"Are you alone?" basag ko sa katahimikan. Kanina pa ito tumatakbo sa isip ko kaya tinanong ko na habang may pagkakataon pa.
"I'm with you," he said after drinking his beer.
I take a deep breath, preventing myself from being annoyed.
"I mean, did you come here alone? Wala ka bang kasamang pamilya mo o kaya ay kaibigan?"
He turned around and pointed at a group of young people.
"Those are my friends," he says, sounding drowsy before his head falls on my thigh.
Hinayaan ko siyang makatulog doon ng halos isang minute dahil sa pag-aakala ko ay magigising din siya pero limang minuto na ang nakakalipas ay tulog pa rin siya at malalim ang bawat paghinga. Ayoko namang gumalaw dahil baka magising siya na parang malabong mangyari dahil lasing na lasing, sobrang dami kasing bote ng alak dito lahat wala ng laman, paniguradong siya lang ang uminon dahil bago ako dumating ay mag-isa lang siya dito. Hindi ko naman siya sinabayang uminom nang dumating ako.
Sa takot na maabutan ng liwanag hindi na ako nagdalawang isip na tumayo, dahan dahan kong hinubad ang jacket ko na suot niya at doon pansamantalang pinatong ang kaniyang ulo. Hindi ko siya kayang buhatin ng mag-isa kaya pinuntahan ko ang mga kaibigan niya. Good thing that I asked him about her friends.
"Hi excuse me, I think it's your friend that I saw there at the shore sleeping." Ngumiti ako at tinuro kung saan ang pwesto ng kaibigan nila.
"Really miss?" tanong ng isang, sa tingin ko ay bakla base sa boses at kaniyang pananamit.
"Yes, he's just nearby. You'll see him immediately."
Lahat sila ay lumabas sa kubo at sumulyap sa tinuro ko. Ayaw pa yatang maniwala.
"Just go and you all will see him. Believe me."
Dahan-dahan akong umatras tsaka naglakad papalayo. Isang beses ko silang nilingon at lahat sila ay nakatingin sa akin. Lumalay ang balikat ko at naglakad pabalik.
"Ayaw niyong maniwala? Sasamahan ko na lang kayo."
Ayoko na sanang makita niya ako, baka kung ano pa kasi ang isipin niya. Mas gusto kong isipin niya na iniwan ko siya doon at nagkataon naman na hinahanap siya ng mga kaibigan niya. Pero masyado siyang nalasing, posibleng wala siyang maalala sa nangyari. Naisip ko 'yong jacket na pinahiram ko sa kaniya. Kung sakali ngang wala siyang maalala, paano niya 'yon ibabalik sa 'kin?
Umiling ako. Hindi bale na, kahit hindi na niya ibalik.
Inalalayan siya ng dalawa niyang kaibigan para makatayo at makalakad. Nang masilayan ng liwanag ang kaniyang mukha ay nakita ko ang pamumula nito. Nilapitan siya ng kasama nilang babae at inihiga siya nito sa mahabang upuan na kahoy sa loob ng kubo. Nakaramdam ako ng pagka-ilang at kaagad na umiwas ng tingin ng tabihan siya nito at yakapin.
Akmang maglalakad na papalayo nang mayroong humawak sa braso ko. Isa sa mga lalaking umalalay sa kaniya kanina.
"Thank you," he smiles.
I returned his smile and turned to leave, but he spoke again.
"I'm Celrich by the way," he held out his hand and smiles again.
"Leanna," pormal kong saad.
We shook hands.
"So uhm –-"
"Kailangan na niyang umalis."
I saw him standing behind Celrich, completely looked sober. I shifted my eyes to Celrich, hesitant to look at him again because of what I had seen earlier.
"Ihahatid ko na siya," Celrich said.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Kahit hindi sa kaniya nakatuon ang buo kong paningin ay nakikita ko pa rin siya. Umigting ang panga niya at napahawak sa kaniyang batok. Pakiramdam ko ay kailangan kong salungatin ang sinabi ni Celrich, hindi naman sa gusto ko ring magpahatid kundi dahil sa nakitang ekspresyon mula sa kaniya.
"No need, It's okay. Malapit lang naman tsaka medyo maliwanag na rin 'yong langit."
"Hindi, okay lang. Pauwe na rin naman kami, ihahatid na muna kita habang nagliligpit pa sila," dagdag ni Celrich.
Tinanaw ko ang hotel at nakitang naroon si Ate Betty sa may entrada, sumusulyap-sulyap. Siguro ay pinuntahan ako nito sa kwarto at nakitang wala ako roon.
"Okay lang talag, kaya ko naman."
Mabilis akong sumulyap sa likod niya at nakitang wala na siya roon. Mabilis siyang hinanap ng mata ko pero hindi siya natagpuan. Kaagad na rin akong umalis doon matapos magpaalam kay Celrich. Bukod sa naghihintay si Ate Betty ay wala na rin naman akong gagawin doon.
"Ate Betty, good morning," I kissed her cheek.
"Saan ka nanggaling? Napaka-aga mo yatang nagising ngayon. Gusto mo na bang kumain?"
She led me inside the resto, but I refused. I want to lie down and sleep again. After what happened earlier, I felt very tired even though I did nothing but sit on the sand with him. Pero kahit anong tanggi ay hindi ko magawang ipagkaila na iba ang naging epekto sa akin nang nakita ko kanina. At pakiramdam ko ay iyon ang dahilan kung bakit wala akong gana.
Maybe that voice inside my head earlier was right. Hindi na dapat ako tumuloy na ibigay ang jacket sa kaniya, mahimbing pa sana akong natutulog ngayon. But maybe there's also a reason why I didn't follow it.
I sighed and laughed at my own thought. Ang totoo ay isa lang naman talaga ang dahilan. It's either I'm worried about him or I just want to see him and be with him.
"Sigurado ka bang hindi ka muna kakain bago matulog ulit?" si Ate Betty.
Kasama ko pa pala siya.
"Opo Ate Betty. Sige, akyat na po ako sa kwarto."
Tumalikod ako at nagulat nang makita ang aking unit number. Kailan pa ako nakarating dito? Sumakay ba ako ng elevator? Umakyat sa hagdan? Wala akong matandaan na ginawa ko alin man sa mga iyon.
"Leanna magsabi ka nga ng totoo. Ano bang nangyayari sa iyo? Ilanga raw ka ng wala sa sarili mo. Kung hindi sabog ay lutang ang isip mo," mahabang litanya ni Ate Betty.
"Wala po Ate Bety. Inaantok lang po talaga ako, nagising po ako kanina at hindi na makatulog ulit kaya nagpahangin muna. Sige po pasok na po ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali-daling pumasok tsaka ni-lock ang pinto. Ilang segundo akong nakasandal sa likod ng pinto habang hinihimay lahat ng nangyari. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang bumuntong hininga.
Ano bang nangyayari? I asked myself as if I didn't know what was going on. It's just that... I don't want to accept it. I mean, I am not yet sure and obviously I am not yet ready. Besides, he's a stranger for me and I could be a stranger for him also.
"People are strangers until they can fall in love," said this little voice inside my head.
Pinilig ko ang ulo ko at hindi ito pinansin. Umalis ako sa pagkakatayo at pumasok ng kwarto. Hindi ko mapigilang mag-isip, lalo na ang mga bagay na may kinalaman siya. I pulled out my luggage and picked up my Bose QuietComfort 35 II/QC35 II wireless headphones, regalo sa akin ni Mora noong nakaraang birthday ko. I played random song bago humiga at pumikit.
***
✍️

Chapter Four
Start from the beginning