Lumabas na kami pinapila na ang mga team ng bawat college, nakita ko tuloy yung mga muse nila, ang gaganda feeling ko wala akong panama, at feeling ko rin ako ang may pinaka-revealing na outfit.
Napahawak na lang ako sa noo ko hanggang maari ayokong ipakita yung mukha ko, bago pumunta sa pinakadulo, ang CIT kasi ang pinakahuling papasok sa covered court. Ang ingay nabubwiset ako, ayoko sa lahat ang maingay.
"Pwede ba guys, manahimik kayo!' sigaw ko sa CIT basketball team na nasa likuran ko. Parang nabigla pa sila sa pagsigaw ko, pero parang mas ikinagulat nila na ako ang muse kaysa si Rhica.
"Ikaw ba ang muse namin, ako nga pala ang gwapong point guard ng team na'tin. Milton is my name." inilahad niya yung kamay niya sa'ken, pero tinignan ko lang yun. Ayun, inasar lang siya ng mga ka-team niya. Maya-maya pa tumabi na sa'ken ang captain ball nila na ang pangalan daw ay Sep.
Ngitian niya ko, pero tinanguhan ko lang siya.
"Ang sungit"
"Pero ang ganda nu?"
"Sana tanggalin na niya ung bathrobe na suot niya."
"Pagkatapos nitong game liligawan ko yan."
Naririnig kong bulong-bulungan nila. Hindi ko na lang pinansin, naiirita na ko ang tagal mag-simula.
Narinig ko naghihiyawan na ang mga tao sa loob ng covered court, kahit nandito kami sa labas rinig na rinig namin ang dagundong sa loob.
Unang pumasok raw ang CBA kasi nga sila ang champion last year, at ang alam ko captain ball daw ng CBA basketball team ay isa sa kambal na may anak ng may ari.
Sumunod na ang ibang colleges. Syempre last but not the least ang CIT.
Kami na ang papasok, lumapit sa'ken si Sir. Tamayo at kinuha na ang suot-suot kong bathrobe. Nang tinanggal ko na ang bathrobe ko at iniabot ko kay Sir. Halos ngumanga lahat ng CIT Team dahil sa itsura ko, bakit kaya dahil ba ang sagwa tignan? Tinignan ko sila isa-isa, Tss. Mga pervert puro pagnanasa ang nasa mga mata nila, sarap tusukin ng tinidor.
"Hoy! Hoy! Isarado ang mga bibig baka pasukan ng langaw." saway ni Sir. Tamayo sa CIT team.
"Ikaw naman Andrade, ngumiti ka kung ayaw mong maging cinco ang grade mo sa'ken."
"Opo, pero mamaya na po pag kami na ang papasok Sir."
"Siguraduhin mo lang, papasok na ko sa loob, gandahan mo ang pagrampa, tapos yung ngiti mo dapat lahat ng ngipin mo makikita ko." habilin niya, tumango na lang ako.
Huminga ako nang malalim nang tinawag na ang College of Information Technology.
Wooh! ito na 'to.
Nang tinawag na ang team namin, nagsimula na kaming maglakad.

BINABASA MO ANG
Don't Blame Me, Blaine!
RomanceLumapit siya lalo sa akin, isang dangkal na lang yata ang pagitan namin dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakatingin lang ako sa kanya, tumahimik din bigla rito sa court, ano bang gagawin nito? Tumingin siya sa mata ko, sa ilong ko, at sa labi k...
Chapter 1
Magsimula sa umpisa