抖阴社区

Chapter 16

10 0 0
                                    

Tulad ng sabi niya kanina ay sinundo nga takaga ako ni Brendt sa school. Nakita ko siyang naka sandal sa magarbo niyang sasakyan. Hawak- hawak ang isang bouquet ng mga puting tulips. Napangiti naman ako nong dumako ang tingin niya sa gawi ko.  Maraming babaeng napapalingon sa kanya. Di naman iyon maipagkakaila dahil sa good looks niya hotness and manliness na taglay niya. Isa na rin dun ang suplado niyang mukha na nakakadagdag sa sex appeal niya.
Ibang iba ang Brendt na nakikita ko ngayon sa harap ng publiko kesa sa Brendt na nakakasama ko na kami lang ang magkasama. He looks intimidating and close to being hot and gorgeous goddess.

I must said that I'm so Lucky.

" Hey." Nakangiti niya akong sinalubong at niyakap. That was sweet move para sakin lalo na't maraming tao na nakapaligid samin.

" For you."  Inabot niya ang bulaklak na dala niya para sakin. Nakangiting tinanggap ko iyon at inamoy amoy. Natutuwa naman ako dahil tinupad niya ang pangako niyang he'll make up for me.

" Thanks. This is so sweet."  Ginawaran ko siya ng halik sa pisngi. Nagtataka naman niya akong tinignan. Alam ko na agad kung bakit.
" PDA Brendt." Paalala ko sa kanya. Ngumisi lang siya at inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya. Iniwan na namin ang kotse ko dahil binigay ko naman ang susi kay Lana para siya na ang mag maneho pauwi ng bahay.

" Where are we going Brendt?" Tanong ko habang hawak hawak niya ang isang kamay ko at ang isang kamay niya ay na steering wheel.

" You'll know." Tanging sagot niya. Alam ko na agad na may balak siya. Hinayaan ko lang siya. Pansin ko lang din na sa buong biyahe namin ay nakangiti siya.

" What's with that smile Brendt? You're creeping me out."  Papalit palit ang tingin niya sakin at sa daan habang naka sukbit parin ang ngiti sa labi niyang abot tenga.

" I'm sorry. I can't help but smile." Tanging sagot niya. O sige mukhang masaya siya ngayon kaya pagbibigyan ko dahil mas gusto kong ganito siya na masaya at ako ang kasama,  kahit na pansin kong kanina pa kami bumabyahe. Halos isang oras na ang biyahe namin pero parang hindi parin kami nakakarating sa destinasyon namin. Halos mangalay na ang kamay ko dahil mahigit isng oras narin na hinahawakan ni Brendt ang kamay ko at di niya kailan man binitawan. Inabot ko ang bag ko gamit ang isang kamay ko tsaka kinonek ko ang iPad na dala ko sa stereo ng kotse niya, tsaka nagpatugtog para may mag ingay naman.

" Are you tired?" Baling niya sakin. Umiling naman ako sa kanya. Binitawan niya saglit ang kamay ko para kunin ang bottled water at inabot sakin. Ininom ko naman iyon. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Hindi ako umangal bagkos ay simple akong napangiti dahil sa munting tuwa na idinulot nun sa puso ko.

" Why smiling?" Tanong niya kaya napalingon naman ako sa kanya. Kumislap ang ngiti niya sakin. He's really a handsome human being that I have ever seen. Baliw na ba ako kung iyon ang nasa isip ko? But I would rather admit that, dahil alam kong sa pagdaan ng mga araw na siya ang kasama ko ay lalo akong nababaliw at wala akong balak na gumising sa kabaliwan ko sa lalaking ito dahil iyon yata ang pinagmumulan ng saya at pagmamahal ko para sa kanya araw-araw sa buhay ko.

" I noticed that you don't want to let go of my hand."

Bumalik ang atensyon niya sa daan namin bago nag salita.
" As much as I can, I don't want to let go of you. I won't be tired holding your hand. " Madamdamin at seryoso niyang sabi. Parang may kung anong haplos ang naramdaman ko bigla sa puso ko. Grabe ang epekto ng taong to sakin. Mas umusog ako ng kaunti sa kanya at ginawaran ng yakap.

" As much as I can  I won't let go of you too magkamatayan man. Di kita ibibgay sa iba. Pangako yan." That made him chuckled and carefully kissed my head that's slightly leaning on his shoulder.

You've reached the end of published parts.

? Last updated: Jan 22, 2021 ?

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Closer I Get To You [ON-GOING]Where stories live. Discover now