[TRES' POV]
NAGISING NAMAN ako at naabutan ko pa ding tulog si April. Tinignan ko naman ang orasan at nakitang 6 30 na pala ng gabi. Ibig sabibin, may isang oras pa kami ng paghahanda at preparasyon para sa event mamayang gabi. Kung hindi ako nagkakamali, isang Socials Night ang magaganap at ito ang magiging daan para makaget-to-know namin ang ivang participants para sa workshop na ito. Bumango naman ako sa aking higaan at pinagmasdan ang maamong natuulog na mukha ni April.
Kahit sa malayuan at kahit tulog pa siya ngayon, hindi ko talaga maiikailang maganda pa rin siya at para talaga siyang isang prinsesa.
Bumalik balik naman sa isipan ko ang mga pigil kong nararamdaman para sa kanya. Siguro kung hindi lang ganito ang aming sitwaston, matagal ko na siyang niligawan at siguro baka maging kami pa. Mahirap kayang makipagtalo sa nararamdaman. Ayaw ko namang habang buhay kaming magiging ganito ni April. Yung pinipigilan at nakikipagtalo sa aming mga nararamdaman.
Nang mapansin ko namang gumalaw siya, agad naman akong nag-ayos ng sarili at lumihis ng tinitignan.
"Oh Tres. Gising ka na pala. Good evening." Bati naman nito.
Lumingon naman ako sa kanya at ngumiti ng matamis. "Magandang gabi sa'yo Boss. Mukhang napasarap ang tulog mo ah." Sabi ko naman.
Tanging iling lang ang sagot niya sa akin kaya muli naman akong nagsalita. "Mabuti pa, maghilamos ka na diyan Boss at sabay na tayong kumain sa labas." Suhestiyon ko nama sa kanya.
Nag-inat inat naman siya at di kalauna'y bumangon na din sa kanyang kinahihigaan.
"O sige. Mabuti pa nga siguro. 6:30 na pala at maya maya lang magsisimula na ang Socials night. Halika na, gutom na din ako eh." Sabi naman niya.
Tumango naman ako at sabay na kaming lumabas ng pintuan ng kwarto. "Boss, wag kang mag-alala. Libre ko ngayon." Sabi ko naman at kinindatan pa siya.
"Okay sige. Sabi mo eh." Sabi naman niya.
Nang tuluyan na kaming naglakad palayo, nakita ko namang napapatitig siya sa akin at agad niya din itong iniiwas kapag tumitingin ako sa kanya.
Dahil dito palihim naman akong natatawa at napapahagikhik. Ito talagang si Boss. Masyado nanaman siyang in-love sa akin.
"Halika nga dito." Sabi ko naman at hinawakan ko ang mga palad niya.
Bahagya naman siyang napatingin sa magkahawak naming kamay. "Ano yan? Holding hands while walking?" Tanong nito.
Tumawa nalang ako bilang sagot sa tanong niya. "Ano naman ngayon. Labas naman ito sa trabaho natin at wala namang may ibang alam na boss kita. Kaya pwede ko naman sigurong hawakan ang kamay mo kahit kailan ko gusto." Sagot ko naman sa kanya.
Bahagya namang umasim ang mukja at tila hindi nagustuhan ang ginawa kong paghawak sa mga palad niya.
"Alam mo Tres, pag nandito lang si May siguradong masasaktan yun sa ginagawa mo. Bitawan mo nalang kaya ako." Sabi pa niya.
Sabi ko na nga ba. Paniwalang paniwala pa din siya sa pakulo ko kasama si Iris. Nakalimutan ko na rin kasing savihin sa kanya. May isang beses na dapat sasabihin ko na kaya lang hindu natuloy.
"Wag kang mag-alala. Itong ginagawa ko sayo bilang kaibigan lang." Huminto naman ako para pagmasdan siya. "Isa pa, mas mahal ko naman si May kaysa sayo." Prangka ko namang sabi.
Napansin ko namang napairap nalang siya at tila nainis. "Alam mo nakakainis ka! Bakit mo ba kailangan pang sabihin yan sa harap ko. I don't care Tres! So. Please. Stop. It!" Defensive naman niyang sagot.

BINABASA MO ANG
She's My Boss
Teen Fiction|COMPLETED| From love at first sight to love that will last forever. Naniniwala ako sa kapangyarihan ng pag-ibig. It works in mysterious ways. Sometimes it is unexpected pero minsan napagplanuhan. Sabi nila mahirap magmahal ng taong mas mataas kaysa...