Nang mapadako ang tingin ko sa selpon niya, si Merry agad ang naisip ko.
Dinampot ko ang selpon ni Fritz para sana maki-online at ma-i-chat si Merry pero may lock. Sayang.
Nakaramdam na naman ako ng 'tang inang lungkot. Gusto ko na kasi makausap si Merry kahit sa chat lang. Bakit parang napakarami naman yatang hadlang. Badtrip na buhay 'to.
Lumabas ako ng kwarto na 'yon at nadatnan ko naman ang isa pang maid na si Doris. Hindi pa siya gano'n katandaan, siguro nasa 30 pataas pa lang 'to.
Kahit nakakahiya ay lumapit ako sa kanya at sinubukang makahiram ng selpon.
"Ate Doris, pwede po makihiram ng selpon n'yo?" tanong ko sa kanya.
Mabait naman ito si Doris kaya hindi siya nagdalawang isip. Walang maid na masungit at maarte rito. Sobrang ganda kasi ng pakikitungo ni ate Ayena sa lahat ng nandito. Pamilya na talaga ang turingan.
"Ah, bakit po pala gising pa kayo?" tanong ko habang nagta-type ng password sa facebook.
"Nag-text po kasi kanina si Sir Fritz, 'wag daw po muna kami matulog kasi baka walang magbukas ng gate, dito raw po kasi siya matutulog muna," dahilan ni ate Doris.
Napaka-insensitive talaga ng gagong 'yon. Hindi niya inisip na baka pagod 'tong mga maid tapos pinuyat niya. Pero kunsabagay, hindi naman kami makakapasok kung tulog na sila.
"Sir, kapag tapos n'yo po, bigay n'yo lang po sa 'kin sa kusina, maghihiwa lang po kami ng mga gulay."
Tumango lang ako.
Merry Santo Domingo | updated her profile picture 31 minutes ago
Siya agad ang bumungad aa newsfeed ko. Kahit medyo inaantok na ako ay talagang minulat ko ang mata ko. Ang ganda niya. Mukhang nag-e-enjoy siya sa picture. Sa nakikita ko, parang nasa swimming dila dahil naka-tube lang si Merry. Napangiti ako nang mabasa ko pa ang caption na;
"Thank you for making me smile."
Hindi na ako nagsayang ng oras, nagpunta kaagad ako sa chatlist ko kaso naka-offline na siya. Active 7 minutes ago.
Napabuntong-hininga na lang ako. Panibagong sayang para sa gabing ito.
Kaya nag-iwan na lang ako ng message sa kanya. Sure naman ako na mababasa ito ni Merry.
To Merry:
Hi love! I miss you. Ingat ka diyan. Ang ganda ng ngiti mo. Don't worry, lagi kitang pangingitiin. Iloveyou!Pagkatapos kong mag-message ay nagpunta ako sa timeline niya.
Wala pang gaanong post na mga pictures. Siguro masyado pa silang nag-e-enjoy kaya wala pang time para mag-upload.
Nang makapag-log out na sana ako ay binigay ko na rin kay ate Doris ang phone niya.
Hindi ko alam pero parang ang saya-saya ko. Kask kahit hindi kami nagkausap, kahit huli na naman ako ng dating, nakita ko pa rin na masaya siya. At mukhang nasa maayos naman siyang kalagayan. 'Yong saya sa puso ko, parang binawasan nito 'yong lahat ng sakit sa tuwing makakatanggap ako ng salita kay Merry. Ewan ko. Ang saya ko ngayon. Ang saya ko kahit pakiramdam ko may kulang.

Chapter 2
Magsimula sa umpisa