抖阴社区

                                    

"Okay, ingat ka sa pag-uwi," nakangiti niyang sabi.

Napangiti na lang din ako at saka pumasok na rin sa loob ng sasakyan.

Kumaway pa siya sa 'kin bago ako tuluyang umalis. Tinanguan ko lang siya bilang tugon. Sino ba naman ang magagawang baliwalain ang kaway na 'yon. Ang bait niya. Pareho sila ni ate.

Habang nasa byahe ako, hindi na ako nagsayang ng oras. Mamaya kasi ay baka hindi ko na matawagan si Merry kapag magkasama na kami ni ate.

Tinawagan ko si Merry. Nakakailang ring na ako pero walang sumagot. Nagpasya akong 'wag na muna kulitin dahil baka nag-eenjoy pa sila. Nagpadala na lang ako ng text sa kanya, siguro naman mababasa niya ito.

To Merry:
Enjoy, Love! Kapag may freetime ka please reply. Tatawag ako. Iloveyou!

Isang oras na ang nakalipas, nandito na ako sa harapan ng kumpanya nila ate. Mas maaga ako ng isang oras ngayon kaya naisipan ko na namang tawagan si Merry. Baka lang naman, baka sasagutin na niya this time dahil nakita kong nag-upload na siya ng picture sa facebook. Nasa isang room sila kasama raw ang mga kaibigan niya.

Nang sagutin na ni Merry tawag, kinabahan na naman ako. 'Yong kaba na parang 'yong kaba na naramdaman ko noong unang beses kaming nagkita. Ang saya. Sobra.

"Uy, Love! Kumusta diyan?" bungad ko sa kabilang linya.

May mga naririnig akong nag-uusap-usap. Siguro ay nasa inuman sila ngayon o kaya naman ay nasa pool. Ewan ko. Wala akong pakialam basta kausap ko siya ngayon.

"Okay naman," sagot niya.

"May sakit ka ba? Bakit ang tamlay mo yata?" tanong ko.

Sandali siyang natahimik. May mga naririnig pa rin ako nagtatawanan at hiyawan. Mukhang wrong timing ata ang tawag ko.

"Wala, pagod lang."

"Love, nag-leave ka pala pero bakit hindi mo man lang ako sinabihan?" medyo may tampo ang boses ko sa sinabi kong 'yon.

Wala naman akong intensyon na makipagtalo sa kanya ngayon. Gusto ko lang siyang kulitin dahil miss na miss ko na siya.

"Pwede ba? Ang kj mo, e. Ngayon lang ako makakapagsaya tapos gusto mo na namang may pagtalunan tayo? Lerick naman!"

Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses niya. Hindi naman na 'to bago sa 'kin dahil madalas na talagang nagagalit o naiirita siya kapag magkausap kami. Pero pakiramdam ko kasi ngayon may nagbago na talaga sa kanya. Hindi ko alam.

"Hindi! Hindi love! Hayaan mo na 'yon, sorry, gusto ko lanf makausap ka ngayon, miss na kita, e."

Para akong tanga na nangingiti habang palakad-lakad sa harapan ng kotse. Siguro kung may makakakita sa akin dito, iisiping ang saya-saya ng lovelife ko dahil sa lapad ng ngiti ko.

"Hay! Mamaya ka na tumawag—"

"Wait love! Ayaw mo ba ako kausap?" Heto na naman ang tanong na 'to. Ilang beses ko na ba 'tong sinabi? Hindi ko na yata mabilang. Sa tuwing magkausap kasi kami, lagi ko na lang nararamdaman na nakakatamad na akong kausapin.

"Stop! 'Yan ka na naman sa kadramahan mo, e! Nakakainis na! Hindi ba pwedeng lumayo muna ako para maging masaya naman ako sa buhay ko? Hindi ka nakakatulong! 'Tang ina!"

At doon na namatay ang tawag. Napasandal ako sa gilid ng kotse. 'Tang inang buhay 'to. Gusto ko lang naman na magkausap kami kahit paano. Pero, heto, 'tang ina sinira ko na naman ang pagkakataon. Napakainutil ko talaga. Badtrip.

"Tang inang buhay 'to!" sabi ko na lang sa sarili ko.

Bigla akong napaayos nang tayo nang mapansin kong nasa harapan ko na si ate Ayena. Napapailing siya sa 'kin. Alam ko na naman kung anong ibig sabihin ng mga tingin na 'yon. Naaawa na naman siya. Awa na ayaw na ayaw ko.

Maybe In This LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon