抖阴社区

                                    

Nang makalabas sa hotel agad akong natigilan sa pagtakbo. Tinanaw ko ang balkonahe ng unit ko mula sa aking kinatatayuan. Parang ilang segundo lang ay naroroon pa ako. Bumaling ang tingin ko sa hawak na jacket.

Ano na ngayon ang gagawin ko? Hindi ko naman maaatim na bumalik sa aking unit at magpanggap na walang nakita.

Bakit ba kasi siya nariyan? Hindi ba siya nakakaramdam ng lamig? Siya itong nagsabi na baka magkasakit ako kung nanatili ako dito kanina sa labas pero hindi niya naisip na baka siya naman ang magkasakit.

Ano bang pakialam ko sa kaniya at sa gusto niyang gawin? Ako na nga mismo itong nagsabi na hindi naman kami magkakilala pero anong ginagawa ko rito?

Pero andito na ako. Sayang naman ang effort ko sa pagtakbo kung uurong pa ako.

But what if he doesn't accept and says he's used to the cold? My other side said.

Ano naman ngayon kung hindi niya tanggapin? Hindi naman kawalan sa akin kung hindi niya man tanggapin. Bahala siyang magkasakit, meron naman sigurong mag-aalaga sa kaniya.

I shook, realizing that I looked crazy here admiring someone from afar. Why do I have to debate with myself if I can just give it to him and leave? Minsan hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

I take a deep breath and starting to walk towards him. Sa kabila ng kaba ay hindi ko nararamdaman ang pagiging abnormal ng puso ko. Nakakapagtakang hindi ito nagaalburuto gayong papalapit ako sa kaniya. Akala ko'y nasanay na akong makita siya kaya hindi bumilis ang tibok ko kanina pero nang makalapit sa kaniya at maramdaman ang kaniyang presensya ay nasapo ko aang aking dibdib nang magsimula itong dumagundong.

Isang hakbang na lang ay tuluyan na akong makakalapit sa kaniya. Parang gusto ng kumawala ng puso ko mula sa aking katawan dahil sa lakas ng tambol nito, triple yata sa normal na pintig nito. Sunod-sunod akong humugot ng hininga hindi alam kung ano ang sunod na gagawin.

Napatalon ako at mahinang napasigaw ng bumaling siya sa akin na agad namang nagpasilay sa kaniyang mga ngiti. A simple smile revealing just another one of his perfections – gleaming white teeth.

He lightly pointed his index finger at my forehead.

"Ano bang ginagawa mo?" tanong ko, mahinang tinabig ang kamay niya.

"Just making sure if you're really here," he says, and went back to where he was sitting earlier.

"Are you drunk?" I followed him and sit right next to his bottle.

He shook and faced me.

"Why are you here?" tanong niya, sumulyap sa jacket na hawak ko.

Hindi ko alam kung paano ito iaabot sa kaniya, hindi ko rin alam ang sasabihin o kung may dapat ba akong sabihin kaya nilahad ko na lang ito sa mismong mukha niya.

"Ano 'yan?" he mumbled.

"Jacket siguro," sarkastikong sagot ko.

"Para saan?" he added.

Seriously? Alam niya bang kanina pa nag-iiniit ang mukha ko. At tsaka pwede bang tanggapin niya na lang at huwag ng magtanong.

"For humanity." I said seriously.

"Humanity huh!" he says teasingly.

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa amin. Bukod sa aming hininga ay tanging ang ingay ng isang grupo ng mga tursita mula sa 'di kalayuan ang aming naririnig. Humupa na rin ang nagwawala sa loob ng dibdib ko. Pero ang katotohanan na nakatabi ko siya rito sa dalampasigan sa ilalim ng bilog na buwan ay tila hindi na maalis pa sa isip ko.

The Outset [ON-GOING]Where stories live. Discover now