抖阴社区

Chapter Five

22.7K 976 156
                                    

Dedicated to:
Eriseraser

· · ─ ·𖥸· ─ · ·

"Damn it. Damn it. Damn it."

Sabi ko sa sarili habang kanina pa palakad-lakad sa loob ng pansamantalang opisina ko sa hospital.

I groaned as I helplessly sat down on my office chair.

Nang kumalma na ako sa kadramahan ko kanina, doon nagsitampulan ang hiyang nararamdaman ko. I looked at him for a minute before leaving, and he still seriously staring at me. Ni hindi nga gumagalaw 'yon sa posisyon niya, tanging ang mga daliri niya lang na para bang pinupunasan niya ang mga luha ko kahit na may salaming nakaharang sa amin. Dahil sa sobrang hiyang naramdaman ko, agad ko na lang siya tinalikuran at lumakad paalis.

Narinig ko naman ang system sa hospital na nagsasabi ng oras na muling bumalik sa trabaho dahil tapos na ang tanghalian, kaya dumako ang mga tingin ko sa orasan sa opisina. Halos mapamura pa ako dahil oras na pala ng session namin. Napahilamos na lang ako ng mukha at pilit na pinapakalma ang sarili dahil sa lakas ng tibok ng puso ko.

Now what?

Paano ko siya haharapin? Baka mamaya ay mas pagtripan lamang ako no'n dahil sa nangyare. At bakit ba kasi doon ako napunta in the first place?

"I'm going crazy." Bulong ko sa sarili habang dinadama ang pagbilis ng tibok ng puso.

Am I--- no no no, there's no way in hell na may nararamdaman na ako sa lalakeng 'yon.

Baka dahil lang 'to sa hiyang nararamdaman ko at 'yong bilis ng paglakad ko paalis kanina...?

Right, who am I kidding? Kaninang umaga pa 'yon at wala na ako ginawa sa mga natirang oras kung hindi ang magkulong dito sa loob ng opisina nang makabili ako ng almusal ko.

Sa sobrang pag-iisip ko sa nangyare kanina hindi ko na rin namalayan ang oras at hindi na ako nakapagtanghalian.

So maybe the reason for this raging heartbeat is just my nervousness about meeting--- Wait, why am I even nervous on meeting that guy?

Napatingin ulit ako sa orasan at sinimangutan iyon. Wala na ngang progress sa session namin, hindi pa ako aattend, edi mas lalong walang mangyayare niyan.

I sighed defeatedly and stood up.

"Dr. Elli." Bungad sa akin ni Dr. Della pagbukas na pagbukas ko ng pintuan.

Agad naman akong napahawak sa puso dahil sa gulat at hindi inakala na may mas bibilis pa ang tibok nito. Jusme, hindi magtatagal aatakihin ako sa hospital na 'to panigurado.

"Dr. Della." I greeted. "May kailangan po ba kayo?"

She looked at her wrist watch before turning her gaze at me again. "Do you have time to talk? O baka nakakaistorbo ako sa oras mo? Hindi ba session niyo na ni Cypher?"

I looked at her for a moment then suddenly remembered what happened in the pharmacy storage.

Napailing naman ako. "Papunta na sana ako doon ngayon but I have time, Doc. Come in." Sabi ko sabay niluwagan ang pintuan.

Nagpasalamat pa siya bago pumasok. Naupo siya sa sofa at ako naman ay sa katapat nito. Ilang segundo na ang lumipas at hindi pa rin siya nagsasalita na medyo nagpa-tense sa akin. Nanatili lang ang tingin niya sa paligid ng opisina ko.

I clasped my hands on my lap. "Do you want something to drink?" I asked to break the silence.

Umiling naman siya tsaka ako tinignan. She smiled like how she usually do. "No thank you. Hindi naman ako magtatagal."

Crazy BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon