[TRES' POV]
Humahanap pa din naman ako ng tamang tiyempo para masabi ko kay Tatay ang balak kong pagsali sa paghanap ng magiging Furniture Designer sa kumpanya nina Aprilene. Sasali ako dito hindi lang naman dahil makikita ko si April kapag nakuha ako, pero dahil sa kagustuhan kong makamit ang pangarap ko. Magiging nalaking tulong naman talaga sa pamilya ko kapag ako ang makukuha dito.
Hindi lang mas makikilala ang shop namin pero magkakaroon din kami ng stable na pagkukunan ng income. Sa paraang iyon, hindi ko na kailangang rumaket. Hindi na ako magpapagod gabi gabi para lang makakita ng pera.
Lumapit naman ako kay Tatay at nagbabakasakaling makatiyempo ako. Nakita ko namang nagbigay na ng signos sa akin si Iris. Ibig sabihin, hindi mabibigla si Tatay kapag bigla kong sinabi ang desisyon ko.
Unti-unti akong lumapit sa kanya. "Ahh Tay, yung tungkol doon sa---"
"Kunin mo nga yung paet doon sa tool room anak. Patapos nanaman itong isang order oh." Pagputol naman niya sa akin.
"Sige Tay."
Kinuha ko ang paet na sinasabi niya. Sayang, nabitin pa. Di bale susubok ako ulit na kausapin siya. Hindi ko ja kasi pwedeng patagalin pa ito.
"Ito na po Tay." Inabot ko sa kanya ang paet. "Ah.. Tay, magpapaalam lang po sana ako sa inyo. Balak ko po kasing---"
"Anak halika, pilian mo nga ako ng disenyo dito. Ang gaganda kasi ng designs mo pati tuloy sina Mr. Lopez walang mapili dahil lahat pwede." Pagputol ulit niya.
Napasinghap naman ako. "Ahh, Ito nalang Tay. Mas elegante siyang tignan." Sabi ko naman.
Napatingin naman sa akin si Iris. Kitang kita ko sa mga galaw niya na sinasabing humanap daw ako ng butas na lulusutan. Hindi kasi ako makatiyempo.
"Ahh.. Tay, tungkol po doon sa Prime---"
"Anak, tulungan mo nga akong magdisenyo. Mahina na ang mata ko eh." Pagputol ulit niya.
Lumapit naman sa amin si Iris. "Uhmm.. Uncle Lino, may sasabihin po kasi si Tres. Tungkol po doon sa pags---"
"Tamang tama ang dating mo Iris! Tulungan mo kami dito ni Tres. Marami rami din ito." Pagputol din niya sa kaibigan ko.
Bakit parang umiiwas siya sa pagbukas namin ng usaping ito. Ayaw ba niyang pag-usapan. Bakit noong isang araw masaya siya na nakatanggao kami ng imbitasyon gaking sa Prime Designs? Ayaw ba niya akong pasalihin?
Tinulungan muna namin ni Iris si Tatay na ukitin ang disenyo ng upuan. Nang matapos na namin ang pagdidisenyo, muli naman akong humanao ng tamang tiyempo para masabi ang plano ko lay Tatay.
"Tay, pwedeng patapusin mo ako? May mahalaga lang sana akong sasabihin sayo." Buwelo ko.
Huminto naman ito sa pagliliha at humarap sa akin. "Tungkol sa Prime Designs, tama ba?" Tanong niya.
Tumango ako. "Gusto ko po kasing sumali. Naisip ko po kasi na pag nakuha ako doon, magkakaroon tayo ng stable na pagkukunan ng income. Isa pa, mas makikilala tayo at siguradong mas dadami ang mga customers natin." Sabi ko.
"Pero anak, ---"
"Pero Uncle Lino, isipin niyo pong mabuti. May talento si Tres. Magaling siya sa ginagawa niya. Isa pa, kung ayaw niyong rumaraket siya bakit hindi niyo hayaang sumali siya dito. Pag nakuha siya at nagkaroon ng pormal na trabaho, hindi na niya kailangang rumaket at magpagod gabi-gabi." Sabat naman ni Iris.
Napatigil at napaisip naman si Tatay. Makalipas ang ilang minutong walang naganap na imikan, muling nagsalita si Tatay. Sa pagkakataong ito, mukhang may desisyon na siya.

BINABASA MO ANG
She's My Boss
Teen Fiction|COMPLETED| From love at first sight to love that will last forever. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng pag-ibig. It works in mysterious ways. Sometimes it is unexpected pero minsan napagplanuhan. Sabi nila mahirap magmahal ng taong mas mataas kaysa...