抖阴社区

1.

4.7K 74 13
                                    


Nagmamadali ako sa pagmamaneho para sunduin ang girlfriend ko, alam kung nagagalit nayun dahil late na naman ako. Hindi ko kasi namalayan ang oras dahil busy ako sa pagtatrabaho. I hope she's not mad time this.
   
  
      
   
Dali dali kung pinark ang kotse ko at pinuntahan siya sa opisina niya pero pagdating ko dun ay naka sarado na ito.
   
  

  
  
"Uhm rica, si Stacy?" Tanong ko sa isa sa mga nagtatrabaho dito. Kilala ko siya kasi madalas akong pumupunta dito dati pero hindi na nga lang nitong mga nakaraang buwan, medyo busy na kasi ako sa trabaho. Baka kasi alam niya kung nasan ang boss niya. Usually hinihintay naman ako ni stacy kahit medyo late ako o di kaya nag tetext yun kung nauna na siya.
  
  
  
  
 
"Nakaalis na po siya bago lang, akala ko nga po ikaw yung sumundo sa kanya eh." Sagot nito. Bakit hindi man lang nag text si stacy na nakaalis na siya?
  
   
  
  
"Thanks rica. Uhm sige...mauna na ako." Ngumiti ako ng tipid sa kanya at naglakad na palabas.

 

Naisip kung puntahan siya sa bahay nila, baka yung dad niya yung sumundo sa kanya. Habang nagdidrive ako papunta sa kanila bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung para san yung kaba ko. Napa hinga ako ng malalim at nag focus nalang ako sa pag mamaneho.

 

Papalapit na ako sa bahay nila nang mapansin ko yung 'di pamilyar na sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay nila. Nakatayo sa gilid ng kotse si stacy at isang lalaki na hindi ko kilala, mukhang nagtatalo yung dalawa. Imbes na lumapit ako ay parang may nag udyok sa akin na panuorin muna sila. Hininto yung sasakayan medyo malayo layo sa kanila pero sakto lang para di nila maramdaman ang presensya ko at pinatay ko ang sasakyan.
     
    
   
  
Mataman lang akong nakatingin sa kanila, nagtatalo parin sila. Mukhang galit na talaga si stacy, she's pointing her fingers to the guy at parang senermunan niya ito. Umiling iling lang yung lalaki habang nakalagay ang mga kamay nito sa bulsa. Napakunot ang noo ko nung lumingon ito patungo sa direksyon ko, parang nakita ko siya, hindi ko lang matandaan kung saan.
   
  
  
  
Akmang papasok na sa loob si stacy, but the guy grabbed her by her hand at niyakap ito. Hinawakan niya ang pisngi ni stacy at unti unting nalalapit ang kanyang mukha. Naalarma ako sa nakita ko. Who is he?

   
 

And they were kissing passionately now. At ang masakit pa dun eh hindi ko man lang nakitang tumutol si stacy. She even put her arms around the guy's neck. Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Paano to nagagawa ni stacy sa akin?
   
    
  

Nagagalit ako sa kanya at the same time galit din ako sa sarili ko. Alam kung may pagkukulang ako sakanya, pero sana sinabi man lang niya na hindi na siya masaya sa akin, na may iba na siya, para naman prepared na ako diba? Hindi yung ganito, hindi yung niloloko niya ako.
   
  
 

Napahawak ako ng mahigpit sa manubela, ayaw ko talaga yung niloloko ako. Napatingin uli ako sa direksyon nila, sinandal nung lalaki si stacy sa kotse while stacy wrapped her legs around the jerk's waist. P*ta! Parang gusto nilang hubaran ang isa't isa. Sht, langya talaga! I turned on the car's engine, gusto kung sagasaan silang dalawa. Imbes na lapitan sila ay iniliko ko nalang yung kotse at umalis na lang sa lugar na yun. Duh! Ayaw kung makulong noh! and i need to breathe parang na su suffocate kasi ako.

 

  
  
  
  
   
   
  
   ___

  "Nakita mo talaga?!" Tanong ni eddie, my bestie, habang naka upo kami dito sa sofa. Nandito kami sa condo ko ngayon at  Ikenwento ko sa kanya yung nakita ko kagabi.
 
 
  
 
"Oo nga, Ang kulit mo!" Iritang sabi ko sa kanya. Paulit ulit eh!

"Baka naman yung ate niya yung nakita mo, kasi diba magkahawig talaga sila? I just can't believe na magagawa yun ni stacy sayo."
 
  
 
 
"Si stacy yun. Kilalang kilala ko siya kaya sigurado ako."
  
  
 
"Okay, sabi mo eh....ano na yung gagawin mo ngayon?"

   
 
  
"I...i don't know." Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano yung gagawin ko.

  
  
 
 
"What do you mean by you don't know?" Naka kunot ang noo nitong tanong sa akin.
 
  
  
Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang nakangiting si stacy. Napatayo ako nang makita ko ito, napaayos din ng upo si eddie. I'm not expecting her here.
 
 

"Hi babe." Masayang bati nito. Lumapit siya sa akin at mabilis na hinalikan ako sa labi.

   
"Hey babe, you 'kay?" Tanong nito at pinulupot ang kanya braso sa aking leeg. Tiningnan ko ito sa mata, she looks innocent. Parang walang ginawang kalokohan kagabi. Tsk!

 
"Stop that stare babe!" Sabi nito at piningot ang ilong ko. Ouch!
  
  
   
"Aw.." Sinamaan ko ito ng tingin. Ang sakit kaya nun.
  
  
  
"I'm sorry."
  
  
"What are you thinking?" Pilang sabi nito at nilapit pa ang sarili sa akin.

 

"Uhm...n-nothing." Na uutal kung sabi. Paano ba naman kasi ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Dumako ang mata ko sa mapupulang labi niya, I want to kiss her. Ang bilis ng tibok ng puso ko, she has this damn effect on me, lalo pa ang lapit lapit niya sa akin. Dapat nga galit ako sa kanya ngayon pero bat hindi ko magawa?
 
 
 
 

"Hey guys!" Rinig kung sabi ni eddie kaya napatingin kami sa kanya. Muntik ko ng makalimutan na nandito pala siya.
 
 
 

"Oh hey ed." Baling ni stacy sa kanya.
 
   
  
"Baka nakakalimutan niyo na nandito ako."
  
  
  
"Sorry ed, namiss ko kasi 'tong babe ko." Si stacy at hinalikan ako ng madiin sa labi. Gaganti sa sana ako pero pinutol niya kaagad.

 

"By the way I'm just here to tell you that i have a business meeting tomorrow in cebu."  she said at nilayo ang sarili. Napatingin ako sa kanya, biglang kung naalala yung nakita ko kagabi. Biglang umusbong yung galit ko, naiinis akong iisipin na may ibang humahalik sa kanya.
  
   
  
"Stop staring babe. Hmmm... I know what you were thinking." She said seductively, lumapit ulit siya sa akin.
 
 
 
 
"....but we can do it next time naman." Sabi niya and peck on my lips. I'll admit, i still love this woman, but damn! what the hell is she talking about?! Hindi yun ang iniisip ko. Sht!

  

"Bye babe. See you." At nangaakit na kinagat ang tainga ko. Kumindat pa ito sa akin bago ito umalis. Damn!

 

"Ginagago ka na, kinikilig ka pa." Rinig kung sabi ni eddie nang maka alis na si stacy, kaya sinamaan ko ito ng tingin.
  
   
  
"What?! Stop giving me that stare lesley. Nabasa ko lang yun sa news feed ko." Pinaningkitan ko ito ng mata, i hate him calling me by my first name lesley.
  
   
   
"Bakit? Natamaan ka ba?" Dagdag pa nito at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Hindi ko nalang siya pinansin. Bwesit.







 
 
 

Pasensya sa mga wrong grammar at typos diyan.✌

Put ü FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon