PAUWI NA sana siya sa condo nang makatanggap siya ng text message galing sa isang unregistered number. Napakunot ang noo niyang binuksan iyon.
[Can we meet at a café nearby Mendez Corp.? This is Meriam.]
Tumaas ang isang kilay niya. Hindi ba ito natuloy sa lakad kasama si Gavin. Napangisi siya. Well, she did warn her man. Agad siyang nagtipa.
[I'll be there in five.]
Hindi naman siya nahirapang tuntunin ang naturang café. Itinulak niya ang glass door at tumunog ang windchime na nakasabit sa itaas ng pinto.
Nilibot niya ang paningin at naagaw ang kanyang pansin sa isang kumakaway na babae. Ngumiti siya at naglakad papunta doon. Umupo siya sa harap ni Meriam.
"So, what's up?" wika niya.
Tinanggap niya ang mango shake na ibinigay sa kanya ng waiter na agad namang umalis.
"Sorry... Ako na ang nag-order para sa iyo," wika nito at ngumiti.
Tiningnan niya ang baso. "I don't like mango but it's okay." Hinawakan niya ito at itinabi. "So, may gusto ka bang sabihin?"
Natawa ito at inirapan siya. "Quit being an angel, bitch. I knew you don't have an amnesia."
Napakunot ang noo niya at tumawa. Kinuha niya ang cellphone at nag-text.
[Execute the first plan, please.]
At ibinalik na iyon sa bag niya. Kumalumbaba siya at ipinatong ang siko sa mesa. "What are you talking about, Meriam? Why would I even pretend that I don't have the amnesia?"
Sumandal ito sa upuan at ikinuros ang dalawang braso sa dibdib. Pinilig nito ang ulo. "Why don't you try answering that yourself?"
"Hmm, it can be," she made a face, "but it's not worth my time actually."
"If you're here for revenge, then it's really worth your time. Let me tell you what happened twelve years ago..."
Ngumiti siya. "Go on, please," wika niya at pinagsalikop ang mga palad.
Uminom muna ito ng juice at maingat na inilapag ang baso sa mesa. "I splashed acid on your face. Then you asked for two million for a settlement. By giving you the amount of money, you called it quits."
Nawala ang mga ngiti niya. Tinitigan niya ito at siningkit ang mga mata. "Lies," matigas niyang sabi. Her nerves were shaking so bad she wanted to pull her eyes out of their sockets.
Meriam laughed hysterically while pointing at her. "You should have seen yourself."
She inhaled slowly and smiled. Sumusobra na ang babaeng ito. "Well, I don't believe I would ask two million pesos for settlement, if ever that would actually happen, Meriam."
Napakurap siya nang hampasin nito ang mesa. Nawala ang tawa nito at pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Stop pretending, Czarina! Kahit kailan hindi bagay sa iyo ang magsinungaling. Are you after Jason? To snatch him away from me? Why did you visit my old friends?"
"One question at a time, Meriam. Napaghahalataan kang naaapektuhan kita." Tiningnan niya ang kanyang mango shake na may mga butil na ng tubig sa labas ng baso dahil sa lamig. She ran her thumb through them. Dama niya ang lamig habang pinipisa ang mga butil. Tiningnan niya si Meriam na nakatingin din sa ginagawa niya. Napangisi siya. "I don't plan on seducing Jason. That pathetic guy's in love with you. And for old acquaintances," pinagsalubong niya ang kilay, "you mean your minions namely Ella, Rhia and others?"
"Hinding-hindi mo ako matatalo, Czarina. I'm born winner, beautiful and rich. Bark all you want for I will be a sturdy tree looking down at you while I'm on the peak of my success."

BINABASA MO ANG
Twisted Hearts ?
Romance"How can you love when all you know is hate?" Simple lang ang pangarap ni Czarina Quezon dati noong high school-ang maging isang mabuting asawa at ina sa kanyang magiging pamilya. Hindi niya kasi naranasan ang magkaroon ng tumatayong ina dahil simul...