too big and he's crowding her. Iyon ay sa kabila ng katotohanang malaki ang elevator nila roon at dadalawa lamang sila sa loob. Agad na nanuot sa ilong niya ang amoy nito. Hindi iyon amoy pabango. Amoy bagong paligo ito na humahalo sa amoy na alam niyang natural nito. He smells good in an inexpensive way.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at halos nais umiling ng marahas. Ano't nag-iisip siya ng ganoon? Hindi siya ganoon dati. Nang sumara ang pinto at magsimula silang umangat ay noon lamang siya nagkalakas ng loob na sulyapan ito mula sa repleksyon nila sa pinto.
Ang una niyang napansin ay ang katotohanang hanggang balikat lang siya nito. Oo nga at hindi siya matangkad sa height niyang five feet. Subalit naka three inch heels siya para makasabay siya sa tangkad ng mga tao sa paligid niya. Ngunit sa kabila niyon ay nagmukha pa rin siyang maliit sa tabi ng lalaki. Nang sulyapan niya ang mukha nito ay tuluyan ng naagaw ang atensyon niya. The guy is dangerously handsome.
Isang tingin pa lang niya sa hugis ng mukha nito, sa deep set na mga mata nito na pinaresan ng makakapal na kilay, sa matangos na ilong at sa makurbang mga labi nito ay alam na niyang hind ito purong pilipino. Humahakab ang simpleng puting tshirt na suot nito sa katawan nito. Maging ang maong na pantalon nito ay parang nakadikit sa ibabang bahagi ng katawan nito na para bang balat nito iyon. He looks sluggish and ragged in contrast with her professional corporate clothes. Napaisip tuloy siya kung ano ang kailangan ng isang lalaking ganoon ang ayos sa top floor ng kumpanya nila na sigurado siyang destinasyon din nito dahil hindi naman ito pumindot ng ibang buton kung saan ito bababa.
She was still contemplating about that matter when she looked up at his face again through the door. Tumalon ang puso niya nang masalubong niya ang mga mata nito sa repleksyon nila sa pinto. Hindi nakaligtas sa kaniya ang kakaibang ekspresyon sa mga mata nito at awtomatikong nag-init ang mukha niya. That moment she knew, he was aware that she was looking at him. Mabilis na iniwas niya ang tingin dito at itinutok sa nagpapalit-palit na numero na nagiindika kung nasaang floor na sila.
"What, are you done assessing me already?" amused na basag nito sa katahimikan matapos ang ilang floor. His voice was husky and manly. Hindi niya alam kung bakit ngunit nagdulot iyon ng kakaibang kilabot sa kaniya na nagpatayo sa mga balahibo sa batok niya.
Hinamig niya ang sarili at sa unang pagkakataon ay tiningala ito. Saglit na nablanko ang isip niya nang masalubong niya ang mga mata nito. She was awed to realize his was a pair of grayish black eyes. Kung ibang tao ang nakitaan niya ng ganoon ay iisipin niyang nakacontact lenses lang ito. Pero may pakiramdam siya na tunay ang kulay ng mga mata ng lalaking ito.
Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi nito. "Not yet I see."
Sa sinabi nito ay noon siya natauhan. Kasunod niyon ay nakaramdam siya ng inis dahil mas kaya niyang itolerate iyon kaysa pagkapahiya sa hantarang pambubuska nito sa kaniya. The man obviously knew his appeal. Bahagyang naningkit ang mga mata niya. "I am sorry for ruining your delusions mister but I am not assessing you," mahina ngunit mariing sagot niya.
Umangat ang mga kilay nito na para bang sinasabi sa kaniya na hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Tama ito ng hinala pero siyempre ay hindi niya iyon ipapaalam dito kahit pa ibitin siya nitong patiwarik. "Really? Then what have you been doing since the door closed pray tell?" tanong pa nito.
Mabilis na hinalukay niya ang utak niya sa maaring isagot dito. Nang may maisip ay bahagya pa niyang inangat ang noo. "I was just looking at you because you don't look like someone who works here."
Lalong umangat ang mga kilay nito at bahagya pang kumilos upang mapaharap pa sa kaniya. Nagkaroon siya ng urge na umatras dahil naooverwhelm siya sa laki nito ngunit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang isipin nito na nasisindak siya rito kahit pa alam niyang kayang kaya siya nitong gawan ng hindi maganda na hindi siya makakalaban.
"And that is not assessing?" tanong nito.
Nagkalakas siya ng loob na sumagot dahil wala namang bahid ng inis ang boses nito. "No. I'm just looking at you. Magkaiba iyon. It will just become assessment if I have any interest in you which is not the case. As I have said I was just wondering why you are here that's all," aniya sa pinakapabalewalang tinig na kaya niya.
Hindi ito nagsalita at tumiim ang titig sa kaniya. Pagkatapos ay walang pakundangang humagod ang tingin nito mula sa mukha niya pababa hanggang sa mga paa niya at paakyat ulit. Pagkatapos ay bigla itong ngumisi na parang nang-iinis.
Kumunot na ang noo niya. "What?" inis ng bulalas niya.
Lumawak lalo ang ngisi nito. "What, I was just looking at you. Don't worry I'm not assessing you 'coz I don't have any interest in little girls like you. I'm not a pedophile you know," sagot nitong may twang ng american accent na hindi niya masyadong napansin kanina. Ngunit hindi iyon ang mas tumimo sa isip niya kung hindi ang laman ng mga salita nito.
Nanlaki ang mga mata niya. Little girl? Pedophile? Ang akala nito ay bata siya? Oo at aminado siyang mas bata siya ng maraming beses kaysa sa tunay na edad niya ngunit wala ng nagkakamaling magsabing mukha siyang bata ngayon. Mukha pa ba siyang bata matapos niyang mag-apply ng make-up, mag-ayos ng buhok at manamit upang magmukhang mature career woman? Worst, tinawag pa siya nitong little girl.
Napahugot siya ng hangin upang kalmahin ang papatinding inis na nararamdaman niya. "I'm not a little girl. You're just extremely huge." Binigyang diin niya ang bawat salita habang matalim ang tingin dito.
Bago pa ito makasabi pa ng kung anong ikabubuwisit niya ay tumunog na ang elevator at bumukas. Tinapunan niya ito ng huling matalim na tingin bago mabilis na umibis at halos patakbo ng tinahak ang daan patungo sa bago niyang opisina.

BINABASA MO ANG
SINGLE LADIES' BUFFET series
Romancecover photo (credits to the rightful owner) A feel good romance series about how a group of girl friends found the men they were all destined to be with. :) book 2: WHEN MYRA FELL IN LOVE [on going] Wala sa isip ni Myra ang mag-asawa o kahit humanap...