抖阴社区

Chapter 14: Contradiction

Magsimula sa umpisa
                                        

"Bakit hindi niyo pa ba kasi pinapaputol ang mga damo dito?!" ang arteng tanong niya.

Tsk. Ayoko pa naman sa taong maarte. Kahit na prinsesa ako hindi ako maarte noh.

"Ako ang magpapa-putol ng mga damo dito!" dugtong pa niya.

At doon na ako humarap. "Wag na wag mong susubukang ipaputol ang mga damo dito. Dahil unang-una, hindi ka dito nakatira. At pangalawa kapag sinubukan mo yun..."

"Ano?" panghahamon niya.

Aba sinusubukan ako nito ha. Ano nga bang pwedeng gawin. Hmmm. Aha alam ko na!

"Ipapadalaw kita sa multo!"

Ooopss. Oo na. Alam kong ang lame nun pero wala na talaga akong maisip. And alam ko namang takot DAW siya sa multo.

Tiningnan ko siya at ngayon ay nakatigil na siya sa gitna ng damuhan habang nakataas ang kilay.

"Kaya mong gawin 'yon?" Nagulat ako nang yun ang narinig ko mula sa kanya. Teka, wag mong sabihing naniniwala siya sa akin? What the fudge! Gusto kong matawa dahil sa reaksyon ng mukha niya. Parang sinusukat niya ba talaga kung kayo kong gawin yun o hindi.

"Oo naman!" Sagot ko. Alam ko namang nakikisakay lang siya sa trip ko kaya bakit ko ihihinto ngayon? Ipapagpatuloy ko na lang! Para tuloy kami ngayong mga bata na naglolokohan kahit hindi naman talaga kami naniniwala sa multo.

"At sino namang multo ang ipapadalaw mo sa akin?" tanong niya at nagsimula na siyang maglakad papunta sa akin. Kaya naman nagsimula na rin akong maglakad. Hindi naman kami maglalakad dito buong hapon dahil sa gitna ng damuhang ito ay may isang puno na kinalalagyan ng tree house namin ni Zandra.

"Si papa," sagot ko sa tanong niya. Kahit na naiiyak ako kapag nababanggit ko si papa ay nakuha ko pa ring sabihin yun nang hindi man lang pumapatak ang kahit isang butil ng luha ko.

Habang paakyat ako ng tree house ay hindi ko mapigilang mapalingon kay Raphael. Bigla kasi siyang nanahimik pagkatapos kong sabihin kung sino ang multong ipapadalaw ko sa kanya.

Doon ko napansin na medyo malayo na pala siya sa akin at nakatigil na lang sa gitna.

"Hoy anong ginagawa mo diyan?!" sigaw ko sa kanya. Hindi naman sa nagsasabi ako na sundan niya ako pero ang weird lang kasi tingnan na nakatigil lang siya sa gitna ng malawak na damuhan. Eh kanina nga reklamo pa siya ng reklamo tungkol sa mga damo tapos ngayon tahimik na siya. Ano? Friends na sila ng damo, ganon?

"P-papa mo?" tanong niya. Ano bang problema niya? Hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya na parang natatakot ata na ewan. Basta!

"Oo, papa ko."

"Patay na papa mo?"

"Oo. Hindi ba halata?" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Hindi niya ba alam? Imposible naman yun dahil prinsipe siya ng Tyran. Imposibleng hindi niya nasagap ang balitang iyon.

"Kaya pala hindi ko siya nakikita," bulong niya sa sarili niya pero narinig ko naman. Hindi niya nga alam! Nagtataka akong napatingin sa kanya. Bakit hindi niya alam?

Maya-maya ay tumakbo siya palapit sa akin at nakangiti na. "Ang sweet mo naman!" sigaw niya.

"Ha? Anong sweet do'n?" tanong ko.

"Ikaw ha. Maang-maangan ka pa. Gusto mo lang akong makilala ng papa mo kahit patay na siya eh! Siguro sasabihin mo sa kanya na ako yung lalaking papakasalan mo kaya gusto mong maipakita sa papa mo kung gaano ako kagwapo. Kikiligin na ba ako niyan?" Para siyang baliw na halos mapunit na ang mukha sa sobrang lawak ng ngiti.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "In your dreams!"

Iniwan ko siya at umakyat na ako pataas gamit ang bakal na hagdan. Pinasadya iyon ni papa dahil ayaw daw niya kaming nahihirapan sa pag-akyat.

The Princess In Disguise (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon