A S H L E Y
My GAD. Madaling araw na naghahanap parin kami.
"Wag na kaya tayo pumasok bukas," sabi ko kay Felicia at humiga sa sofa sa sobrang pagod.
"Ano ba gagawin bukas?" Tanong niya.
"Ewan ko nga din," sabi ko.
Bigla kaming dalawa na tumahimik. Tinitigan ko yung kisame. Pagod na pagod na ko. Kapag nakita ko talaga yan sina Yurika pa chill chill lang diyan sasampalin ko sila.
Ano bayan. Para lang to nung nawawala panyo ko. Ang ingay ko kaya sa hallway no'n.
Biglang may kumatok sa pintuan. Nagtinginan kami ni Felicia.
"Umorder ka ba ng Mcdo?" Tanong ko kay Felicia.
"Ba't naman ako mag-oorder ng ganun?"
"Ewan ko? Midnight snack?"
"Ashley 4:45 am na!"
"Edi 4:45 am snack!"
"HOY BUKSAN NIYO TO PLEASE!" teka,sigaw yun ni Yurika ah. Bubuksan kona sana yung pintuan pero tumigil ako. Baka hindi to si Yurika.
"Felicia silipin mo nga sa bintana kung si Yurika ba talaga to!" Utos ko sakanya. Sumilip siya at sinenyasan ako na buksan yung pintuan.
Pagbukas ko ng pintuan,nagulat akong makita si Yurika na puro dugo yung damit.
Pinasok ko siya at nilock agad yung pinto.
"Yurika! Ano nangyari sayo?!"
Nginitian niya kami.
"Gusto niyo talaga malaman?"
Tumango kaming dalawa.
"Napatay ko si MJ,"

YOU ARE READING
Class Picture
Mystery / Thriller23 dead 17 alive 1 Killer And it all started with the wrong class picture, at the wrong day and at the wrong time