抖阴社区

                                    

Hinayaan ko na lang siya. "Nasaan na nga pala sa Sandra?" tanong ko.

"Ahh, kinuha lang yung susuotin mo. Oh! Ayan na pala siya oh." 

katulad kanina hinihingal-hingal si Sandra, dala-dala ang susuotin ko.

Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita kong hanging shirt, ang iksi masyado feeling ko pag sinuot ko yan, tapos tinaas ko ang kamay ko makikita na ang dibdib ko. Tapos yung skirt na parang pang cheering, na sobrang iksi rin. Yung totoo? Nag titipid ba sila ng tela?

Inipitan na ko ni Bakla, tinarintas niya ko fish tail braid style ang ginawa niya sa mahaba kong buhok.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Ang ganda ko. Well, marami namang nagsasabi niyan, pero parang mas lalong lumabas yung ganda ko dahil sa galing mag make-up ni Bakla, na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Ang ganda-ganda mo ms. Pokerface." sabi ni Sandra, tinignan ko siya nang masama.

Ngumiti siya "Hehe, ayun kasi ang tawag ng ibang taga CIT sayo Ms. Pokerface, lagi raw kasing walang expression yang mukha mo."

So, napapansin pala nila ko, akala ko talaga walang may alam na nag-eexist ako sa YBU.

Tapos, pumunta na kami sa ladies room para masuot ang makasalanan na outfit.

Pagkalabas ko ng cubicle ng CR, halos mapanganga si Sandra sa nakikita niya. "You.Are.So.Hot" Inisa-isa talaga niya ang bawat salita.

Tinignan ko ang suot-suot ko sa salamin, parang feeling ko ang sagwa. Yung skirt kasi masyadong mababa, yung feeling ko pag hinila ko pa 'to pababa makikita na yung pagkababae ko, tapos masyado pang maiksi kaya expose na expose yung legs ko.

Eto naman hanging shirt na kulay pula, tulad ng skirt ko, masyado rin maiksi, dahilan para mabigyang pansin ang korte ng bewang ko at makita ang pusod ko. Feeling ko talaga pag sinubukan kong kumaway makikita yung dibdib ko.

Anu ba 'tong itsura ko parang mga babaing nakikita sa bar.

"Andrade mas gusto ko pang naka-poker face ka kaysa sa mukha mo ngayon na parang ang lungkot-lungkot mo, hwag kang mag-alala napakaganda mo. Okay!" sabi niya at pinagsuot niya muna ako ng bathrobe bago kami lumabas ng CR.

Pagkarating ulit namin sa kwarto kung san ako inayusan nandoon na si Sir. Tamayo, pagkakita niya sa'ken halos umabot na sa langit ang ngiti niya. "Wow!" sa sobrang mangha niya ata sa kagandahan ko Wow na ang nagsabi niya.

"Hindi ako nagkamali nang pagpili sayo  Yenelle Andrade." sabi niya.

"Oh, eto suotin mo na." iniabot niya sa'ken ang wedge na kulay pula na naman, yung totoo? Ayaw niyo sa pula nu? Tss.

Pagkasuot ko ng wedge, pinapatanggal na sa'ken ni Sir ang bathrobe ko, sabi ko mamaya na lang pag rarampa na ko, pumayag naman siya.

Don't Blame Me, Blaine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon