Chapter Three - Pintig
Our heart is usually beating about 60 to 100 times per minute. It's normal for our heart to flutter briefly during times of excitement, and these are called heart palpitations. There are different reasons why our heart beats more than usual. Sometimes our heart suddenly beats faster because of fear, or because we have done something wrong that we don't know how to correct, but most of the time... It is because we are in love without even realizing it.
Marahang haplos sa pisngi ang gumising sa akin ng umagang iyon. Even though my eyes are still closed, I already know that her lips are curved into a beautiful and glorious smile.
"Gising na Leanna, mataas na ang sikat ng araw," her voice's pulling me back to sleep. I slowly opened my drowsy eyes, feeling disappointed.
"Pwedeng five minutes pa, I'm still sleepy Ona," simpleng pagmamakaawa ko.
"Bumangon ka na riyan apo. Hindi ka ba nagugutom?" tanong niya, hinila ang comforter na nakabalot sa buong katawan ko at bahagyang pinalo sa hita.
"Ano ba ang ginawa mo buong maghapon kahapon at tila pagod na pagod ka? Hindi ka na nakakain ng hapunan, pinasundo kita sa Ate Betty mo pero hindi ka niya kasama nang bumalik siya, sabi niya iniwan mo siya sa labas ng elevator," mahabang paliwanag niya.
Sinuot ko ang tsinelas na inilagay niya sa tapat ko and went straight to the bathroom. "I'm sorry Ona. Napagod lang po ako, nasa kusina po ako buong maghapon kasama si Chef Tina," sagot ko habang binubuksan ang kahon ng toothpaste.
"Kahit na apo, huwag mong sanayin ang sarili mo ng hindi kumakain bago matulog."
Mapait akong napangiti sa sinabing iyon ni Ona, It reminds me of what my mom said when I was five. She said that, all the kitchen utensils would follow me if I didn't eat before going to bed. I shook my head and continue brushing my teeth.
"Matagal ka pa ba, hija?" sigaw ni Ona.
"Tapos na po Ona," I briefly looked at my reflection in the mirror and quickly reached the towel.
Naghihintay sa lobby ng hotel si Ate Betty nang makababa kami ni Ona. Nginitian ko lang ito bago nagpatuloy sa paglalakad. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong nagtataka silang dalawa ni Ona sa inasal ko... at ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad. Paano ko ba kasi ipapaliwanag ang nangyari kagabi? Sariwa pa sa isipan ko ang mga iyon. Umiling-iling ako at pilit inalis sa isip ang mga iyon bago pumasok sa resto.
Katabi kong kumakain si Ate Betty habang si Ona ay nasa kabilang mesa may kausap na mag-asawa. Tanging ang tunog ng mga kutsara at tinidor ang namutawi sa pagitan namin ni Ate Betty. Sa tuwing susubo ako ay napapansin ko na panay ang sulyap niya sa akin. Binaba ko ang kutsara at tinidor tsaka tinuon ang buong paningin sa kaniya.
"Okay Ate Betty, spill it. What do you want to say?" nag-aalinlangang tanong ko, gustong bawiin ang sinabi.
"Anong nangyari kahapon!? Bakit bigla ka na lang tumakbo, bakit mo ako tinakbuhan Leanna!? Alam ko naman na hindi ka na bata, sana sinabi mo na hindi mo na gustong hinahatid pa kita sa kwarto mo," tango lang ako ng tango habang sinasabayan lahat ng sinasabi niya.
"At alam mo bang sinundan kita, kaso pagpasok ko sa unit mo tulog ka na. Hindi ka man lang nakakain ng hapunan, at alam mo rin bang hinintay ka ng lola mo kasi gusto niya sabay kayong maghahapunan. At isa pa..." putol niya, kinakapos ng hininga dahil sa sunod-sunod na pagsasalita.
Inabot niya muna ang baso tsaka lumagok ng isang beses bago humugot ng isang malalim na hininga at nagpatuloy sa pagsasalita.
I grinned. Naaaliw sa kaniya.
