"Bakit namumula ang ilong mo kagabi?" tanong niya na nagpahinto sa akin.
Natigilan ako. Hindi naman talaga ako nahihiyang malaman ni Ate Betty lahat ng nangyayari sa akin. Siguro dahil simula pagkabata ay nakasama ko na siya at bukod kay ona at mama ay siya lang ang lubusang nakakakilala sa akin. Pero sa pagkakataong ito... hindi ko alam kung bakit parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng katawan ko. Sa sarili ko ay alam kong may kinalaman siya dito, pero ayaw itong tanggapin ng buong sistema ko. Iyong katotohanan na nakita niya ang hitsura ko kahapon ay ibang usapan na.
"Leanna," Ate Betty snap her finger in front of me. "Ano bang nangyayari sa'yo? Kanina pa kita tinatanong pero parang wala kang naririnig," she added.
"Sorry po Ate Betty, nauntog lang po ako kahapon," pagdadahilan ko.
"Bakit mo naman ako tinakbuhan kahapon!?" she asked me again. Her eyebrows are twitching, seems that It's telling me that this time I had no escape.
"Inaantok na po kasi ako," simpleng sagot ko.
Kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo ay siguradong wala na siyang tigil sa kakatanong, besides It's just a simple white lie that will save my life... right now.!
Natulala ako nang magtama ang paningin namin. I just sit there, willing my eyes to leave his not until he first averted his gaze and unexpectedly the sunlight from the window hit his eyes which caused them to glow and I totally stunned. Naramdaman kong dumoble ang pintig ng puso ko, tila hinahabol. And even though it may sound unusual, I felt strangely cold and weak when his eyes moved away.
"Leanna!" Ate Betty clapped in front of me which brought me back to my senses.
I blink my eyes twice.
"Susmaryosep kang bata ka! Ano ba ang nangyayari sa iyo," si Ate Betty habang hinihilot ang noo.
Sumulyap ako sa mesa nina ona. Nakatayo na siyang maging ang mag-asawa, tapos na sigurong mag-usap. Bumalik naman ang paningin ko sa harap, nagbabakasakaling naroon pa rin siya. Pero ilang beses na akong kumurap ay talagang bakante na ang inuupuan niya kanina. It sounds weird, but I really feel lethargic after that.
After breakfast, I spent my whole time in my room talking to Mora until lunch. Doon ulit ako naupo sa pwesto ko kanina. Habang papasok ng restaurant ay pinipigilan kong hindi lingunin ang pwesto niya kanina pero nang matapat sa kaniyang mesa ay hindi ko na rin napigilan. Sumama lang ulit ang loob ko nang makitang ibang tao ang naka-upo roon. I have no idea what's happening. Hindi ko siya kilala, even his name is a mystery to me. Kaya palaisipan para sa akin kung bakit ganito ang mga kilos ko. Sa isang pitik ay normal ang paghinga at pagkurap ko pero sa tuwing tumatama ang paningin ko sa kaniya ay natutulala na ako, biglang titigil sa paggalaw ang lahat sa paligid ko, and his eyes... it hypnoticing me.
Buong oras ng tanghalian ay wala akong imik tanging si ona at Ate Betty lamang ang nag-uusap. Hindi ko rin naman kilala ang pinag-uusapan nila kaya hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin. Matapos kumain ng tanghalian ay pumanhik na ulit ako sa aking kwarto. Nakatulugan ko ang panonood ng telebisyon. Maghahapunan na nang magising ako. Kaagad akong nag-ayos ng sarili at bumaba. Napansin kong wala si Ate Betty, hindi yata sasabay sa aming kumain ng hapunan.
Ngumiti si ona ng makalapit ako. Nginitian ko rin siya at hinalikan sa pisngi tsaka naupo sa harap niya. Dadalawa lang naman kaming kakain pero punong-puno ang mesa. Wala pa rin akong imik gayon din si ona. Tahimik kaming kumakain nang magtanong si ona, hindi nakatiis siguro ay napansin ang pananahimik ko.
"Masama ba ang iyong pakiramdam, Leanna?"
Nginitian ko siya at binalik ang paningin sa pagkain. "Hindi po Ona," sagot ko.
"Sigurado ka? Kanina ka pa tahimik, sabi ng Ate Betty mo ay kakaiba ang kilos mo nitong umaga."
"Okay lang po ako. Hindi lang po siguro maganda ang gising ko."
Hanggang matapos sa pagkain ay wala kaming masyadong pinag-usapan. Nagpaalam akong magpapahangin muna bago umakyat sa sariling kwarto.
Yakap ko ang sarili nang harapin ang pang gabing hangin. I remove my flip-flops and walk along the shore barefooted. The soothing night atmosphere takes me into a world of peace. And the sound of the gentle waves occupied my mind.
"You're alone again."
My heart pound when I heard his voice. It's a statement not a question kaya hindi ko kailangang sumagot. Muling dumoble ang pintig ng puso ko nang maramdamang papalapit siya. Bago pa tuluyang makalapit ay humarap na ako sa kaniya. Madilim sa gawi namin kaya malaya ko siyang titigan ng hindi nababalot ng hiya. Tumikhim siya at doon lang ako natauhan. Walang pagdadalawang isip ay pinagpatuloy ko ang paglalakad. Tuluyan ng nilisan ng kapayapaan ang aking dibdib. Naramdaman ko ang pagsunod niya kaya napahinto ako.
"What are you doing?" nakatalikod kong tanong.
Natameme ako nang walang makuhang sagot, huminga ako ng malalim bago muling nagpatuloy sa paglalakad.
"Face me then ask me again," saad niya na muling nagpahinto sa akin.
Mariin kong naitikom ang kamao ko nang maramdaman ko ang dibdib niya sa aking likod. Gano'n ba siya kabilis maglakad o sadyang mabagal lang ako. Pero kahit na, hindi ba niya alam na hindi naman kami magkakilala para lapitan at kausapin niya ako ng ganito.
"Para saan pa kung hindi ka rin naman sasagot!" I said, totally annoyed.
He chuckled. "Because I'm facing your back when you asked me and I find it rude, miss."
Unti-unting bumabalik sa normal ang tibok ng puso ko.
"I will answer you if you face me," he added.
Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago tuluyang humarap sa kaniya. Nangangapa dahil hindi ko makita ang mukha niya, wala akong ideya kung ano ang ekspresyon niya. Mabuti na rin ito dahil hindi niya makikita ang hitsura ko. Hindi niya makikita ang ekspresyon ko kaya hindi niya malalaman ang nararamdaman ko. Ayokong malaman niya na parang hinahabol ang puso ko sa tuwing nakikita ko siya.
Naupo ako sa buhangin bago siya muling tinanong. "What are you doing?"
Gaya ng gusto niyang mangyari ay hinarap ko siya. Hindi ko naman inaasahan na mauupo rin siya sa tabi ko.
He teasingly chuckled and says, "Chasing you."
Nagtataka akong lumingon sa kaniya, hindi makuha kung ano ang ibig sabihin.
I winced. "But... I'm not running, nakita mo naman siguro."
"In my mind," he said seriously.
Nangunot ang noo ko ng hindi maintindihan ang nais niyang iparating. Ilang segundo bago ko nakuha ang ibig niyang sabihin, I gasped and faced him immediately.
He laughed.
Napasimangot na lang ako nang makaramdam ng inis sa sarili. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa kaya mas lalo akong nainis.
"You done laughing," I asked coldly.
"I'm sorry, I thought you wouldn't get what I meant," he said, still laughing.
Paglipas ng ilang minuto ay nanahimik na siya sa pagtawa. Kanina ko pa balak umalis kaso mali naman na iwan ko siya rito habang tumatawa, baka isipin na naman niya bastos ako. Wala na akong balak magsalita pa. Buong akala ko nga ay doon na matatapos ang gabing iyon.
"Honestly, I saw you at the resto. You looked pale and weak. I just feel that you need someone to talk to, kaya sinundan kita."
Hindi ako sa sinabi niya nagulat kundi sa pagtatagalog niya. His voice's sounds smoky when he speaks Tagalog. Buong akala ko ay hindi siya marunong magtagalog.
"You should go back to your room, it's cold here you might get sick," he added.
Tumayo na ako at sinuot ulit ang aking tsinelas. Inalalayan niya ako ng hindi naglalapat ang aming balat. Hindi ko na pala kailangang lumayo, because he felt distant. Hinatid niya ako hanggang sa lobby ng hotel. Hanggang makapasok sa loob ng elevator ay hindi ko na siya muling tiningnan.
***
✍️

Chapter Three
Start from the beginning