Pagkarating namin sa campus ay nag paalam si Lana sakin na may pupuntahan daw sila ng mga kaibigan niya. At hindi daw siya makakasabay ng uwi samin mamaya ni Xeb dahil may pupuntahan daw silang birthday party mamaya. Inalok siyang ihatid ni Xeb pero tinanggihan niya yun.
Dumaan na muna akong ladies room para mag ayos nang sarili dahil hindi ako nakalagay ng kahit na anong kaartehan sa mukha. Pinapa una ko na si Xeb sa cafeteria pero makulit at maghihintay nalang daw siya sa labas ng ladies room. Kaya dinali dali ko na ang pag aayos.
Lumabas na ako at naabutan ko nga siyang naka tayo sa labas ng pinto.
" Let's go." Aya ko sa kanya nong makasalubong namin si Brendt. Saglit na napako ang tingin niya sakin at kay Xeb pababa sa dala naming mga pagkain.
Ganun pa rin naman ang itsura niya gwapo at nakasalubong ang kilay. Tila may ginawa kaming masama ni Xeb. Parang timang naman yun.Pero crush ko pa rin siya! Kahit pa na ang sungit niya.
Takte lang at di niya manlang ako kayang kausapin ng maayos.
" Good morning doc! You want some?" Alok ko sa kanya. Syempre tinapangan ko na para naman pampa good shot sa kanya.
" No thanks. I don't eat unhealthy foods."
Sabi lang niya at nilagpasan na kami at dumeretso sa men's room. Ano bang problema nun at napaka pranka niya? Di manlang nag sugarcoat nang kaunti. Kesyo sabihin nalang na "no thanks nag breakfast na ko." O kaya naman " no thanks. I'm full."
Ang dali namang sabihin nun pero ang sungit niya talaga! O baka naman bitter lang siya!" Let's go Dainey. Alam kong mabait ka pero Di mo na sana inalok." Kaswal na sabi ni Xeb pero halata ang pagka insulto. Syempre binili niya to para samin.
" It's okay. Kahit naman na sabihin niyang hihingi siya di ko naman siya bibigyan. Kulang pa sakin to eh."
Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Pumunta kami sa cafeteria at doon namin naabutan si Gelay na naka salmpak sa isang sulok at mukhang problemado.
" Anong nangyari sayo?" Tanong ko.
Tinignan niya kami ni Xeb na may pagka disguto." Ang aga aga niyo namang mag ligawan. Tigilan niyo ko wag kayo dito sa harap ko."
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Anong ligawan? Wala namang ganun! Shunga talaga tong si Gelay.
" Baka may love problem ang isang yan." Bulong ni Xeb sa akin.
Baka nga!
" Ano bang drama mo? Ikain mo nalang yan ng McDo. Diba yun yung kinakain ng mga broken tas kakanta sila ng tuloy parin.! Ganito yun eh!" Tumikhim ako at kunwaring kinukuha ang bara sa lalamunan ko.
Kinuha ko ang bottle ng tubig at ginawang microphone at binigay ang burger sa kanya.
" Tuloy parin ang awit ng buhay ko!
Magbago man ang hugis ng puso mo
Handa na kong hamunin ang ating mundo pagkat tuloy parin..."Nagulat akong nag palakpakan ang lahat ng tao sa loob ng cafeteria. Nilibot ko ang tingin ko at lahat pala ng naroon ay napatigil sa ginagawa nila at pinakinggan ako.
Shit!
Napahiya ako run ah!
" Naku! Pasensya na po!" Paghingi ko nang paumanhin.
" Naku nakakahiya! Sorry talaga!"
Kinagat ko ang bibig ko sa sobrang hiya.Tumawa lang si Xeb at manghang naka tingin sakin.
." You never told me that you're a good singer."
Inismiran ko siya dahil di ko alam kong compliment ba yun o insulto.

YOU ARE READING
The Closer I Get To You [ON-GOING]
RomanceJourdaine" Daine" Lacsama a typical beautiful lady fell in love with Doctor Brendt Chase Loreano ang suplado at masungit na Doctor na nakilala niya. Lahat na yata ay gugustuhin na magustuhan ng isang Brendt Chase at isa na dun si Daine. Akala niy...
Chapter 7
Start from the beginning