PAGKATAPOS ng usapan na iyon ay tumahimik na kami kasi nag uumpisa na ang seminar.
Halos puro salita lang naman sila. Minsan may deni demo sa harap at nag hahanap ng mag vo- volunteer. Si Gelay pa nga ang napili. Tatawa- tawa pa kami ni Xeb nong nilapitan siya ng isang doctor.Sa dinami- dami kasing gustong mag volunteer eh siya pa ang napili kahit na hindi naman siya nag taas ng kamay kasi tahimik kang naman siya sa tabi ko at nag te-take ng notes. Kilala ko iyong doctor siya si Doc Khin dahil nag tatrabaho iyon sa hospital namin. Kasamahan siya nina ate Maggie. Kaya naman nag tataka ako kung bakit siya narito? Kasama niya kaya si Ate?Bakit hindi manlang nag sabi si ateh kung ganun nga? Pero di ko pa naman siya nakikita eh. Sa dami ng mga doctor na narito mahihirapan akong mahanap siya. Pero nakakapag taka lang talaga at narito si Doc Khin. Sabagay galing naman talaga sa US si Doc Khin bago siya nalipat dito sa Pilipinas dahil sa kay Kuya Chandler.
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng Function hall nong nilapit ni Doc khin ang mukha niya sa mismong mukha ni Gelay. Halatang naiinis ang gaga nag titimpi lang. May manliligaw kasi itong si Gelay si Jay. Gwapo si Doc Khin at may pagka antipatiko. Mahilig nga lang sa girls. Chineer up pa namin siya ni Xeb.
Kung tutuusin ay hindi naging boring ang seminar dahil napuno ng asaran at pick up lines yun pero relate parin sa objectives at topic ang naka pa loob." Doc Chandler and Doc Maggie please take the stage now." Rinig kong sabi ni Doc Khin.
Hala! Bakit nandito ang mga toh?
" Oh! Your ate Maggie is here." Imporma ni Xeb sakin.
" Kaya nga eh. Bakit hindi manlang nila sinabi? Kaya pala fix agad ang requirements namin ni Gelay para sa seminar na ito. Kasi kasama pala sila rito."
" Really? "
" Uhuh!"
Di ko alam kung bakit kinabahan ako bigla.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong hall kahit alam ko namang hindi ko matatanaw ang kabuuan non. Pero nilibot parin ng paningin ko kung hanggang saan ko kaya . Hindi talaga ako mapalagay.Brendt... Narito ka rin ba?
Tanong ko sa isipan ko. Bakit ganito nalang kalakas ang tibok ng puso ko.?
" Are you alright?" Nag aalalang tanong ni Xeb.
" Seems you're looking for someone?"Pano niya nasabing tao ang hinahanap ko?
" Here. " Inabot niya sakin ang kakabukas na bote ng mineral water . Kinuha ko naman agad at ininom agad iyon.
" Thanks Xeb."
Maikling introduction lamang ang binigay ni ateh at kuya Chandler. Pagkatapos nun ay umakyat naman ang isang American Doctor at nagpakilalang bilang si Dr. Dwight.
Nag paalam ako kay Xeb na lalabas muna ako saglit. Nagtataka man sa ikinikilos ko ay wala siyang nagawa kundi hayaan ako. Sinabi ko nalang na susundan ko si Gelay sa labas.
Tinatawagan ko si Gelay kung nasan siya pero hindi ko macontact ang cellphone niya. Nasan na kaya yun? At bigla nalang siyang lumabas.
Argghhhh! Pisti! Sin ka eomupad Gelay?
Nakakainis! Di manlang nag paalam kung nasan siya pumunta. Di pa naman tapos ang seminar.
Napag desisyunan ko nalang na bumalik sa loob ng hall. Umalis siya kaya marunong din siyang maglakad pabalik. Nakakainis! Iniwan ako bigla!.
" Ah aray!"
Fudge! Katangahan overload Daine!
Bumukas nalang bigla ang two door at aksidenteng natama ang noo ko.

YOU ARE READING
The Closer I Get To You [ON-GOING]
RomanceJourdaine" Daine" Lacsama a typical beautiful lady fell in love with Doctor Brendt Chase Loreano ang suplado at masungit na Doctor na nakilala niya. Lahat na yata ay gugustuhin na magustuhan ng isang Brendt Chase at isa na dun si Daine. Akala niy...