抖阴社区

Chapter 3

13 1 4
                                    

Maybe In This Lifetime
isinulat ni DelonixRegia15

Chapter 3

Sinundo namin ang kaibigan ni ate Ayena sa isang charity event. May pinuntahan kaming isang resort sa Cavite. Pagkatapos no'n ay gumala-gala muna kami sa mall. Namili sila ng kung ano. Basta marami. Gano'n naman ang ibang babae kapag may pera, shopping dito shopping doon. At palagay ko ayos lang din naman 'yon para sa mga katulad ni ate Ayena na sobrang stress sa kumpanya nila. Hindi ko pa rin alam kung ano na talaga ang nangyari sa kanila ng boyfriend niya. Pakiramdam ko iyon ang dahilan kung bakit siya naka-leave ngayon.

Buong araw na magkasama si Ate at ang kaibigan niya. Ang daldal nila sa back seat habang ako e abala lang sa pagmamaneho. Nakakatuwa dahil ngayon ko na lang ulit nakita si ate na sobrang saya at napakadaldal. Madalas kasi ay seryoso na siya. Magbibiro lang 'yan minsan tapos madalas pa sa joke niya, hindi nakakatawa.

Heather pala ang pangalan ng kaibigan niya. Sa lahat ng kaibigan ni ate nakita ko na at sumakay na sasakyang 'to, itong si Heather lang talaga ang medyo madaldal. Minsan nga iniisip ko na talagang mayaman ba 'to? Bakit parang ang gaslaw niya kumilos at parang hindi babae? Hayaan na nga.

"Oh, paano, Lerick ihatid mo siya sa kanila ah," sabi ni ate pagbaba niya sa mismong harapan ng kumpanya nila. May emergency kasi at kinailangan pa talagang niyang magpunta sa kumpanya kahit pa naka-leave siya. Siya kasi ang Presidente ng kumpanya ng mga Fabrigas, kaya kahit pahinga na lang, itatrabaho niya pa.

Pinaandar ko na muli ang kotse. Tahimik lang ang kaibigan ni ate sa likod habang magseselpon. Tapos biglang tatawa. Tapos mamaya tatahimik na naman.

Nang aksidente kong hindi napigilan ang tawa ko, napatingin siya sa 'kin.

"What's wrong?" tanong niya nang mapahinto siya sa ginagawa.

Binawi ko agad ang ngiti ko.

"Wala po, Ma'am may naalala lang ako," sagot ko.

Hindi na siya sumagot pa.

Naalala ko kasi si Merry noong bago pa lang kami. Kapag nanonood siya sa Youtube ng mga paborito niyang vlogger, puro tawa ang ginawa niya. Habang ako, pinagmamasdan lang siya. Sobrang nami-miss ko na ang mga gano'ng araw namin.

Alas-singko na ng hapon nang maihatid ko si Maam Heather sa subdivision nila. Balita ko, kapag wala ka raw 300 million pesos, hindi ka makakatira dito. Ibig sabihin, mayayaman lang talaga ang may karapatang manirahan sa ganitong lugar.

Ibinaba ko na siya sa tapat ng bahay niya. Napakalaki ng bahay. Hindi na nakapagtataka na madalas na pasimuno ng charity event itong si Ma'am Heather. Nakakahanga dahil binabahagi niya ang yaman niya sa ibang tao.

May mga lumabas na maid na tumulong sa 'kin para ibaba ang mga pinamili ni Ma'am Heather. Tulad ng mga maid namin sa bahay, ang babait din ng mga ito. Tunay nga siguro ang kasabihan na kapag mabait ang amo, mabait din ang mga alaga.

"Coffee or juice? Pasok ka muna sa loob, tara! Mag-meryenda tayo," pag-imbita ni Ma'am Heather sa 'kin.

Nagawa niya pa talagang mag-imbita matapos niya akong bigyan ng tip? Nakakahiya naman kung tatanggihan ko pero mas nakakahiya rin naman kung tatanggapin ko. Nagdahilan na lang ako.

"Salamat po, Ma'am. Pero, kailangan ko na po kasing umuwi, baka ma-trapik din po kasi ako at hindi maabutan si ate mamaya," sabi ko.

Tumango lang siya. Alam naman niya kung gaano ka-trapik ngayon. Kanina nga, kulang na lang magtayo kami ng tent sa gitna ng kalsada at mag-camping. Wala kasing usad-usad.

Maybe In This LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon