Maybe In This Lifetimeisinulat ni DelonixRegia15
Chapter 7
Hindi ako mapakali nang makabalik na ako sa bahay. Walang oras na hindi ko tinatawagan si Merry, nakailang beses na rin akong nag-open ng facebook pero hindi ko rin siya ma-message doon. Naka-block ako. Ganyan siya palagi kapag matindi ang pinagtalunan namin.
Nakahiga lang ako sa kama, ang likot-likot ko. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko 'yong sumundo kay Merry kanina. Para akong babaliwin sa sobrang curious at selos. Nagseselos ako, oo. At masakit 'yon. Sa gitna ng pagtatalo namin, mas pinili niyang iwan ako at sumama roon sa hindi ko kilala. Lagi niya naman 'tong ginagawa sa tuwing nag-aaway kami, pero iba na ngayon, ibang-iba na. Habang tumatagal, pasakit nang pasakit at palala nang palala.
Uminom na naman ako ng tubig. Ramdam ko na naman kasi na parang umiinit o naninikip 'yong dibdib ko. Puro overthinking na lang 'yong ginawa ko.
Hindi na ako nakatiis. Nag-open uli ako ng facebook. Tatanungin ko si Xandria. Sigurado akong may alam siya. Close sila ni Merry mula pa nung baguhan pa lang sila ro'n sa kumpanya nila.
Xandria Lopez (active now)
Lerick
Xandria
Xandria
Uy, bakit?
Lerick
Sorry sa abala pero desperado na talaga ako. Hindi ako matahimik. Gusto ko ng sagot, baka may alam ka.
Xandria
Alam sa?
May problema na naman ba kayo ni Merry?
Lerick
Lagi naman haha!
Pero, gusto ko lang sana malaman kung may umaaligid ba kay Merry sa trabaho ninyo?
Sorry kung inaabala kita, kung tutuusin wala ka namang kinalaman dito, pero ikaw na lang talaga makakatulong sakin para mawala tong mga iniisip ko.
Xandria
Okay lang naman.
Pero, wala naman akong nakikitang pumuporma sa kanya.
Bakit?
Lerick
May sumundo kasi sa kanya kanina sa harapan ko mismo. Mukhang mayaman, e.
Sige salamat.
Pasensya na.
Xandria
Ayos lang.
Kapag may nalaman ako, sasabihan kita promise.
Loka-loka 'yang babae na 'yan, e.
Lerick
Okay, thank you.
Lalo lang akong naguluhan. Kung wala palang alam si Xandria, sino ba talaga 'yong gagong tao na 'yon. Nakakabaliw na.
