抖阴社区

IV. scintilla

26 4 5
                                        

DAY 1

At dito na magsisimula ang 1/21 ko sa bakasyon na ito.

Habang nananaginip ako sa malalim kong tulog, biglang may sumapak ng unan sa'king mukha.

"H-HOY! ANO BA!" reaksiyon ko.

"Gising na! Eto yung susuotin mo sa surfing ngayon."

Pagmulat ko sa aking mga mata, si Mikee pala ang gumising sa'kin. Prepared na prepared, nakasuot na ng pang-surfing.

"ANO BA, MIKEE! NANANAGINIP AKO! BA'T MO 'KO GINISING?!" galit kong sabi, tapos chi-neck ko yung oras sa phone ko.

Pagcheck ko sa phone, 4AM pa pala.

"NABABALIW KA NA BA?! 4AM PALANG, GAGO!" sabi ko sa kanya, galit na galit.

"May usapan tayo, ma'am! Sabi mo sasamahin kita. Oh, edi oh! Nandito na ako!" sabi niya, pinapakita ang kanyang suot.

"Mikee. 4AM PALANG! 'DI KA BA NAKIKINIG?!" sabi ko.

"Pag di ka babangon diyan, baka iwan kita. Magsu-surfing kang mag-isa!" sabi niya sa akin.

Pangthe-threat pa niya. 'Kala mo matatakot ako ah.

"Pag 'di ka bumangon diyan ng 5 seconds talagang iiwan kita diyan." sabi niya, tapos umupo siya sa kama ko. "5... 4... 3... 2..."

"OO NA! OO NA! BABANGON NA AKO! ALIS KA DIYAN. TADYAKAN KITA DIYAN E." sabi ko sa kanya, tapos sinipa ko siya para umalis siya sa kama.

Tumayo ako kaagad papuntang cr at kinuha ko ang swimwear sa kama na dala-dala niya para sa'kin at nagbihis na rin ako.

Tawang-tawa naman siya pag-alis ko na para bang bata na nagta-tantrums.

5AM | Surfing

Sabay kami ni Mikee na lumakad papunta sa tabi ng dagat.

Meron palang naghihintay sa'min at pinakilala niya ako sa taong 'to.

"Philmar!" tawag ni Mikee sa lalaking nakatayo sa tabi ng dagat.

"Yam, this is Philmar. Pro-surfer ng Siargao pero bumisita rito sa Baler para mag-surf. Philmar, this is Yam. A very close friend of mine." sabi ni Mikee.

"A very close friend of mine."

Friendzoned? Char lang.

"Let's start?" tanong ni Mikee, with hype.

"Tara, lets!" sabi ko, with hype rin.

Tapos, nag-start na kaming mag-surf for an hour. Tinuruan ako ni Philmar pero at the same time, nagtuturo rin si Mikee sa'kin.

6AM | After Surfing

Umupo kami ni Mikee sa tabi ng dagat, pinagmasdan ang pagsikat ng araw.

Dala-dala ko ang camera at palagi kong kinukuha ang pagsikat ng araw.

"Alam mo, ngayon lang ako ulit nakapag-surfing." sabi ni Mikee, habang nagtatapon ng mga buhangin sa dagat.

"Galing mo nga eh. Ilang araw ka natutong mag-surfing?" tanong ko sa kanya, habang nagpi-picture sa sunrise.

"Mga two days lang yun." sagot niya.

Habang nagku-kuwento siya, 'di niya alam na pinipicturan ko pala siya.

"Ngayon lang ako ulit nakabalik dito. Pero nga, busy sa trabaho. Kaya di na ako nakapag-bisita dito." sabi niya.

Napansin ko na bigla siyang tumahimik, biglang nawalan ng loob. 'Di ko alam bakit.

Twenty One Days (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon