抖阴社区

                                    

Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Kahit madalas kaming magkaroon ng problema, never kong pinagdudahan si Merry. Alam ko, alam kong ako lang.

Bumangon na lang ako sa kama ko.

Gusto kong ma-distract, gusto kong makalimot kahit ngayong gabi lang.

Nagpalit ako ng damit, marumi na kasi 'yong suot ko kasi humiga ako kanina sa gutter, kung hindi pa ako nilapitan nung lalaki e baka matagal pa akong nakahiga ro'n.

Ite-text ko sana si Fritz at yayayain ko siyang mag-inom. Ito 'yong first time na ako ang nag-initiate ng pag-inom dahil madalas, siya naman itong nanggugulo rito para lang isama ako sa kung saan-saan.

Pero pagtingin ko sa phone ko, tumatawag si Kath. Medyo nagdadalawang isip akong sagutin 'yon dahil baka matunugan niyang hindi ako okay. Kilalang-kilala ako ni Kath kung ayos lang ba ako kahit sa simpleng pagsasalita ko lang. Pero, hindi ko naman pwedeng hindi sagutin 'yon dahil baka importante. Baka hinahanap na naman ako ni Papa.

"Hello, Kath, napatawag ka?" bungad ko sa kabilang linya.

"Kuyaaa!" Ang hyper niya yata ngayon. Marami na naman siguro 'tong nakain na chocolate.

"Oh? Ang saya mo yata? Anong meron?"

Pinilit ko na lang sabayan 'yong pagiging hyper niya.

"Kuya alam mo ba-"

"Di ko pa alam."

"Ehh! Patapusin mo muna ako!"

"Okay."

"Kuya alam mo ba 'yong prof namin naghahanap ng painting tapos sinubukan ko ipakita sa kanya 'yong mga dati mong gawa, tapos sabi niya, ang ganda raw ng mga gawa mo kuya, Gosh! Sabi niya bibilhin niya raw 'yong The Crying Mother mo kuya! Binigay ko 'yong number mo tatawag daw siya kapag hindi na siya busy, pinakita ko pa 'yong iba tapos nag-stalk siya sa 'yo sa IG tapos mayghad! Susubukan niya raw ipakita sa mga kaibigan niya 'yong mga gawa mo! Kuyaaa!"

Dahil sa sinabi niya, napabalik ako sa kama. Ramdam na ramdam ko 'yong excitement sa boses ni Kath. Pero dahil din sa sinabi niya, bumalik na naman 'yong nangyari 5 years ago. 'Yong pangyayari na naging dahilan kung bakit iniwan ko ang pagpipinta.


Excited ako para sa isang exhibit sa PICC. Talagang matagal ko nang pangarap na mapasama sa isang bigating exhibit dito sa Pilipinas.

May mga darating kasing mga bigating artist doon. Nandon 'yong idol ko na si Melissa Red, isang bihasang pintor na taga-America. Siya talaga 'yong inspirasyon ko kung bakit ko pinasok ang pagpipinta nung high school pa lang ako.

Napakaswerte ko kasi nabigyan ako ng opportunity ng university namin na mapasama sa exhibit na 'yon, hindi sa pagmamayabang pero, ako kasi ang tinuturing nilang pinakamahusay sa pagpe-paint. Ako rin ang gumawa ng mga pinta sa ilang pader sa univ namin.

Hindi lilipas ang linggo na walang perang darating sa 'kin. Lagi kasing may bumibili ng mga painting ko. Ang bilis-bilis lang maubos dahil bukod sa maganda talaga, mas mura kumpara sa ibang painting.

"Ano kuya? Ready ka na ba?" tanong sa 'kin ni Kath. 'Yong mukha niya, parang siya pa 'yong mas excited. Nakakatuwa lang dahil napaka-supportive niya sa passion ko. Kahit na walang kinalaman 'to sa course na kinuha ko, nararamdaman ko ang suporta niya, lalo na si Papa.

"Ready na ako!" sabi ko at nagpakita pa ko ng kamao.

"De bale kuya! Kahit wala si Papa ngayon, ibabalita ko agad sa kanya na 'yong napakapogi niyang anak ay haharap sa mga bigtime na tao kasama ang mga obra niya, naks!" Ginulo ko 'yong buhok niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

? Huling update: Jun 02, 2020 ?

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe In This LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon