抖阴社区

Kabanata 04

130 11 9
                                    

Paulit-ulit na binasa ni Czarina ang text message galing kay Ma'am Guanzon. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Natutuwa siyang malaman na siya ang valedictorian sa batch nila pero ayaw rin niyang makita siya ng mga kaklase sa ganitong estado.

Ayaw rin niyang makita ang pagmumukha ni Meriam na pinatawad lang ng eskwelahan at hindi na pina-expel dahil na rin sa nalalapit na graduation. Hindi pa niya kayang harapin ang mga ito.

Huminga siya nang malalim at bumaba na sa kama. Kahit hindi siya siguradong makakadalo sa graduation, magsusulat na lamang siya ng kanyang speech.

Pero wala naman siyang dapat ikatakot sa mga ito. Gusto rin niyang maka-attend sa graduation dahil masaya siyang nakapagtapos dahil sa sariling sikap.

Kinuha niya ang cellphone at tumugon sa text ni Ma'am Guanzon. Pinaalam niya ritong dadalo siya sa graduation. Agad din naman nitong sinabi sa kanya na nagagalak ito sa desisyon niya.

Lunes ng umaga ay kukunin na niya ang toga sa eskwelahan. Kinabukasan ng ala una ng hapon ang graduation at gaganapin iyon sa gymnasium.

Gaya ng suot niya noon nag-take siya ng test sa principal's office, nag-mask siya at hood. Ayaw niyang mabigla ang mga kaklase niya dahil ang distributin ng toga ay sa mismong classroom nila.

"Congrats, Czarina!" bati ni Fe. Ito ang unang nakapansin sa kanya pagpasok sa classroom.

Kahit hindi nito nakikita ay ngumiti pa rin siya rito. "Salamat."

"Halika, Czarina," wika ni Miss Escuadro. Ito ang kanilang class adviser. Tiningnan nito ang buong klase. "Alam kong marami kayong sasabihin kay Czarina dahil palagi kayong nagtatanong sa akin tungkol sa kanya."

Nakatingin ang lahat sa kanya. Block sectioning sila kaya ni minsan hindi sila naghiwa-hiwalay. Apat na taon rin niyang kasama ang mga ito.

"Okay lang ako, promise!" wika niya.

"Sorry, Czarina. Nagbibiro lang ako noon!" wika ni Joseph. Sinuntok naman ito ng katabi na tila sinisi kung bakit pa nito sinabi iyon noong nakaraan.

"Wala na iyon. Nakaganti naman ako sa iyo," sagot niya na ikinatawa ng buong klase.

"Saka proud kami sa iyo. Hindi mo kami pinabayaang bumagsak tuwing may group projects," wika ni Neneng.

Ngumiti siya. "Ginawa ko lang din naman iyon para magkaroon ako ng magandang score. Kaya pasensya na kung minsan ginagawa ko ang parte ninyo kahit alam kong kaya n'yo naman. Nagkataon lang talaga na hindi ninyo magawa ang parte n'yo."

"Ang bait mo pa, Czarina. Pero sana magbayad si Meriam at ang mga kaibigan niya sa ginawa nila sa iyo," saad ni Jordan.

Hindi maipagkakailang may dumaang galit sa mga mata niya nang maalala ang mga mukha nina Meriam at Gavin. Sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga ito. Kahit abutin pa ng ilang taon, ayos lang sa kanya dahil hahanapin niya at guguluhin niya ang buhay ng mga ito.

Kinurap niya ang mga mata at ngumiti. "Karma na lang ang bahala sa kanila." Karma na siya ang gagawa. Sisiguraduhin niyang wala na ring mga mukhang ihaharap ang mga ito sa publiko.

Kinabukasan, maaga siyang naghanda para sa kanilang graduation. Binigyan siya ng papa niya ng isandaan at limampung piso para daw sa make-up. Pero hindi siya pumunta sa kakilala nilang bakla. Itinago na lamang niya ang pera. Hindi rin makakadalo ang papa niya dahil matutulog ito. Puyat ito sa duty kagabi. Gayundin ang Tita Victoria niya. Mas okay sa kanya ang naging desisyon ng mga ito. At least, magiging komportable siya. Nagsuot muna siya ng facemask bago lumabas ng bahay. Sa eskwelahan na lang siya magbibihis.

Marami na ang mga estudyante nang makarating siya sa gymnasium. Abala ang iba sa pagkuha ng mga litrato. Napangiti siya nang mapakla. Mukhang wala siyang remembrance sa okasyon ngayon. Ayos lang, hindi naman kaaya-aya ang mukha niya.

Twisted Hearts ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon