抖阴社区

Kabanata 25

198 9 0
                                    

SA GYMNASIUM ng eskwelahan ni Czarina noong high school daw gaganapin ang reception. Pinauna na niya si Pierce doon dahil susunod na lamang sila ni Gavin pagkatapos nilang mag-usap. Hindi naman ito umangal kahit pa wala itong kakilala.

"Thank you," wika niya. Nasa sasakyan siya ngayon ni Gavin. "Akala ko hindi mo na ako papansinin nang tuluyan."

"Anong gusto mong sabihin?" tanong nito.

"I just wanted to explain my side of story. N-Noong gabing iyon, pumunta si Jason sa unit ko. May dala siyang wine. Hindi ko sana siya papasukin pero nagpumilit. Isang baso lang iyong iniinom ko tapos bigla akong nahilo. Nawalan ako ng malay tapos paggising ko umaga na. Then Meriam sent me a photo of us na magkayakap sa kama. Walang nangyari sa amin, Gavin. Kung mayroon man, hindi ko ginusto iyon. Pero wala talaga! Promise!"

Nasapo niya ang noo. She didn't want to recall what happened. It was a nightmare. Nilingon niya si Gavin. Wala itong karea-reaksyon pero halos mamuti na ang mga kamay nito sa mahigpit na pagkakahawak sa manibela.

"G-Galit ka?" Gusto niyang batukan ang sarili sa itinanong niya. Hindi ba halata ha, Czarina? Napalunok siya at tumingin na lamang sa labas ng bintana.

"Seatbelt," anas nito at pinaandar na ang sasakyan.

Sinunod naman niya ito at hindi na nagsalita pa. Sampung minuto ang binyahe nila para marating ang eskwelahan. Linggo kaya walang mga estudyante. Hindi naman masyadong mainit pero pinagpapawisan pa rin siya.

Kinuha ni Gavin ang panyo sa bulsa nito at ibinigay nito iyon sa kanya. She muttered thanks before using it. She dabbed the handkerchief carefully on her face and neck. Napapikit siya dahil nanunuot sa ilong niya ang pabangong ginamit nito. Bumuntong-hininga siya. She missed him even more.

Pagtapak nila sa entrance ng gym ay biglang dumilim ang paligid. Kahit isang sinag ng araw ay hindi nakapasok sa loob. Awtomatikong napakapit siya sa braso ni Gavin. She gasped when she heard the glass door behind them closed on its own.

"Gavin..." wika niya.

"It's okay," bulong nito.

Marahan siyang napapikit nang may isang spotlight ang nakatutok sa kanila. Nang magmulat muli ng mga mata ay saka pa niya napansin na may red carpet ang dadaanan nila.

Wow! Ang bongga pala ng reception ng apo ni Ma'am Guanzon! Mas lalo siyang napahanga nang nagsimulang umilaw ang mga artificial candle na dala ng mga guest. It was like a bunch of fireflies flying under the night sky. The spotlight moved forward kaya sinundan nila iyon. Nang magsimula na silang maglakad, nagsimula na ring pumailanlang ang malamyos na musika.

Napangiti siya. "Ang ganda," bulong niya. Naramdaman niyang inilipat ni Gavin ang kamay niya mula sa braso nito patungo sa kamay nito. She felt cold sweat on his palms. Pinisil niya iyon. "Are you okay? Nasa akin pa ang panyo mo. Pinagpapawisan ka," wika niya.

Tumikhim ito at pinisil rin ang kamay niya. "I'm okay. J-Just a little nervous."

Natawa siya nang mahina. "Hindi ko nga rin expect 'to, eh! Ang daming pakulo ni Ma'am Guanzon."

Hindi na ito sumagot. Ilang minuto pa ay huminto na ito. Nilingon niya ang paligid. Madilim pa rin at tanging mga maliliit na ilaw lang ang tila lumulutang sa ere. Tantiya niya'y nasa harap na sila.

"Anong next?" wika niya. Hindi naman siya na-brief kung ano ang susunod na gagawin.

Binitawan nito ang kamay niya at hinawakan ang magkabilang-balikat niya. Humarap siya rito at tiningnan niya ito nang may pagtatanong sa mga mata. Ano bang nangyayari?

Napakunot ang noo niya nang unti-unti itong ngumiti. Tinitigan siya nito. She can't help but to admire his visuals. Kahit may kaunting butil ng pawis ang noo, hindi pa rin ito nakakabawas sa kagwapuhan nito. Napangiti na rin siya nang makita niya ang sariling repleksyon sa mga mata nito. She saw admiration in them. There was a glint of nervousness, too. Mukhang totoo yata ang sinabi nito kanina.

Twisted Hearts ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon