抖阴社区

{48}: Desperate's Plan

98 4 2
                                    

[APRIL'S POV ]

HALOS HINDI ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip. Nakakainis kasi yung mga sinabi ni Papa. Bakit parang nabigyan ako ng malaking bara sa lagusan ng hininga ko. Literal talagang nanikip ang paghinga ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari din pala sa totoong buhay yung mga ganung eksena. Yung sasabihin ng magulang mo na hiwalayan mo yung lalaki dahil hindi kayo bagay. O kaya yung sasabihin ng magulang mo na "He's no good for you".

Akala ko sa teleserye lang yun nangyayari o kaya yung mga nababasa ko sa 抖阴社区. Pero hindi, kagabi lang naramdaman ko yung bigat sa pakiramdam na sinisimulan ka ng kontrolin ng magulang mo. Pero gaya ng sinabi ko din kagabi, walang kahit anong bagay ang pipigil sa pagmamahal k okay Tres. Walang kahit anong bagay.

Hinding hindi na kami maghihiwalay.

Hanggang ngayon tuloy, nakahiga pa din ako sa kama ko. Nawala na ata ang lakas ko para bumangon. Baka Makita ko nanaman si Papa sa baba. Nakakatakot kasi siya. Ayaw ko siyang sundin pero paano kung totohanin niya yung sinabi niyang gagawa siya ng hakbang na hindi ko magugustuhan.

No Choice! Hindi pwedeng magmukmok lang ako ditto. Kung nagmukmok lang ako dito parang nagpatalo na din ako sa kanya. Parang sinuko ko na din si Tres.

Pagbaba ko, naabutan ko namang nag-aalmusal palang sina Mama at Papa. Aba't may himala na ata. Ngayon ko lang sila makakasabay na mag-agahan.

"Good Morning anak. Come, join us. How's the sleep of my lovely daughter?" bati ni Mama at nakipag-beso naman ako sa kanya.

"Ayos lang naman po Ma. Hindi lang ako gaanong nakatulog dahil may iniisip ako. But don't worry, I made sure na I still have enough sleep." Sagot ko naman kay Mama.

Umupo ako sa upuan sa tapat ni Mama. Minsan napapaisip din ako kung anong silbi nitong mahabang hapagkainan namin. Tatlo lang naman kasi kami. Wala namang umuupo sa mga natitirang upuan. Aish... bahala nga sila! Trip nila yan.

"Ano bang iniisip mo anak? Parang napuyat ka ata ah?" sabi ni Papa.

Inisip ko yung sinabi mo at yung koneksiyon mo sa mga kidnappers.

"Uhmm... inisip ko lang po yung Prime Designs. Tuloy po ba yung pag-market natin sa Malaysia? Napansin ko kasi medyo matagal na ang proposal na yun pero until now --- wala pa ding action." Palusot ko nalang.

Kaysa naman sabihin ko yung lalim ng pinanggagalingan ng iniisip ko diba. Siyempre akin nalang yun. Hindi ko na sila idadamay sa kaartehan ko.

"Don't worry. Matutuloy yun. Nagkakaproblema lang tayo sa mga Tejada pero sigurado akong maaayos din yun dahil gagawin mo kahit anong iuutos ko diba?" sabi ni Papa sa akin.

"Depende po sa iuutos niyo. Pero alam niyo namang ginagawa ko ang lahat para sa Prime Designs diba. Para sa atin." Sagot ko.

"That's my daughter." Sambit niya.

Sa totoo lang wala naman akong idea sa kung ano ang sinasabi niyang utos. Pero alam niyo naman ang katangahan ko diba. Dakilang oo ng oo kahit hindi naman talaga gusto. Isa pa, bakit nasabi niyang nagkakaproblema sa mga Tejada?

Pamilya nila Joaquin yun diba?

"Pa, ano po yung sinasabi niyong problema sa mga Tejada? May ginawa po ba sila Tito Ed at Joaquin?" Tanong ko.

"Joaquin told me---"

"---I think it's not yet the right time para alamin mo yun April. Aayusin pa namin ito ng Papa mo. Don't worry, everything's gonna be alright." Pagputol ni Mama sa sasabihin ni Papa.

Why am I feeling weird like this? Bakit may ginagawa silang hindi ko alam. Parang may problema pero ayaw nilang sabihin sa akin. Sigurado ako damay nanaman ako ditto kaya ayaw nanaman nilang ipaalam agad sa akin. Gusto nila ayusin mjuna ang problema at kung wala na talagang solusyon, ako na ang magiging sagot.

She's My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon