抖阴社区

Part 24

11K 421 32
                                        


"I DON'T want to go. Huwag mo na akong pilitin Adrian," gigil na gigil na sikmat ni Kieran sa kaibigan na ayaw pa rin siyang tigilan. "Dapat sumama ka na sa mga umalis kanina at pinabayaan mo na lang akong mag-isa dito."

"Kailangan mong sumama sa akin. Kung magsasampa ka ng kaso laban sa kaniya dapat nandoon ka. Come on Kieran," giit pa rin nito.

Tumiim ang bagang niya at pabagsak na umupo sa couch. Iginala niya ang paningin sa paligid at kahit ayaw niya ay parang nakikita pa rin niya si Belle sa bahaging iyon ng bahay niya. Sa tuwing tumitingala siya sa chandelier, ang nakikita niya ay ito habang abala ito sa paglilinis niyon. He could still remember how they stumbled at the floor and how his body reacted with her nearness. Kapag napapasulyap siya sa kusina, nakikinita niya ito habang nagluluto ito. Kapag naman sa direksyon ng hardin siya titingin ay bumabalik sa isip niya ang unang umaga nito roon at inabutan siya ng kape na nakonsiyensiya pa siyang hindi niya ininom.

"Damnit," mahinang mura niya at mariing pumikit. His whole house reminded him of her. And of his foolishness for believing everything she did and said. Ayaw na niya itong makita. Pero hayun ang magaling na kaibigan niya at pinipilit pa siyang sumama rito na magiging dahilan para makita na naman niya ito.

"Kieran. Don't tell me ayaw mong magsampa ng kaso?"

Napadilat siya at marahas na napalingon dito. Mataman itong nakatingin sa kaniya. Gusto niya sana itong sikmatan na hindi iyon ganoon pero biglang may kumislap na ideya sa isip niya para pabayaan na siya nito. "Wala rin namang mangyayari kahit magsampa ako ng kaso. Wala siyang nakuha sa akin. Mada-drag lang ako sa mahaba at mabagal na proseso ng batas dito sa pilipinas. I don't want to waste my time on her anymore," sagot niya.

Kumunot ang noo nito. "Sigurado kang wala siyang nakuha sa iyo? Malamang mayroon. Kukunin natin ang mga nakunang videos ng CCTV cameras bilang ebidensya." Pagkasabi nito niyon ay tumalikod ito at nagsimulang umakyat sa hagdan.

Napatayo siya nang maalala kung ano ang mga maaaring makita nito sa mga videos. "Adrian!" sigaw niya rito.

Napahinto ito at nilingon siya. "What?"

Tumihkim siya. "Wala kang makikita. Tiningnan ko na kanina." Lalong kumunot ang noo nito at umiwas siya ng tingin.

"Kieran. Huwag mong sabihin sa akin na tama ang naiisip ko? You fell on her trap?" Tumiim ang mga bagang niya at napahigpit ang hawak sa tungkod ngunit hindi sumagot. "You did!" manghang bulalas pa nito na mabilis na lumapit sa kaniya.

"Shut up!" gigil na asik niya rito at muling pabagsak na umupo sa sofa.

Pumalatak ito at umupo sa katapat niyang sofa. "I can't believe it. Kaya iba ang tono mo kaninang tinawagan kita. You got laid, didn't you?"

Matalim na tiningnan niya ito. "I said shut up already Adrian."

Napailing ito at bumakas ang simpatya sa mukha nito. "I hope you didn't got her pregnant. May pakiramdam ako na kung hindi siya kumuha ng kahit na ano sa bahay mo ay iyon ang plano nila. She wanted to marry you for money."

Tila malakas na sipa sa dibdib niya ang sinabi nito dahil alam niya na tama ito. "I'm stupid for falling for her."

"You love her?" lalong namanghang tanong nito.

"Hell no! Hindi iyon ang ibig kong sabihin," sikmat niya dahil ayaw na niyang dumagdag pa ang pagkapahiyang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. "Nakakagalit lang na nagawa akong paikutin ng isang babae sa mismong loob ng bahay ko. Nagagalit ako dahil nanahimik lang naman ako dito nagawa pa akong guluhin ng isang gaya niya. At worst, nagpauto ko. Akala ko noon itsura ko lang ang nasira hindi ang ulo ko. Pero ngayon alam ko ng pareho pala. Because I thought she came here to give me another reason to live," mapait na bulalas niya. Nang makita niya ang reaksyon ng kaibigan niya ay marahas siyang napamura dahil napagtanto niyang sumobra ang sinabi niya. Mariin siyang napapikit. "Shit. I'm so tired of this. Aakyat na ako." Tumayo na siya.

"Alam mo ba kung bakit ka niya naloko?" tanong nito. Napalingon siya rito. Tumayo ito at sinalubong ang mga mata inya. "Dahil nagkukulong ka rito sa malaki mong bahay, nagmumukmok, ganiyan ang itsura. Akala nila desperado ka at madali kang maloloko. Iyon ang sinabi ng mga kapatid niya."

Pagak siyang tumawa. "Gee, thanks."

"That's why I keep on telling you Kieran. Tigilan mo na ito. Akala mo siya ang magiging panibagong rason mo para mabuhay? Marami kang pwedeng maging rason. Kayang-kaya mong makita iyon kung gugustuhin mo lang. Leave this house where your bad memories linger. Sumama ka sa akin sa maynila."

"I don't want to see her," sa wakas ay pag-amin na niya sa kabila ng tila paglamutak sa sikmura niya.

"Then don't. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo magsampa ng kaso. May ibang gagawa niyon. Nakakataka lang na basta mo siya pababayaan ng ganoon. Kung dati baka ikaw pa ang kumaladkad sa kaniya patungo sa kulungan."

Napatiim bagang siya nang gumitaw sa utak niya ang umiiyak na mukha nito bago niya ito iniwan sa kama niya. Naipilig niya ang ulo. Masyado na yata siyang nagiging malambot at hindi niya magawang ipakulong ito kahit pa galit na galit siya rito. Just because she looked that vulnerable. Damn her.

"Ayokong magsayang ng oras sa isang bagay na alam kong matagal ang proseso," sagot na lang niya.

Bumuga ng hangin si Adrian na tila nauubos na ang pasensya. "Fine. Basta umalis ka rito. Pumunta ka ng amerika. Go see a plastic surgeon to get rid of that scar on your face and another doctor for your leg. Pagkatapos kapag hand aka na bumalik ka rito sa pilipinas. Hindi ka man makakabalik sa aksyon, naghihintay ang security agency natin sa iyo. You used to be the one who managed almost all our cases before. Kieran, panahon na para bumalik ka na sa dating ikaw. You used to be a gallant prince, not a beast. Kapag hindi ka pa nagtransform may darating na namang iba na tatangkain kang lokohin. Gusto mo ba iyon?"

Napailing siya. "I was never a gallant prince," maanghang na sagot niya.

"You were. Palaging sinasabi iyon ni Regina sa amin ni Neil kapag hindi mo naririnig."

Natigilan siya. Pagkatapos ay muli niyang iginala ang paningin sa bahay na iyon. Sa pagkakataong iyon ay si Regina na ang nakikita niya. Subalit hindi gaya ng babaeng dumurog sa puso niya at niloko siya na halos naroon lang sa tabi niya ang presensya, malabo ang imahe ni Regina na nakikita niya. Wala na rin ang dating sakit na nararamdaman niya tuwing naiisip niya ito. Nakakaloko lang na ang bagay na hindi niya magawang kalimutan sa loob ng limang taon ay ganoon lang kabilis na naalis... ng isang babaeng manloloko.

O marahil ang paraan lamang para maalis ang sakit ng nakaraan ay mapalitan iyon ng bago. Subalit ayaw na niyang maging desperado. He no longer wants to be pathetic.

"Fine. Sasama ako sa iyo pabalik sa manila. Doon na lang ako mag-iisip kung ano ang susunod kong gagawin. Magpapapunta na lang ako ng taong mag-aayos dito. I'm going to... give this house up," sa wakas ay sagot niya.

Ngumiti ito at masaya siyang tinapik sa balikat. "That's good pare. At last!"

Tumango siya. Tama si Adrian. Panahon na para ayusin niya ang sarili at bumalik sa dating siya. So, heartache and shame for being betrayed will not do him any good. Iyon lang, alam rin niyang malabong basta niya makalimutan ang ginawa ni Belle sa kaniya.

Kaya sa halip na pairalin ang sakit ay mas pinanguna niya ang isang emosyong mas kaya niyang dalhin, mas magpapakilos sa kaniya, mas magpapagising sa adrenaline niya – galit.

THE SWINDLER AND THE BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon