抖阴社区

                                    

" Sis! Sis! Shit! Si ano !"
Inaalog ako ni Gelay. Her eyes open wide as she looks behind me.

" Hah? Ano?" Hindi niya parin tinigilan ang pag alog sa braso ko halos nga kurutin niya ako.

" Si ano nga! Arghhh shit be! " Tumili siya.  May kung ano pang bulungan at tili ang narinig ko sa paligid ko.

To my curiosity tumingin din ako sa likod ko. And I saw Brendt with his co-doctors together with ate and kuya Chand. Na naka tingin sa gawi namin. Si Kuya Chand ay naka palakpak parin at si ateh naka ngiti lang samin habang blangko lang ang reaksyon ni Brendt and his side lips slightly rose up.

Ano ba yan!

Napababa ako ng tingin. Dahil pakiramdam ko namula ang pisngi ko nang wala sa oras. Nagmumukha akong teenager.

Hindi pa rin humuhupa ang mga tinig ng mga babae sa paligid namin. Halo halo ang mga students na narito na galing sa iba't ibang Med departments.

Nag umpisa na kaming kumain. Hindi ko na nilingon sina Lucas at sina ate na naroon.
Nahihiya ako di ko inasahan na makakuha ng atensyon ang pagkanta ko.

" Be! Be!"

" Ano na naman?" Tanong ko kay Gelay dahil napipi na naman siya.

" Palapit sila rito! Si ate Maggie at yung magkapatid!"

Nanlamig ang buong katawan ko. Tinignan ko siya na parang nagtatanong ako kung totoo ba talaga.

" Hi guys!" Boses ni ate Maggie yun at sapat na sagot na para sa katanungan ko.

Binati sila nina Gelay at Xeb. Habang ako nakatuon lang ang tingin sa pagkain at nginitian sila isa-isa pero ganun nalang ang salubong ng kilay ng isang to nong tignan ko siya. Ano bang problema nito?

"Pedeng maki share ng table?" Tanong ni Kuya Chandler.

" Sure. There are 3 chairs available pa naman."  Sabi ni Xeb.

Umupo na sila sa harapan namin habang kami naman tatlo ni Gelay at Xeb ang mag katabi.

" So you guys are together huh?" Tanong ni ate Maggie sa amin ni Xeb. " Still pursuing Xeb?"

Tumawa lang si Xeb at saglit na tumingin sakin.

" As of now Dainey still wants us to be friends but I'm working on it. Changing her mind."

Kaswal na sagot ni Xeb at sinundan pa nang munting tawa. Pansin kong umangat ang tingin ni Brendt sakin pero agad din namang nawala yun dahil pinag patuloy lang niya ang pag kain niya. Pansin kong puro masustansya ang kinakain niya. Veggie sandwich at fresh fruit juice lang. Napatingin ako sa kinakain ko. Lahat yun galing fast foods at mayaman sa calories.

His jaw tightened at parang ang bigat lunukin kainin ang kinakain niya.

" So san mo balak mag trabaho when you graduate here?" Tanong naman ni Kuya Chandler.

" Balak kong mag aral pa sa US after I graduate here. Di ko lang alam kung susundan ako ni Dainey dun."

Tumaas ang kilay ko sa kanya at ngumiti lang siya at inayos ang kunting hibla ng buhok na nasa may mata ko at pinahiran ng tissue ang dumi sa may labi ko. Naiilang ako dahil pakiramdam ko lahat sila ay napatingin saming dalawa ni Xeb.

Tinignan ko sila isa isa at may namuong ngiti sa labi ni ate Maggie at kuya Chandler. Habang si Gelay naman pumike ng ubo.
Dumako ang tingin ko kay Brendt pero agad din naman niya iyong binaba at kumain ulit na parang wala lang siyang paki alam sa paligid niya.

" You two look good together." Puri ni kuya Chandler. Lumingon siya sa gawi ni Brendt.
" What can you say bro?" Tanong niya sa kapatid.

Tumaas ang tingin ni Brendt samin dalawa ni Xeb

" Yeah." Tipid niyang sagot. At lumingon sa gawi ng kuya niya. " Can you please mind your own business kumakain ako." Masungit niyang sabi.

Nagulat nalang kami lahat nong bitawan niya ang kubyertos at dali daling uminom ng fruit juice niya at tumayo.

" I'm full. I'm leaving." Malamig niyang sabi di manlang kami binalingan ng kahit kaunting tingin at dere-deretsong lumakad palayo samin. Narinig kong tumawa ng malakas si Kuya Chandler.

Nilingon ko si Brendt at nakita kong may kausap siyang babae na kasama nila kanina. Nakaputing Doctor's robe ito. Ang lapad ng ngiti ng babae nong lumapit si Brendt sa kanya. Maganda siya at simple pero halata na elegante. Makikita ko rin ang magandang hubog ng katawan niyon kahit na natatabunan ng roba. Ngumiti rin pabalik sa kanya si Brendt at may binulong. Ganun ba dapat kapag kumausap? Kailangan ibulong pah?
Tumango pa ang babae at nagpa hatak sa pulsuhan kay Brendt at lumabas silang dalawa sa cafeteria. Bakit ganun? Kapag ako yung kaharap niya laging nakasalubong ang kilay at parang laging sira ang araw niya. Tapos pag iba naman palang babae ngumingiti siya.

Unfair ah! Maganda din naman ako ah?  Marami nga akong manliligaw! Di lang si Xeb! Pero lahat sila basted si Xeb kang ang trying hard.

Siya nga ang gusto ko pero ginaganito niya ako. Nakakainis!

As if naman alam niya at gusto ka rin niya!

Nalukot ang mukha ko nong ibalik ko ang tingin ko sa kinakain kong chicken burger at fries. Pinagbabali ko yung fries at nilubog yun sa sundae ko at kinain.

" Eww! Ang dungis mo ghorl!" Inirapan ko si Gelay. Naiinis ako!

" Hala! Tripbad ka ghorl? " Ngumisi pa siya nang nakakaloko.

" Tigilan mo ko." Mahina pero nakakamatay.

" Bili lang ako ng tubig mo." Paalam ni Xeb sakin. Di ako umimik basta kain lang ako ng kain kung ano ang madampot ko.

" Someone's grumpy." Nakangiti na sabi ni ate pero pagkain lang niya nakatingin at si kuya Chand naman naka ngiting umiinom ng tubig.

" Are you done sweetie? May iinisin pa ko eh."  Pinigilan pa ni Kuya Chandler ang tawa niya. Bakit sila ganun? Di ko nalang sila pinansin.

" Bye Daine! See you later." Paalam ni ateh sakin. Nag thumbs up lang ako.

" Bye Gelay!" Paalam din niya kay Gelay. Kumaway kang ito sa kanila.

" Daine? May sasakyan ka? Gusto mo ipahatid kita kay Brendt?" Si kuya Chandler.

Nag init agad ang ulo ko sa pangalan na yun.

" Ayoko. Mayrong Xeb naman ang hahatid sakin." Di ko alam kung san ko nahugot ang mga salitang yun. Feels like I sounded like an immature baby.

Parang tanga lang Daine! Nag papahalata?

Gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko.

" Ah ganun? Sure ka na niyan ah? Sige."

Umalis na sila sa harapan ko.

© CSReigns

The Closer I Get To You [ON-GOING]Where stories live. Discover now