抖阴社区

Chapter 2

20 2 8
                                    

Maybe In This Lifetime
isinulat ni DelonixRegia15

Chapter 2

Magkakahalating oras na akong nandito sa harapan ng bar tender. Nakaupo at patikim-tikim lang ng beer. Hindi ako pwede malasing, wala naman ibang magmamaneho pauwi kundi ako lang.

Nabo-boring na ako. Guso ko na talaga iwanan 'to si Fritz kung hindi lang ako naaawa sa taong ito.

Pinag-initan na naman kasi ng tatay niya. Kaya heto, naglalabas na naman ng sama ng loob. Damay pa ko.

Pinagmamasdan ko lang ang mga nagsasayawan sa gitna. Ganito siguro kasaya ang buhay kung wala kang problema. Para kasing ang saya-saya nilang lahat. Including Fritz na ngayon ay kung sino-sino na lang ang dinidikitang babae. Hindi malabong may maikama na naman ito mamaya sa vip room.

"Hey! Lerick, right?" Napalingon ako sa babaeng biglang tumabi sa 'kin.

Oo, maganda siya. Korteng-korte ang katawan niya sa black na dress na suot niya. Pero, wala akong pakialam.

Uminom lang ako ulit ng beer at hindi pinansin ang babae na 'yon.

Kaso, naramdaman ko na dumikit pa siya sa 'kin nang kaunti. Ramdam ko ang dibdib niya na alam ko sinasadyang idikit sa braso ko. Inilayo ko agad ang sarili ko. Nagkunwari akong may tatawagan pero bigla niya akong hinawakan sa braso para pigilan.

"Friend ako ni Fritz, and he told me na samahan ka, don't panic," sabi niya na natatawa.

Wala akong pakialam. Ayoko pa rin nang may kasamang iba. De bale nang ma-boring kaysa lumandi ako sa iba. Pakiramdam ko kasi, ang simpleng pagdikit ng kamay niya sa katawan ko ay napakalaking kasalanan na. Pakiramdam ko nagtataksil na ako sa gano'n.

Inalis ko agad ang kamay niya at saka tuluyan nang lumabas. Tumambay na lang ako sa harapan ng kotse. Medyo may tama na rin kasi ako pero alam ko sa sarili ko na kakayanin ko pa namang mag-drive.

It's already 2 AM nang matapos nang magliwaliw si Fritz. Hinatid siya sa akin ng babaeng hindi ko rin kilala.

Lasing na lasing ang gago. Nagpatulong ako sa babae na ipasok sa backseat si Fritz dahil hindi ko talaga nang mag-isa.

Bago pa kami makaalis ay nakita ko pa ang babae na kumindat sa 'kin. Bakit ba parang habulin ako ng mga babaeng malalandi?

Habang na sa byahe kami, naririnig ko pang bumubulong-bulong si Fritz sabay biglang sisigaw at magmumura. Puro pangalan ng tatay niya ang naririnig ko. Hindi ito ang unang beses kaya sanay na rin ako.

Dahil magaan ang daloy ng trapik, nakarating kami sa village nang mag-aalas-tres pa lang. Mabuti na lang talaga at gising pa 'yong mga maid sa bahay.

Dito ko muna pagpapalipasin ng gabi itong si Fritz. Para yari siya bukas sa ate niya.

Pinagtulungan naming dalhin si Fritz sa loob. Sa bakanteng kwarte namin siya dinala. Sakto namang tulog na rin si ate Ayena kaya nagpapasalamat ako dahil walang sermon na matatanggap ngayon.

"Ako na po bahala," sabi ko kay aling Puring.

Tinanggal ko na ang sapatos ni Fritz. Nakakapikon kasi sa tuwing maglalasing siya e parang ako ang yaya niya.

Maybe In This LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon